PT share ko lang experience ko...?

I Just wanna share.. ung monthly ka nag aabang kung magkakamenst ka pa ba o hindi.. tapos magtry ka mag pt ang result negative ???.. ung gustong gusto nio ng magkababy pero wala..ung matagal na kayo nagsasama pero di kayo magkaanak.. nabiyayaan ka ng isang beses pero nakunan ka ung pagdating sa hospital sasabihin ni doc sorry wala na.. parang nagunaw ung mundo nmin mag asawa. nasa point na ko na nadedepressed na ko.. ung hubby ko monthly nagaantay ng result.. may times pa na hihimas himasin ung tummy mo khit wala nmang laman.. may moment din na pag nag grocery kami..dumadaan si hubby sa diaper section tapos magbibiro na kunwari kukuha sya ng diaper tapos tatawa na lang kmi pero deep inside masakit kasi wala naman kaming baby.. going to 34 na si hubby ako nman going to 29 this year. May minsan pa na nangangarap sya na ung anak nmin kasama na nmin sa kotse tuwing aalis kmi... tanging shitzu na lang ung naging baby nmin.. masaya nman kaming nagsasama pero alam nmin na may kulang samin.. Kaya sa mga girls jan na nabibiyayaan mag kaanak alagaan nio po..wag nio po ipaabort o ipaampon.. di lahat kasing swerte nio na mabibigyan ng anak.. I know God has a purpose.. By the way nag PT ulit ako today morning when i wake up..and still negative..??

PT share ko lang experience ko...?
144 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello sis. Ganyan din kami ng mister ko (35 na siya, 29 ako). Last 2015 nung nadiagnosed ako na may PCOS both ovaries. Sabi nung OB 60-40 na lang yung chance na magkababy, 60 yung hindi na, 40% yung oo. Then last year (April) I was also diagnosed na may MDD at GAD (Major Depressive Disorder and General Anxiety Disorder) kaya pinag take at maintain ako ng meds na lalong nagpababa ng chance na magkababy ako. Then month ng May, tinigil ko lahat ng maintenance ko kasi feeling ko mas lalong aatake o magkakasakit tapos nagstart kaming mag asawa na uminom ng vitaplus na melon (Nabasa ko kasi na possible na makatulong siya sa mga may PCOS na mabuntis. Sabi ko rin sa mister ko na subukan lang namin) naka 5 box din kami 2x a day tapos mas dumalas yung contact. Since may PCOS ako, irregular ang mens ko (Every other month ako nagkakaroon) July di na ako dinatnan tapos nag PT, negative. Nakaka depress pero tinuloy lang namin yung pag inom ng vita plus kasi vitamins din. August di pa rin ako dinatnan, first week nagtest ulit ako, negative. Nakakaiyak. Nakaka depress lalo pero pray lang tapos divert na lang sa iba yung oras at atensyon. (Nag alaga ako ng pusa saka aso) then last week ng August di pa rin ako dinadatnan kaya kahit alam kong magkakaroon ng negative impact sa akin yun nagtest ulit ako (Di alam ng mister ko na palihim akong bumili ng PT. Di ko na kasi pinakita sa kanya kasi alam kong nahahawa rin siya pag nalulungkot o umiiyak ako.) Ayun.. nag positive! Di ko pa nga alam kung anong magiging reaction ko nung makita na nagdalawang lines yung PT, di pa ako nakuntento nun inulit ko ulit yung test (First test kasi ginawa ko around 3AM tapos inulit ko mga bandang 10AM kasi yun yung oras na bukas na mga botika) ayun, positive nga. Pero di pa natapos doon, kasi nung nagpa check up at trans V ako nakitang sac lang walang embryo tapos sabi nung OB baka raw blighted ovum (Bugok na pagbubuntis). 2 weeks din akong umiiyak at di mapalagay kasi sabi pag inulit yung trans V na walang nakita iraraspa agad ako. Todo pray ako na sana meron. Na ibigay na sa amin ni Papa God. Then after 2 weeks, yun.. nagpakita na si Baby! Sobrang pasasalamat ko talaga kay Papa God nun. Ngayon, 35 weeks na kami ni Baby, nakakatakot man kasi sa nangyayari ngayon pero todo pray lang ako na lumabas siyang okay at healthy. ❀ PS. Di ako seller o supplier ng vita plus ha. Nagbasa basa lang ako ng possible na makatulong sa akin since may PCOS ako. Pero subukan din ninyong mag asawa na uminom ng vita plus melon. PPS. Heto yung pic ni Baby sa ultrasound. 28 weeks pa lang siya dito. 😁 Wag kang mawalan ng pag asa sis. In God's perfect time, unexpectedly ibibigay din sa inyo. Keep the faith and love lang! ❀❀❀

