Nakakasakit Ng Loob Si OB

Kakapa check up ko lang po kanina. Ang sakit lang sa loob nung sinabihan ako ng OB ko ng "Tanga ka talaga". Nung nakaraan kaseng check up ko binawal niya ko sa baboy dahil mamantika. Tapos kanina tinanong niya ko kung kumakain na ko ng gulay sabe ko opo tsaka po minsan sinasahog lang ung baboy. Tapos bigla niya sinabe "Tanga ka talaga" wala ako sinabeng wag ka kakain ng baboy. E yun yung sabe niya nung last check up ko. Haaays tapos sabe niya "higa kana tingnan natin kung buhay pa yang baby mo". Natatakot ako pag sinasabe niya yan. Nung 1st time ko naman magpacheck up sa kanya sabe niya ang dumi dumi ko daw bakit daw nagpa buntis ako ng hindi pa ko kasal. (kesa naman ipalaglag ko tsaka 3 yrs na din kame nagsasama ng partner ko. Balak na namin magpakasal next year e nauna na nga lang si baby hehe) Wag na daw ako mag engrandeng kasal dahil hindi na ko virgin. Hindi ko man lang maipag tanggol sarili ko. Kung husgahan niya ko parang kilalang kilala niya pagkatao ko. Ang dami niya pa sinasabe na nakakasama ng loob tapos ang sasabihin niya no offense meant. Umiiyak na lang ako sa bahay dahil sa sama ng loob.

976 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hala..may sapak OB mo momsh. Imbes na panatag ka pag kausap mo OB mo. Haha. Lipat k na ng ospital. Dapat nga mababait sila at nag eexplain bakit bawal yung ganto, ganyan..ano dapat mo gawin, mga expectations mo bawat trimester. OB ko mabait, machika. Ineexplain nya lahat, wag daw ako mag alala kung maliit ako mag buntis, importante normal heartbeat ng baby, pati sa lab tests di sya nagmamadali. Sinasabi pa nya kung alin yung meds at vaccines na libre s health centers para daw hindi magastos kahit meron nun sa clinic nya.

Magbasa pa
6y ago

Totoo. Dapat mabait ang ob. Dalawang ob naencounter ko as a ftm, hindi ako naawkwardan sa kanila kasi super bait. Nakakatuwa a yung pangalawang ob nung nakabalik after leave, sobrang alaga ako pati baby ko, nalibre ultrasound pa to check yung position and yung gender ni baby 😅