stalk

Alam ko po mali pero ewan hindi maalis sakin yung insecurities may mga naging ex si hubby 3 dun sobrang minahal nya pero yung isa nagkausap kami so ok na. Yung 2 po minsan napapaisip ako kung mahql parin ni hubby yun kasi yung isa dun umabot sila ng 7years yung isa naman talaga nilaban nya yun pero wala parin yung samin kasi mabilis pangyayare landian hanggang sa naging kami on and off nabuntis ako kinasal kami na hindi pa buo ibigay ang isat isa yung ayaw pa magpatali kaso yun nga dahil sa takot naminsa bawat pamilya namin at ayaw namin maranasan na walang buong pamilya anak namin go nalang. Kapag hindi kami kasi kinasal paglalayuin kami lalo na ng family ko syempre babae ako. Nag stalk ako sa fb ng 2 nyang ex haist sesexy gaganda kahit may may asawa at anak na sila halatang halata mo na mahal na mahal sila ng mga asawa nila samantalang ako parang hindi ko feel kasi palagi kami nag aaway tapos yung asawa ko feeling ko ayaw nya pa umalis sa puder ng family nya kahit ako nahihirapan. Napaisip po tuloy ako nagsisisi kaya asawa ko na ako naging asawa nya? Kasi ako losyang na sabi naman ng asawa ko. Wala pa daw kasi kami panbiling pang pangpaganda saka wala ako katulong sa pag aalaga sa anak ko. Siguro daw yung mga nanay na nakakapag enjoy nakakapag make up baka may nag aalaga sa mga anak nila at may pera sila para sa make up or luho nila ako daw kasi inuuna ko pangangaylangan namin tapos hindi naman daw ako mahilig mag make up puro pagkain lang haha pero hindi po ako ganun kataba tama lang

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ayy siszt don’t mind them your beautiful on your own and always remember unique ka tho yes normal ang insecurity pero sabihin ng asawa mo na lusyang ka na aiesh ibang usapan na yan. Kesa naman inuuna mo mga paganda na yan tas nangangayat baby niyo? Napakaimmature naman ng asawa mo. Wag mo nalang isipin mga ex niya ang mahalaga ikaw na ang asawa niya at to think na kasal kayo. Sayong sayo siya. Wag ka lang laging nega I know mahirap maging optimistic sa panahon ngayon be strong lang at always pray. Prayer is the best healing for anxiety and all. Yun lang opinion ko thanks for reading and Godbless to you and your family😇.

Magbasa pa

magfocus ka na lang po sa anak mo momsh wag mo na istalk yung mga exes ng asawa mo.may kanya kanya na silang buhay.. at alagaan mo po sarili mo at di naman lang dahil sa mga chemical o makeups nagiging maganda. mag ayos ka po at dapat ifeel mo din na maganda at sexy ka. kasi ung mga lalaki, mas nagagandahan pag confident ang partners nila. tska magsexy time ka din momsh.. 😁 walang magandang maidudulot ang pagsstalk.

Magbasa pa