PT share ko lang experience ko...?

I Just wanna share.. ung monthly ka nag aabang kung magkakamenst ka pa ba o hindi.. tapos magtry ka mag pt ang result negative ???.. ung gustong gusto nio ng magkababy pero wala..ung matagal na kayo nagsasama pero di kayo magkaanak.. nabiyayaan ka ng isang beses pero nakunan ka ung pagdating sa hospital sasabihin ni doc sorry wala na.. parang nagunaw ung mundo nmin mag asawa. nasa point na ko na nadedepressed na ko.. ung hubby ko monthly nagaantay ng result.. may times pa na hihimas himasin ung tummy mo khit wala nmang laman.. may moment din na pag nag grocery kami..dumadaan si hubby sa diaper section tapos magbibiro na kunwari kukuha sya ng diaper tapos tatawa na lang kmi pero deep inside masakit kasi wala naman kaming baby.. going to 34 na si hubby ako nman going to 29 this year. May minsan pa na nangangarap sya na ung anak nmin kasama na nmin sa kotse tuwing aalis kmi... tanging shitzu na lang ung naging baby nmin.. masaya nman kaming nagsasama pero alam nmin na may kulang samin.. Kaya sa mga girls jan na nabibiyayaan mag kaanak alagaan nio po..wag nio po ipaabort o ipaampon.. di lahat kasing swerte nio na mabibigyan ng anak.. I know God has a purpose.. By the way nag PT ulit ako today morning when i wake up..and still negative..??

PT share ko lang experience ko...?
144 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Okay lang yan sis. Bata kapa naman. Saka ang lalaki kahit 90 years old na yan Nakaka buo pa rin cla. Ang mahirap sa babae pag nag menopause na wala na talagang pag.asa. God is good. Bibigyan rin kayo. Di pa cguro sa ngayon. Wag niyo nalang abangan gawa ng gawa lang kayo every month saka kung normal naman ang menstruation kung delay kana saka ka lang mag pt. Kasi pag lage niyo inaabangan tapos mag pt tapos negative ulet. Ma's masakit sa paki ramdam yon. Hayaan niyo na si God ang mag surprise sa Inyo. Same here I'm turning 30 and my husband sa 31.. 3 years na kame kasal pareho kame na gusto na magka anak. Twice ako nakunan. Masakit talaga pero at least alam namen na di kame baog. Na may chance pa rin na makabuo kame ulet. Inantay talaga namen na dumating ulet. Ngayon 7 months preggy na ako. Sa awa ng dyos Ito na... Sana tuloy tuloy na to kasi parang na trauma ako nung twice ako nakunan. Sana kayo rin. God knows kung kelan. Basta don't lose hope. Pray lang palage sa kanya. God bless po sa Inyo. 🙏🙏🙏

Magbasa pa
6y ago

Yes sis thank you