byenan

Hindi kami nagkikibuan ng byenan kong babae dahil sa ginawa nya sakin na dinamdam ko po talaga imagine po kasi anak ko kasama nya tapos palaging mukhang bibig yung isa nyang apo puro compare pa.Tapos malalaman ko sana daw mura lang pa DNA para malaman yung totoo kung apo nya ba talaga anak ko. Hindi ko naman po sa kanila pinagsisiksikan anak ko kapag nilaro nila ok kapag hindi ok pero wag naman po sana na ganun..Ibebrainwash pa nya asawa ko na hindi nya to anak buti nalang sinabi ng asawa ko sa knya. ( ako nga ni minsan hindi sumagi sa isip ko na hindi ko anak yan eh! Yung asawa ko trabaho bahay lang yan nung nag live in kami kapag lalabas yan palagi ako kasama wala naman bisyo yan hindi pala gala bahay trabaho lang yan madalas nga sinusundo ko pa yan sa trabaho lalo na sa gabi saka yang asawa ko hinding hindi magagawa na manlalake kilala ko yan kahit mag imbestiga ka mommy sa kanila sa mga pinagtrabahuhan nyan kung may malalaman ka ng naging gimikera yang asawa ko palagi may kasamang lalake sabi nga sakin sa kanila ako lang pinakilala nyan eh tapos sasabihan nyo ko na hindi ko anak yang anak ko! Grabe aah!) Kaya po ngayon naghahanap kami ng bahay para bumukod pero nalaman nila ayun kung ano ano na sinabi ng parents nya nagmamalaki na daw kami marami pa pong masasakit na salita. Kasal po kami dyan ko po napatunayan na mahal talaga ko ng asawa ko kasi ginawan nya talaga ng paraan para makasal kami kahit tutol na tutol parents nya kaya nga nung nalaman nila na kinasal na kami halos isumpa kami mag asawa.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hayaan mo na, soon darating din yung time na maiintindihan mo sila.. Ibat iba po ugali ng tao.. Walang parents na hindi perfect. At first tutol na sila kaya don't expect po ng magandang feedback syempre.. Isipin mo nlng kung wala yung biyenan mo, wala din yung asawa mo. Good choice na bumukod to prevent conflict. Hindi mo tlga maiiwasan na mangialam ang parents dahil anak nila yan. Still needs na i-respect ang second parents mo..

Magbasa pa

Yaan mo yang byenan mo sis,kaht magtatatalak sya jan wla na yang mggawa,kasal na kau eh.tama lang na bumukod na kau kc wla kaung katahimikan jan.wag nyo ng hntayin pa na magpang abot kau at mawalan ka ng respeto sa byenan mo.meron tlgang mga byenang ganyan ang ugali.cguro hnd nya rn kasundo ung byenan nya nun kaya binabalik nya sau ung experience nya.sna mkabukod na kau ng asawa mo pra may peace of mind na kau parehas.

Magbasa pa

sana ganyan kasupportive lahat ng partners.. ung akin kasi, imbes na tinutulungan ako lalo ngayong buntis pa ako, ayon, nagpapakasarap sa buhay binata. ( d pa kasi kami kinasal dahil sabi nya ikakasal lang kami pero d kami magsasama na hanggang kasal lang talaga at d na raw nya ako mahal. Auko naman ng ganun) kaya salute sa lahat ng lalaking responsable at mapagkakatiwalaan ng partners nila๐Ÿ‘๐Ÿ‘

Magbasa pa
VIP Member

I push niyo ang pagbukod at magkaka ayos naman kayo soon ng biyenan nyo. Wag niyo lang walain respeto sa kanila.. Marami silang napagdaanan sa buhay kaya parang ang dami nilang pinaglalaban na ayaw nila hayaan mag grow ang tao by their own. Saka nagiging mapuna talaga ang matatanda. But still respect is always there dapat. Kasi kahit papaano pamilya niyo pa din sila ๐Ÿ˜˜

Magbasa pa
VIP Member

Mas mgnda tlga ang nkabukod, mbaet man o hnd ang inlaws.. Iba pren ang nkbukod kaio ng fam mo.. Yan un ds advntages ng hnd maaga ngaasawa xe nkkpg work at ipon ng pera pra mei sapat n mka bukod.. Kya prng wla tlgang gulo much better malayo ka s pningen ng byenan mo qng gnyan lng ka toxic xa saio.. Xe ang gnyan hnd mkakaya s iwas lng ee kya kelangn bumukod n kaio..

Magbasa pa

Naku momsh di ka nagiisa,dun sa una kong LIP ganyan ang biyanan kong hilaw.buti nlang nambabae sa abroad anak nila.ayon nakipaghiwalay na ako.at ngaun may LIP na ko bago at ikakasal na kami mas napabuti ang lagay ko.kaya salamat niloko ako ng una kong LIP hehehhehe nakilala ko now ang soon to be husband ko.

Magbasa pa
VIP Member

glad for you sis at mahal n mahal ka nga ng asawa mo. ok lang yan.. ang mahalaga yung asawa mo kakampi mo.. lipat n nga lang kayo ng bahay. at iwasan ang mga nkka stress na tao. wala ka nmn mpapala sa mga iyan. ang importante kayo at ang samahan nio ng asawa mo. kasama at karamay mo yan til d end.

Monster in laws nakakaloka. Go momshie kaya niyo yan. Bumukod na kayo asap! Di deserve ng mga yan na makita yang baby mo. Pagtanda nila at wala nang magaalaga sa kanila don nila marerealize yang worth niyong magasawa.

grabe, pero be thankful pa din po kasi pinagtanggol k ng asawa mo, you are still lucky mommy ๐Ÿ˜Š wala po ko prob sa in-laws ko and super mahal ako ng asawa ko after 12yrs together, keep your relationship strong ๐Ÿ˜Š

Tama ginawa ni Mister. Tamang pinagtanggol ka niya sa mother niya. Sobramg laking bagay ng ginawa na yun ni Mister mo sayo. Yes po kung ganyan ang inlaws mo, better pong bumukod na kayo. God bless you both.