Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Ragnar's Mom
Screens
My lil one is turning 5 months this Oct..nung 2 months pa lang sya, nanonood na sya ng tv. Siguro kasi nako-caught ng attention nya sa nakikita nyang tao. Safe naman ba na papanoorin ko sya sa you tube ng mga baby sensory videos? yung mga shapes lng na gumagalaw tapos may classical music/ nursey rhymes. Nasa modern tech na tayo so screens are everywhere. Tapos si hubby pa OFW, so di din maiwasang mag videocall kasama si baby kasi wala naman si hubby nung nanganak ako at yun lang ung way para makausap nya si baby namin. May limit naman ako sa kanya sa screens kasi worried din ako. Di pa kami maka visit sa pedia since di pa din safe ilabas si baby.
help mommies! (baby poop)
Nung isang araw, nag palit ako ng water ni baby from absolute to nature spring na distilled din naman. Nag poop sya ng matigas kinabukasan. Di naman sobra tigas, parang tomato paste tapos yellowish green sya. Dinagdagan ko ng onting water ung tnitmpla kong gatas nya tapos kaninang umaga nag poop na sya ng malambot kaso paeang 3x na sya nag poop today. Naninibago ako kasi dati di sya nakaka poop sa isang araw. Normal lang po ba na maiba bowel movement nya? Kung hindi po, ano po best na remedy? 8 weeks na po si baby ko. Thanks!
Mom at 31
Just flexin my preggy pic and few days after giving birth to my baby boy. Sabi nila lolobo ka daw once na nag buntis. Anyare sken? ?? Malakas naman ako kumain. Payat talaga ako eversince at tumaba na ako ng lagay na yan ? tapos ang liit ko pa magbuntis? iembrace ko na lang daw built ko..kasi mahirap magpapayat.?
Long Wait is Over!
EDD: May 16, 2020 DOB: May 12, 2020 Gender: Boy "I-CS nyo na ako..hindi ko na kaya!" Puro yan na lang ang salitang sinasabi ko sa midwife ng lying-in noong di ko na matolerate ung paghilab ng tyan ko,pero di nya ako pinapansin..sabi nya lang kaya ko ilabas ang baby ko. Masakit..paulit ulit akong pinapatuwid ng midwife kasi natatabingi ako kada hilab ng tyan ko. Makakalma ka lang saglit, tapos hihilab na naman. Mahirap...at totoo na pag manganganak ka, yung isang paa mo nasa hukay. Lahat ng Santo tatawagin mo at totoo na maiisip mo na di biro ang sakripisyo ng isang ina. Pero kahit mahirap mag labor, sulit ang paghihirap pag nakita mo kapag nakita mo na si baby at talagang mapapa Thank You Lord ka ? Laking pasasalamat ko kay Papa G na di kami pinabayaan ni baby ..sa midwife at nurse na nagtiwala sa kakayanan ko kahit na hinang hina na ako..sa ate ko na nagbantay sa akin sa lying in..sa byenan ko na nagpapahatid ng pagkain namin..sa parents ko na di kinakalimutang payuhan na lakasan lang ang loob..at sa LIP ko na kahit nasa malayo eh full support pa din.? Mahal na mahal ko kayo. ❤ May bago na namang bulilit sa pamilya ? Welcome to the world, my Ragnar Wolf!
37 weeks
Mababa na po ba mga Momsh? O konting tumbling pa? ? sa garahe na lang ako nakakapag lakad lakad dahil bawal lumabas ?
third trimester feels
Eto ung stage na parang di nauubusan ng energy si baby ?
Baby Bump!
Week 35 ❤ Kung hindi pag babasehan ang ultrasound, tingin nyo ilang months na si baby sa tummy ko?? ang liit ko daw mag buntis e. ? pero oks lang, as long as healthy baby ko at lumalaban sya, thankful na ako dun. ?
Mommies with OFW Hubbies (SSS)
So eto..di kami kasal ng hubby ko and he's currently working overseas (KSA). 2021 pa uwi nya. Pano magiging siste sa birth certificate ni baby na naka apelyido k hubby tska para makuha ko dn yung mat ben ko? TIA.
Lamon
Skl Im on 29th week. Accdg sa OGTT test, tumaas daw sugar level ko. Yung sa una lang naman na kuha ng dugo. Pero sa pangalawa at pangatlo,.ok naman. Ngayon, pinagbabawas ako ng OB ko sa kanin. Para akong pinarusahan haha. Kaya ko ng walang tinapay pero walang kanin, parang ang hirap. Kanin is life ako.? at sinong di mapapadami ng kanin kung masarap mag luto byenan mo. Tapos ganto pa ka irresistable ung pagkain.?
urinalysis
Pa help naman momshiiies. Naka attach s post n to yung dalawang urinalysis ko. Yung una, nung January 30, 2020. Pinakita ko yan sa OB ko and sabi, mag take ako ng antibiotics. Pero di ako nag take. Dinamihan ko lang pag take ko ng tubig,.instead. 2nd picture was taken this afternoon. May konting changes. Pero sabi ni OB (kapatid nya ntyempuhan ko) mag antibiotics daw ako. Pero kaya pa ba mag improve ng wiwi ko sa water (or buko or cranberry juice)? May doubt kasi talaga ako pag dating sa antibiotics e. 2 liters kaya ko inumin sa 1 araw, pero alam ko kaya ko pa lagpasan un since parang nakakasanayan ko na ding mag tubig ng mag tubig. Push ko pa ba water (or buko juice therapy) o mag antibiotics na ako? Thanks!