PT share ko lang experience ko...?

I Just wanna share.. ung monthly ka nag aabang kung magkakamenst ka pa ba o hindi.. tapos magtry ka mag pt ang result negative ???.. ung gustong gusto nio ng magkababy pero wala..ung matagal na kayo nagsasama pero di kayo magkaanak.. nabiyayaan ka ng isang beses pero nakunan ka ung pagdating sa hospital sasabihin ni doc sorry wala na.. parang nagunaw ung mundo nmin mag asawa. nasa point na ko na nadedepressed na ko.. ung hubby ko monthly nagaantay ng result.. may times pa na hihimas himasin ung tummy mo khit wala nmang laman.. may moment din na pag nag grocery kami..dumadaan si hubby sa diaper section tapos magbibiro na kunwari kukuha sya ng diaper tapos tatawa na lang kmi pero deep inside masakit kasi wala naman kaming baby.. going to 34 na si hubby ako nman going to 29 this year. May minsan pa na nangangarap sya na ung anak nmin kasama na nmin sa kotse tuwing aalis kmi... tanging shitzu na lang ung naging baby nmin.. masaya nman kaming nagsasama pero alam nmin na may kulang samin.. Kaya sa mga girls jan na nabibiyayaan mag kaanak alagaan nio po..wag nio po ipaabort o ipaampon.. di lahat kasing swerte nio na mabibigyan ng anak.. I know God has a purpose.. By the way nag PT ulit ako today morning when i wake up..and still negative..??

PT share ko lang experience ko...?
144 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Put all your worries to God. Natutuwa nga po ako reading your post's comment section. Madami palang mommies dito na same ko na 35+ na nagkaanak/magkakaanak. Same situation mo, namiscarriage din ako 2 years ago. Kala ko mabubuntis ako agad, pero hindi. Andaming pressure sa paligid especially mga tao na malalapit sakin. Yung question lang na "Bakit hindi ka pa buntis?" Nakakapikon na. Haha! Pero isa lang pinanghawakan ko nun, walang problem samin ni hubby when it comes sa reproduction kasi nabuntis naman ako. Naalala ko sa una kong pregnancy, nag-fertility yoga ako na napapnood ko lang sa youtube. Dito sa 2nd pregnancy ko, btw, I'm 27 weeks pregnant ♥️, nag LCIF kami ni hubby. LCIF means Low Carb and Intermittent Fasting. Hindi naman ako overweight and yung low carb lang ginawa ko kasi I read na nakaka-apekto sa fertility ng babae yung intermittent fasting. I lost some weight and si hubby lalo plus exercise. Actually, I have a friend na naghintay din magkababy for almost 20years, nabuntis din sya thru LCIF and exercise, PCOS din sya. Nagfolic acid din ako that time. And one big factor din yung hindi na ko nastress sa byahe sa work, nagpa-assign ako sa mas malapit samin. Kaya sis, bata ka pa. Try lang ng try, and most pero of all, PRAY and trust the Lord. Ang Dios ang nakakaalam ng mabuti para sa atin. ♥️

Magbasa pa
6y ago

Thank you sis.. try ko yang LCIF NA YAN.. si hubby kasi physically fit nman cguro ako nlng mag LCIF since.67 kl ako now.. sa stress ko puro ako kain.. oo nga dahil sa post ko dami palang mamsh na kagaya ko rin.. nakakatuwa .. kasi may mga taong kagaya nio na magpapalakas ng loob ng kagaya ko.. god bless din po