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Thank you sis. ❀❀❀ Sinubukan ko rin uminom ng paragis yung damo talaga na pakukuluan kaso di ko bet lasa, kaya yung vita plus lang talaga ininom ko (Naming dalawa mag asawa) 3 months continuous (May to July last year kami uminom twice a day) tapos inaraw gabi ko si mister. Tapos natuto na rin ako manood sa mga porn sites para sa positions since ako nag iinitiate (ako nangangalabit). Nakakahiya man pero ayun. πŸ˜…

Sis ganyan din ako BEFORE.. every month nahaabang kung magkakamens and hoping sana hindi, tpos pag nadedelay ng 2 or 3 days super asa na ko then the next day bglang anjan na ung mens 😒 tpos ung mga friends nyo kamaganak pag nagkikita kayo tatanungin "buntis nba" "ano wala pa ba laman yan" "ang hina nyo naman" mga gnyang salita na nakakasakit ng damdamin at nkakadagdag ng depression.. ginawa ko nun nagpost ako sa facebook ng open letter para mailabas ko lahat ng nrramdaman ko.. si hubby noon dinadaan sa inom, nung una ngagalit ako inaaway ko sya kasi kako wala na syang pinalampas na okasyon lahat ng inuman pinupuntahan pero one night bgla syang umiyak skin, gsto daw nya uminom para makalimutan ung sakit at mga sinasabi samin.. ginawa ko nun sis pinabayaan ko na, starting jan 2019 hindi aq nagexpect hindi ko na minonitor mens ko hindi ko na inisip, sabi kasi pag stress daw at nagaabang lalong mhirap makabuo.. uminom aq ng myra E nun, advise lng skin ng friend ko na nabuntis dn dahil sa myraE, nirerenew kasi ng myraE ung cells ntin and it helps.. sabi ko wla nmn msama kung susubukan ko, bahala na.. then ayun, april 2019 i got pregnant.. 5 days na kong delayed pinabayaan ko, ayoko nagPT kasi bka gaya lng ulit dati pero ung hope ko nun ang taas na.. d q sinasabi kay hubby kasi baka magexpect dn sya at preyo kming masaktan.. on 7th day sabi ko eto na tlga magppt na ko, nag pt aq sa wotk nun then it turned out positive! Supper happy ko nun pero nagpigil aq d aq nagkwento agad sa workmates ko pero maghapon aq nakangiti nun at tinatawanan nila ko hahAha.. bumili ako isa pang pt para ittry ko ulit kinabukasan..paguwi ko sinurprise q si hubby pinakita kiung pt d sya makapaniwala sobrang happy nya, kinabukasan ginising nya ko para magpt at positive tlga.. in God's perfect time sis ibbgay sau yan.. advice ko lng dn sau wag mong imonitor, ibaling mo sa ibang bagay atensyon mo para d ka mstress and take myraE.. πŸ˜‰πŸ˜Š

Magbasa pa
5y ago

Thanks sis.. oo hirap nga.. pero i dont expect na tlga.. pero try ko yang myra e na yan.. thank you

Have you tried having yourself checked and your husband as well? If not, please do not hesitate to seek for professional help :) If not open kayo jan, I knew some success stories about Lean n Green coffee.. I didn't try it but my friends na matagal na nagtatry ay nabuntis talaga. What they did, sila ng hubby nila ang umiinom ng Lean n Green Coffee. Two workmates ko nabuntis nung nag Lean n Green Coffee sila.. I am not advertising ha, na amaze lang talaga ako sa nangyari sa workmates ko.. one of them kasi 5 years na nagtatry magbuntis but wala, kaya nag try nalang sya sa coffee na yun. Another is, from my personal experience... Vitamin E or Myra E. Buntis ako ngayon after several gels of Myra E. First born ko is now 6 years old and 4 years na kami nag try ng asawa ko na mag add ng isa.. but wala.. may PCOS din kasi ako after giving birth sa first son namin... Nag Myra E ako kasi part ng effects ng PCOS is parang magmumukha kang lalake, less feminin ang aura mo kaya gusto ko lang sana mag glow... eh yun, nabuntis ako. At first akala ko lang nabuntis ako kasi nawala na ang PCOS ko, I wasn't thinking na Myra E played a role sa second pregnancy ko but yung landlady namin just got pregnat din after a bottle of Myra E and she said, alam nya nakakabuntis daw talaga mag Vitamin E but akala nya lang haka haka lang and gusto lang sana nya magpaganda... eh yun nabuntis. I am not advertising. I know how hard it is to be in your situation so ang tanging panghahawakin lang natin ay ang kasabihang "There's no harm in trying." :) Make it sure as well na di masyado nag jajakol si mister mo and have sex 3 times a week lang na hindi magkasunod ang araw para concentrated ang ilalabas ni mister... it may also help na pa inomin mo sya ng fresh buko juice every morning and let him eat raw and fresh Swaki (klase sa sea urchin yan, paki google nalang) every now and then like weekends.

