Nakatayo agad after CS

Any tips nga mi pano maka Tayo, upo, at tagilid agad after CS? And ano gnawa para mag ka gatas agad First time mom. Thanks po

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pagkatanggal ng catheter, nakatayo ako agad dahil need pumunta sa CR. with the assistance of my hubby, nakatayo ako. masakit lang ang bumangon at paghiga, pero ok na kapag naglalakad. slow walking lang. sa sitting, inaadjust ni hubby ang hospital bed para makaupo ako. pero nung nakakatayo at lakad nako, nakakaupo nako sa chair para kumain sa table, while in the hospital. sa pagtagilid, dahil sidelying ang breastfeeding ko kay baby, dahan dahan lang ang movement para makatagilid. kaya dapat ok ang paglagay ng binder to support the tummy. kasama sa hospital bag ko ang breastpump, malunggay capsule at malunggay cereal. unlilatch si baby para ma-express ang milk. kapag hindi sia naka latch ay nagbe-breastpump ako, if ever hindi pa makalabas ang breastmilk. malunggay supplement, 2x a day. malunggay cereal, 1x a day. i drink 1 small plastic cup every hour, para maraming fluids. uminom din ng maraming sabaw, katulad ng sabaw ng malunggay, for more fluids. lumabas ang breastmilk ko after 2days.

Magbasa pa