Nakakasakit Ng Loob Si OB

Kakapa check up ko lang po kanina. Ang sakit lang sa loob nung sinabihan ako ng OB ko ng "Tanga ka talaga". Nung nakaraan kaseng check up ko binawal niya ko sa baboy dahil mamantika. Tapos kanina tinanong niya ko kung kumakain na ko ng gulay sabe ko opo tsaka po minsan sinasahog lang ung baboy. Tapos bigla niya sinabe "Tanga ka talaga" wala ako sinabeng wag ka kakain ng baboy. E yun yung sabe niya nung last check up ko. Haaays tapos sabe niya "higa kana tingnan natin kung buhay pa yang baby mo". Natatakot ako pag sinasabe niya yan. Nung 1st time ko naman magpacheck up sa kanya sabe niya ang dumi dumi ko daw bakit daw nagpa buntis ako ng hindi pa ko kasal. (kesa naman ipalaglag ko tsaka 3 yrs na din kame nagsasama ng partner ko. Balak na namin magpakasal next year e nauna na nga lang si baby hehe) Wag na daw ako mag engrandeng kasal dahil hindi na ko virgin. Hindi ko man lang maipag tanggol sarili ko. Kung husgahan niya ko parang kilalang kilala niya pagkatao ko. Ang dami niya pa sinasabe na nakakasama ng loob tapos ang sasabihin niya no offense meant. Umiiyak na lang ako sa bahay dahil sa sama ng loob.

976 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I remember may first OB, 6 weeks palang baby ko. Ang bilang nya kasi 8 weeks na so expected nya may heartbeat na dapat yung bata. May sono found out na wala pa heart beat. Den sabi ng OB "wala pang baby, minsan kasi bugok na itlog lang yan" i was hurt.. After that incident, nagpalit na ako ng OB. Kasi ang bastos nya magsalita. Hindi sya nag-iingat sa mga sasabihin niya. You too. Kasal man o hindi, virgin man o hindi, we deserved to be treated in a nice way. We are clients at binabayaran lang naten sila para sa serbisyo nila at hindi para i-judge tayo. Kaya magpalit ka ng OB sis.

Magbasa pa
VIP Member

siraulo ganyang ob..ako once di ko nafeel yung ob ko di ko nagtuloy sa kanya..lipat agad kami 3rd check up..pero mas worst naman yan..ako din 3yrs kami ng boyfriend ko not LI pero nag aayos narin ng kasal for next yr nauna lang si baby kaya napaaga ngayong yr..sabi ko sa 2nd ob ko "pwede po ba papalitan yung surname ko? kasi last check up ko di pa ko kasal" sabi nya "oh talaga? wow congrats mommy" with angelic voice and smile pa..super bait ni Dra. Sepacio kaya di ako nagkamali lumipat sa kanya..kaya ikaw mommy lumipat ka na WALA SILANG KARAPATANG HUSGAHAN TAYONG MGA INA!! 😊😊

Magbasa pa

Bastos naman nyan doctor na yan. Wag mo sa hayaan ganyanin ka dahil wala syang pakialam sa personal na buhay mo. Naku lumipat ka ng ibang OB hindi yan concern sayo. Mabuti pa OB ko napaka gentle lagi at everytime na chicheck nya heartbeat ng baby ko ngumingiti sya pag nadidinig na namin kaya natutuwa ako. Pag may mga bilin sya di sya harsh na ganyan ang sabi nya lan, sumunod daw ako kasi kawawa daw si baby like nun mejo mataas sugar ko. Mafefeel mo na concern sya sa baby at sayo. Kaya lumipat ka ng ibang OB. Yun mafefeel mong alaga kayo at concern sainyo.