Magbasa pa
VIP Member

Put all your worries to God. Natutuwa nga po ako reading your post's comment section. Madami palang mommies dito na same ko na 35+ na nagkaanak/magkakaanak. Same situation mo, namiscarriage din ako 2 years ago. Kala ko mabubuntis ako agad, pero hindi. Andaming pressure sa paligid especially mga tao na malalapit sakin. Yung question lang na "Bakit hindi ka pa buntis?" Nakakapikon na. Haha! Pero isa lang pinanghawakan ko nun, walang problem samin ni hubby when it comes sa reproduction kasi nabuntis naman ako. Naalala ko sa una kong pregnancy, nag-fertility yoga ako na napapnood ko lang sa youtube. Dito sa 2nd pregnancy ko, btw, I'm 27 weeks pregnant β™₯️, nag LCIF kami ni hubby. LCIF means Low Carb and Intermittent Fasting. Hindi naman ako overweight and yung low carb lang ginawa ko kasi I read na nakaka-apekto sa fertility ng babae yung intermittent fasting. I lost some weight and si hubby lalo plus exercise. Actually, I have a friend na naghintay din magkababy for almost 20years, nabuntis din sya thru LCIF and exercise, PCOS din sya. Nagfolic acid din ako that time. And one big factor din yung hindi na ko nastress sa byahe sa work, nagpa-assign ako sa mas malapit samin. Kaya sis, bata ka pa. Try lang ng try, and most pero of all, PRAY and trust the Lord. Ang Dios ang nakakaalam ng mabuti para sa atin. β™₯️

Magbasa pa
5y ago

Thank you sis.. try ko yang LCIF NA YAN.. si hubby kasi physically fit nman cguro ako nlng mag LCIF since.67 kl ako now.. sa stress ko puro ako kain.. oo nga dahil sa post ko dami palang mamsh na kagaya ko rin.. nakakatuwa .. kasi may mga taong kagaya nio na magpapalakas ng loob ng kagaya ko.. god bless din po

need niyo po ng rest kami almost 5 years bago nagkaroon palagi pagod si hubby that time preho din kami nagwowowrk until may nagsabi sa amin na need daw lang irest so nagstop na ako sa work at pinahilot ko matres ko baka kc mababa lang matres ko kc ang tagal na namin d pa kami nagkakaroon and timitingin pa ako ng gamot pra mabuntis pero ayaw ni hubby na uminom ako ng ganun, plagi ko iniisip na sana magkababy na kami ni hubby iniisip ko dati na cguro baog ako kasi may mga tito akong ganun bat lahat naman ng ate ko nabuntis naman natatkot lang ako magpacheck kaya try konyung sinsabi ng get a rest hindi lang isng araw like that.. nagkataon din na may suspended si hubby alternate na psok niya hindi na katulad dati na 7-8 pasok niya kaya nakakapag rest na sya until 5 years of our relationship nabiyayaan rin kami yung una d kami maniwala kasi last year halos gumuho din mundo ko ng negative result kaya ngayon almost 5 PT nagamit to make sure tlaga inabot pa ng 1 month yung baby ko bago ko pinacheck up.. thanks to papa g yung always pinagpray ko natupad narin.. need niyo rin pahinga minsan kac sa spbrang work yan hindi kau nakkbuo kahit sabhin na nating nags** kau everydayπŸ˜‡πŸ™

Magbasa pa

I feel that way sis, matagal din kaming naglive-in ng hubby ko noon nasa 5yrs, pero never kami nabiyayaan ng anak, ang sakit lang na abang na abang ka sa result ng PT test mo pero panay negative. Hanggang binigay ko nalang lahat sa Diyos, nagpakasal kami nung 6yrs namen and unexpected na nabuntis ako. Ayoko na bumili sa watsons nun ng PT kit kasi sawa nakong mabigo, sawa nkong masaktan pero bumili parin ako, ayun nga nag Positive for the very first time kinurot kurot ko pa mukha ko baka kako nananaginip lang ako pero totoo nga hehe, sobrang saya ko walang kapantay na saya. Hwag kang mawalan ng Pag asa, siguro may mga bagay kapa di nagagawa at hinahanda ka lang ng Diyos para maging ina, mag pa checkup kayo mag asawa, o kung ayaw nia mag more on veggies and fish lang kayo. Mag vitamins kayo pareho, iwas mo sia sa alak and smoke, ako kasi nun nag take lang ako ng folic acid. And nilimit namin yung sex namin, kumbaga nasa every other 2days ganon. At ang Pinaka importante samahan mo palagi ng Dasal, maririnig din Diyos ang dasal mo kapag magtitiwala ka lang palagi sakanya.

