69 Replies
Mamsh, stop the mindset na "ayaw mong maging broken family or mawalan ng ama ang anak ko", yes, it's our children's right to have a father, bit it's also our right to choose the right father for them. Know your worth, self love meron pa ba? Imposible kaseng walang makakanahap ng halaga mo at magpapakatatay sa baby mo. Oo s'ya biological, nagagampanan ba n'ya yung pqgiging ama?Pinapahirap lang nya buhay nyong mag ina. Sige manatili ka po jan pero mas malake ang impact ng sakit at perwisyo kung pagpapatuloy mo pa rin jan. Paano kung lumake na si baby? Ganyan pa din at mas mahihirapan s'ya. Ok lang ba na makikita nya yung set up ng family nyo na yung tatay nya ganyan? Broken family din ako, ayoko non ero mas naging better buhay namen nung naghiwalay magulang ko. Hiwalayan mo na 'yan. Hindi n'ya deserve yung pagiging ama ng baby n'yo. BIG NO kapag nanakit ng pisikal. Pinalaki ka ng magulang mo at inalagaan para ano? Ipabugbog lang? Hindi diba? Kung yung family nya naman eh ayaw, pwede mo pa rin naman ipakita sa kanila apo nila eh. Kesa magtiis ka jan. Hindi nqlakabuti para sa inyo ni baby. Sana po mahaanp mo yung halaga mo.
Momshie, toxic and abusive relationships are not worth staying for. Ibabalik ko po sainyo ang advice ng family niya na “isipin mo ang anak niyo” kasi ang ganyang klaseng arrangement and environment is not healthy for a growing child. May long-term effect po kasi sa bata yan mamsh emotionally, mentally, socially, and psychologically. Kelangan natin ng partner sa pag gabay ng bata at kung very minimal naman ang support niya personally as a parent, hindi na po siya needed sa picture. Ipapakita mo pa rin naman po sa family niya ang anak mo and there will be better arrangements for your situation. Easier said than done, momsh. Alam ko mahirap gawin for you at madali lang samin magadvise kasi hindi naman kami ang nasa kinakatayuan mo. Pero kung gugustuhin mo, makakaya mo. Paunti-unti lang. One day at a time. Masakit man at mahirap eh malalapasan mo din ang stage na kasumpa-sumpa hanggang one day magigising ka na lang na malaya ka na emotionally sa kanya. Kung may dumating na deserving, mabuti. Kung wala naman, mabuti din. Tiwala lang momsh. Kaya mo yan. Para sa anak mo at lalong lalo para sayo.
Hello there ate,, advice kulang po sayu is,, Di po mahirap mabuhay bilang isang myembro ng isang Brocken family,, kc di nmn lahat ng Brocken family nag hihirap diba,, it depends on how we live with it,, alam mo ano mas mahirap? Yung mag titiis ka sa isang ugali ng isang tao, lalo nat di mo alam kung mag babago pa,, wag mong tignan yang sitwasyon mo ngayun na dapat mong panghinayangan ate,, tignan mo yan bilang isa lamang sa mga pag subok ni god sa life mo,, go out wag mong ikulong ang sarili mo,, Gaya mo, ganyan din nangyari sakin b4,, iba nga lng kc babae ka, lalaki nmn ako,, kahit sobrang mahal ko yung ka live.in partner ko b4, nagawa ko paring iwan sya,, and now,, may bago nanamn akong live.in partner, and this time, everything goes well as what i wanted,, naging masaya ako, kasama yung bago ko ngayun,, I hope ate, may nakuha kang idea d2 sa comment ko,, Keep safe po,,,, Be safe,,,,
kung ako sayo since sabe mo live in lang kayo at hindi kasal unang una wala syang karapatan saktan ka physically or emotionally kahit sino pa sya. baguhin mo yung mind set mo na para sa bata yung ginagawa mo. wala naman masama kung hiwalayan mo sya still may tatay padin naman sya yun lang hndi kayo magkasama. wag mo lang tanggalan ng karapatan yung live in mo para may father figure parin anak mo. wag mo ibaba sarili mo para lang masabe na buo pamilya mo....mabigyan mo man ng buong paMilya ang anak mo pero ikaw ang nakikisama sa lalaki kaya wala din silbi...wag ka din magpapakasal jan. may karapatan ka naman lumayo at ilayo ang anak mo sa pamilya nya. punta ka muna sa mga magulang or kamag anak mo tapos mag usap kayo para sa visitation rights ng tatay at yung sustento nya para sa bata. wag ka magpakaalila sa kanya habang buhay.