Magbasa pa
VIP Member

Public OB ba yan? Ganyan kasi sila minsan e, lisensyado silang pag-salitaan ka ng kung ano ano kahit below the belt na. Di na sakop ng trabaho nila ang makialam sa buhay ng pasyente nila. Ganyan yung OB sa public hospital kung saan ako nagpa-check up para magkaroon ng record pag nanganak, sobrang sungit to the point na sasabihan ka ng TANGA? bwiset, kung hindi lang pandemic di ako magtyatyaga sa public. Samantalang yung Private OB ko, ang hinahon magsalita tapos kapag nagtanong ka sasagot ng maayos.😪

Magbasa pa
VIP Member

momshie may problema yan sa sarili nya. Hindi tama ganyan sya magsalita sa pasyente nya lalo na sa mga buntis. eh mga emotional mga preggy madali maiyak at masaktan. baka Hindi sya nag aral ng psychology which part yon ng subjects nila bago maging doctor. Hays, ngayon lang ako nakaalam ng ganyan na O.b. suggest ko lang lipat ka nalang O.B po. kung sa center ka ipaalam mo sa nakakataas n positions sakanya ang attitude nya hindi maganda mapanglait at napanghusga.sa lying in clinic n malapit sa inyo nalang lipat ka.

Magbasa pa

Hala..may sapak OB mo momsh. Imbes na panatag ka pag kausap mo OB mo. Haha. Lipat k na ng ospital. Dapat nga mababait sila at nag eexplain bakit bawal yung ganto, ganyan..ano dapat mo gawin, mga expectations mo bawat trimester. OB ko mabait, machika. Ineexplain nya lahat, wag daw ako mag alala kung maliit ako mag buntis, importante normal heartbeat ng baby, pati sa lab tests di sya nagmamadali. Sinasabi pa nya kung alin yung meds at vaccines na libre s health centers para daw hindi magastos kahit meron nun sa clinic nya.

Magbasa pa
5y ago

Totoo. Dapat mabait ang ob. Dalawang ob naencounter ko as a ftm, hindi ako naawkwardan sa kanila kasi super bait. Nakakatuwa a yung pangalawang ob nung nakabalik after leave, sobrang alaga ako pati baby ko, nalibre ultrasound pa to check yung position and yung gender ni baby 😅

damn! sad to hear about your experience. no mom-to-be or any patient should have to go throught that. napaka unethical niyang OB. naku dapat ireport yan ng mawalan ng lisensya. discrimination yang ginagawa niya. wala siyang right at lalong wala sa lugar ang mga side comments niya. hindi niya deserve na nagbabayad ka for her service. better change your OB, one that you can have a professional communication with. not worth risking you physical and mental health sa service niya.

Magbasa pa

Ay nakakagigil. Sis hanap ka ng OB na swak para sayo hindi dahil nirecommend sya ng kakilala mo. Nakakadagdag sya sa stress factor mo. Kung sakin nangyari yan siguro tinakot ko na yan na irereport ko sya dahil di sya marunong makipagtao sa pasyente at the same time hinaharass ka nya base sa paghusga nya sayo. Masyadong makaluma magisip, parang mga tita sa pasko na alam lang e magtatalak at mang okray. Kawawa naman sya, parang lonely ang buhay, dinadaan sa panttrip ng pasyente.

Magbasa pa

Change OB ka sis since hindi ka comfortable sa kanya. Hindi kayo magkakasundo, stress ka pa. Mahirap yan since siya magpapaanak sayo if ever. Madami din kasi talagang ganyan. Jinajudge nila kapag hindi pa kasal then nabuntis, lalo na if matanda na yung OB. Pero madami din namang OB na more chika and fun lang every check up, plus happy sila sa bundle of joy na meron sa tummy natin, like my OB. Makakahanap ka din ng makakasundo mo. Pangit din na hindi tiwala sa OB mo.

Magbasa pa

Kung ako yan..sasavhin ko na sknya magresign na lng sya..patanggalan mo ng lisensya..nabuntis din nmn ako ng dpa kasal pero tatlong ob humawak sakin ni isa walang nangjudge sakin...buti wala ko na iencounter na ganyan...nakakabuset nmn yang ob na yan..same pA nmn kami ng field na pinag aralan.. mga ganyan kinakarma..baka sa school ng mga baliw nag aral yan...lipat kna lng ng ob...baka sa kabobohan nya..xea pa makapatay sa baby mo..pumili ka ng trusted at magaling tlgang ob...

Magbasa pa