Magbasa pa
5y ago

Yes sis ngaun nagtetake akp ng folic acid.. may vit. Namn kmi parehas nakapagpacheck na din kmi sa doctor.. ok nman kmi..di lng cguro napapanahon.. thank you

Okay lang yan sis. Bata kapa naman. Saka ang lalaki kahit 90 years old na yan Nakaka buo pa rin cla. Ang mahirap sa babae pag nag menopause na wala na talagang pag.asa. God is good. Bibigyan rin kayo. Di pa cguro sa ngayon. Wag niyo nalang abangan gawa ng gawa lang kayo every month saka kung normal naman ang menstruation kung delay kana saka ka lang mag pt. Kasi pag lage niyo inaabangan tapos mag pt tapos negative ulet. Ma's masakit sa paki ramdam yon. Hayaan niyo na si God ang mag surprise sa Inyo. Same here I'm turning 30 and my husband sa 31.. 3 years na kame kasal pareho kame na gusto na magka anak. Twice ako nakunan. Masakit talaga pero at least alam namen na di kame baog. Na may chance pa rin na makabuo kame ulet. Inantay talaga namen na dumating ulet. Ngayon 7 months preggy na ako. Sa awa ng dyos Ito na... Sana tuloy tuloy na to kasi parang na trauma ako nung twice ako nakunan. Sana kayo rin. God knows kung kelan. Basta don't lose hope. Pray lang palage sa kanya. God bless po sa Inyo. πŸ™πŸ™πŸ™

Magbasa pa
5y ago

Yes sis thank you

Try mo BUAH mix effective un. Yun Ang nagamit ko kya nag buntis ako. Samahan mo din ng dasal. Search mo sa YouTube.. 4 na piraso binili ko 1k pesos. Ang isang bottle good for 2weeks. Peru sakin 1week lang. Nov10 niregla ako. No 14 dahil bunos bumili ako ng apat.. No 16 nawala regla ko. Mga Nov 20 or 21 dumating partner ko at my ng yare samin. At un sureball.. Ndi ko alam na buntis na pala ako. Dahil erregular ang regla ko. Dec Di ako Dinantnan. At mag aantay ako nung January wala parin 3days nlang nun February 2020 na.. Dapat reglahin na ako. Sabay kmi kumain ng partner ko tanghali un nakita nya ako sumuka. At naduduwal. Sabi nya na ano ako? Sabi ko nasusuka naga sakit lagi sikmura ko ee. Then sinabi ko narin saknya Di ako Dinatnan nung Dec. Umalis sya sabi nya bili lng sya pagkain ng manok un pla PT... And then charaaaaaan!πŸ₯° Gulat ako. At umulit pa ako bumili ng PT pagka gabiha.

Magbasa pa
5y ago

Congrats sis.. thank you sa advice

VIP Member

Napagdaanan ko yan sis.... Mas malala pa ang sakit kesyo ligate na ako kya dina tlga mabubuntis tsismis kesyo natabunan ng taba matris kesyo ba og ako but now thanks god after 10years ng pagsasama nmin eto na ako ngayon 23 weeks and 5days pregnant πŸ˜‡πŸ˜‡ hindi na namin inasahan pa ito tlga kasi PCOS ako marami na din akong sakit like type 2diabetes high blood cholesterol my mga maintenance med ako kaya dina tlga kami ng expect pa at tinanggap namin iyon ng buong puso masaya na ang mr. Ko kahit aso at pusa na lang ang baby namin ni minsan di nya ipinaramdam sa akin na my kulang sa amin or magloko xa mas minahal nya ako at binebeybi spoiled sa lahat kahit sa gawaing bahay sa desisyon making lagi nya akong kinokonsidera.... Kya nung inulrasound ako laking gulat na may baby pala sa tyan ko akala ko gas or something.....wagka mawalan ng pag asa darating yan sa tamang panahon

Magbasa pa
5y ago

Thank you sis...and congrats sainyo...

Ang gawin mo sis..huwag ma pressure na mag buntis..make your self busy huwag lagi mag isip tungkol sa pagbubuntis kasi the more ka po mag isip the more po hindi mangyayari.. example nalang sakin before i got pregnant i was so pressure that time kasi po pareho namin gusto magka baby...nagpa tingin sa doctor okay naman lahat.. more than 2 years then po kami nag antay hanggang sa isang araw kinalimutan nalang namin ni hubby ko about baby...nawala nasa isip namin mag baby kasi nga po parehas kaming busy... At sa hindi inaasahan bigla nalang nangyari nabuntis ako😊 Nagulat pa nga kami hindi kami makapaniwala na finally bigay na ni God..yong pinaka matagal namin inantay..So Grateful po.. hayaan molang mabubuntis karin sa tamang panahon..Btw: I am now 6 months pregnant po. Pray always sis.

Magbasa pa
5y ago

Your welcome po sis😊