Hello sis. Ganyan din kami ng mister ko (35 na siya, 29 ako). Last 2015 nung nadiagnosed ako na may PCOS both ovaries. Sabi nung OB 60-40 na lang yung chance na magkababy, 60 yung hindi na, 40% yung oo. Then last year (April) I was also diagnosed na may MDD at GAD (Major Depressive Disorder and General Anxiety Disorder) kaya pinag take at maintain ako ng meds na lalong nagpababa ng chance na magkababy ako. Then month ng May, tinigil ko lahat ng maintenance ko kasi feeling ko mas lalong aatake o magkakasakit tapos nagstart kaming mag asawa na uminom ng vitaplus na melon (Nabasa ko kasi na possible na makatulong siya sa mga may PCOS na mabuntis. Sabi ko rin sa mister ko na subukan lang namin) naka 5 box din kami 2x a day tapos mas dumalas yung contact. Since may PCOS ako, irregular ang mens ko (Every other month ako nagkakaroon) July di na ako dinatnan tapos nag PT, negative. Nakaka depress pero tinuloy lang namin yung pag inom ng vita plus kasi vitamins din. August di pa rin ako dinatnan, first week nagtest ulit ako, negative. Nakakaiyak. Nakaka depress lalo pero pray lang tapos divert na lang sa iba yung oras at atensyon. (Nag alaga ako ng pusa saka aso) then last week ng August di pa rin ako dinadatnan kaya kahit alam kong magkakaroon ng negative impact sa akin yun nagtest ulit ako (Di alam ng mister ko na palihim akong bumili ng PT. Di ko na kasi pinakita sa kanya kasi alam kong nahahawa rin siya pag nalulungkot o umiiyak ako.) Ayun.. nag positive! Di ko pa nga alam kung anong magiging reaction ko nung makita na nagdalawang lines yung PT, di pa ako nakuntento nun inulit ko ulit yung test (First test kasi ginawa ko around 3AM tapos inulit ko mga bandang 10AM kasi yun yung oras na bukas na mga botika) ayun, positive nga.
Pero di pa natapos doon, kasi nung nagpa check up at trans V ako nakitang sac lang walang embryo tapos sabi nung OB baka raw blighted ovum (Bugok na pagbubuntis). 2 weeks din akong umiiyak at di mapalagay kasi sabi pag inulit yung trans V na walang nakita iraraspa agad ako. Todo pray ako na sana meron. Na ibigay na sa amin ni Papa God. Then after 2 weeks, yun.. nagpakita na si Baby! Sobrang pasasalamat ko talaga kay Papa God nun. Ngayon, 35 weeks na kami ni Baby, nakakatakot man kasi sa nangyayari ngayon pero todo pray lang ako na lumabas siyang okay at healthy. ❤
PS. Di ako seller o supplier ng vita plus ha. Nagbasa basa lang ako ng possible na makatulong sa akin since may PCOS ako. Pero subukan din ninyong mag asawa na uminom ng vita plus melon.
PPS. Heto yung pic ni Baby sa ultrasound. 28 weeks pa lang siya dito. 😁 Wag kang mawalan ng pag asa sis. In God's perfect time, unexpectedly ibibigay din sa inyo. Keep the faith and love lang! ❤❤❤
Magbasa pa