I think you know what to do sis pero natatakot ka lang sa outcome nito. Mahal nyo nga po siya pero di nya kayo nirerespeto and wala syang amor sa baby nyo. Truth hurts po talaga pero kung tatagal po kayo sa ganyang sitwasyon kayo din po mahihirapan physically lalo na emotionally. Learn to let go if you're ready na sis. If hindi mo pa kayang mag separate kasi ikaw lang,hanap po muna kayo ng source of income. Mahal naman po ng family ng lip mo yung baby for sure di nila pababayaan si baby. And better po,mag heart to heart talk po muna kayo ng lip mo,iassess nyo po if magbabago pa then okay na okay. If feeling nyo hindi na po mababago then gawin nyo yung right thing pra sa baby mo na rin po. Basta always isipin mo di ka ilalagay sa ganyang sitwasyon if hindi mo kaya. Always pray po at magpakatatag ka 🙏
No. Rule of thumb, kapag pinagbuhatan ka na ng kamay ng asawa, lip or bf mo, it's time to get out. Wag kang matakot maging broken family din ang anak mo dahil as long as she have you, she won't feel incomplete, and I know you won't let her feel that too. Isipin mo na lang din, kung ikaw na nanay ng anak nya, sinasaktan nya, what more ang anak mo? Mas madali para sa kanya ang saktan ang anak nyo lalo na ngayon na parang wala naman syang pakialam sa bata. Gusto mo bang ganyang klaseng lalaki din ang mapangasawa ng anak mo? Dahil ikaw ang magiging example nya sa buhay, consciously and unconsciously. Wag mo ng hintaying umabot sa point na magkaisip ang anak mo at sya na mismo ang magmakaawa sayong hiwalayan na ang tatay nya. You deserve better. Your kid deserve the best.
Thanks po 😌 sana kayanin ko :3
Girl, wag kang magtiis sa ganyan. Tsk. Galing ka sa isang broken family but u turn out to be fine right? Eventually, ur baby will turn out to be strong like u. I'm also a product of a broken family. Depende sa pagpapalaki yan. Wala kang mapapala kung mag stay ka jan. Ur holding off ur life for the wrong person. Mama ko grabi ang tiis sa father ko, nasa kanya na lahat ng bisyo. And she told me, that her biggest regret was tiniis nya yun ng matagal with the hope that he will change. BUT HE NEVER DID. Eventually, iniwan kami ng father ko for his mistress. Kaya advised ng mama ko sakin is wag na wag kang magtitiis specially kung ilan beses ka ng ginagago at pinapahirapan. May God bless u with courage. 🙏
I feel you. Pareho tayo ng sitwasyon. Siguro noon wala pa ang baby kaya kung umalis pero noong dumating na ang anak namin pag iniisip ko na lumayo mas doble ang sakit na hindi makita ni baby ang papa niya.. kada decide ko na umalis iniisip ko nakapa selfish kong tao para ilayo siya. Kaya sa isip ko saka ko na isipin ang hiwalayan pag nagkaisip na siya. Sa ngayon tiisin ko muna. Alam mo ang ginawa ko sis, hindi ko nalang pinapansin ginagawa niya,kunh dati nakikipag away ako sa bisyo niya ngayon hindi na..at napansin niyang hindi na ako nangangaway ,kaya dun niya ako tinanong kung pagod naba daw ako sa kanya.. at sa tulong ng dasal sis ,pagtitiis .. nagbago siya ng pakunti konti..
galing din ako sa broken fam sis but di hadlang yan para makawala ka sa pagiging abusado ng mr. mo..ganyan din ako dati 4 yrs ago..5 yrs ko sya tiniis hanggang dumating sa point na sawang sawa nako..naisip ko dn na kawawa mga bata dhl habang lumalaki sila nakikita nila ang ginagawa ng tatay nila kya..pero tingnan moko ngaun nagkaraoon ako ng peace of mind and may nagmahal ng totoo sakin.kabaligtaran sya ng asawa ko dati..maalaga,masipag sa trabaho.trabaho at bahay lang sya.tinutulungan ako sa mga gawaing bahay.tinuring nyang mga tunay na anak ang mga anak ko at may baby na rn kami..going to 3 yrs na kami and balak na namin magpakasal this year kht civil wedding lang..
Ayyyy same tayo mumsh. :)
Been there done that in my first relationship pero nauntog ako. now I am happy na ginawa ko kase binigay ni God yung kaya akong mahalin sa kahit na sinu ako at nakaraan ko. tanggap niya pag katao ko. hindi siya mayaman pero mayaman kami sa pagmamahal palagi niya pinaparamdam na najan siya para sakin kahit na mataray at topakin ako. way yan ni God para sabihin sayo na tama na tigilan mo na may much better pa. sa family naman ng baby mo walang prob dumalaw. maging strong ka para sa sarili mo at kay baby kaya mo yan. hindi dapat nakikita ng anak mo yung mga ganyang bagay pagsisisihan mo yan sa huli. live your life sis kaya mo yan❤️
Anonymous