Sama ng loob

Gusti ko lang po maglabas ng sama ng loob about sa partner ko. Wala po kasi ako masabihan na iba. Nag away po kami kasi nahuli king kausap nya na naman yung ex nya na sobrang nag iinit dugo ko sa babae na yon. Tungkol sa laro pinaguusapan nila,na nagkapikunan silang magkakakampi at chinat nitong babae yung asawa ko,so yung asawa ko humingi ng pasensya sa nangyari. Sinabi nya naman sakin yon,pinabasa nya din. Pero ang ikinikainis ko kasi sabi nya sakin binlock nya na yon(wala akong access sa accounts nya) so ineexpect ko na wala na talagang communication at dapat pag usapan pa maliban nalang kung makakalaro nya,hanggang laro lang. Tapos ganon makikita ko kausap nya sa messenger,colored pa yung chat. So sinabi ko sa kanya na naiinis ako,yung babae daw una nagchat,iunblock daw sya. Ang sabi ko sa kanya akala ko ba binlock nya tas ganyan makikita ko? Tas sasabihin nya yung babae daw nagblock. So nalilito,ako mas lalo ako nainis. Naniniwala naman ako sa kanya pero nakakasama ng loob na hindi nya maintindihan na nagseselos ako na normal sakin magalit at maghinala lalo na't hindi ibang tao yon. Kung kausapin nya ko parang hindi ako buntis,na pag once na napaliwanag nya gusto nya agad maging okay ekspresyon ng mukha ko at di nako magalit. Na parang walang mangyari,na manahimik nako. Kapag hindi ko naintindihan,parang yung tono pa ng pananalita nya maiinis sya. Hindi ko kaya sabihin sa harapan nya lahat ng sama ng loob ko kasi diko alam pano ko ivovoice-out lahat lahat,magsalita man ako onti pero hindi ko na magawa maipaliwanag. Kung kausapin nya kasi ako parang ibang tao ako. Napaka insensitive. Na parang hindi buntis kausap nya. Nung hindi pa naman ako buntis di naman ako ganto,madalas nananahimik ako. Sa huli ako yung nagmumukhang may problema na kesyo di ko sya maintindihan o yung punto nya. Ang gusto ko lang naman magsorry sya na nag-usap na naman sila at tigilan nya na makipag usap don,okay na nga sakin maglaro sila. Ang babaw ko ba? Sa sobrang sama ng loob ko walang tigil yung iyak ko,hindi ko kasi mapigilan.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Lam mo normal lang siguro maging emotional tayong mga buntis. Sana maintindihan yun ng partner mo. Pero base sa kwento mo hindi ko rin gusto na nagchachat pa si partner mo at yung ex nya. Kahit pa sa laro, basta any communication dapat wala na. Para saken kasi dpat umiwas na sa mga ganyang situation na pwede mkasakit sa inyo dba, lalo na ngayon buntis ka baka ma stress ka pa nyan. Basta pag usapan nyo nlang ng maayos ng asawa mo, kung mahal ka nya iiwas nlang sya dun sa ex nya para wala na kayong pagtalunan pa. Wag po magpa stress kasi nakakasama din yun para kay baby. Pray ka lang palagi.

Magbasa pa
5y ago

Yun din po yung hindi ko alam kung aware ba talaga sya kahit ilang beses ko na sinabi. Ayoko na din po sana magpastress talaga kaso hindi po maiwasang masaktan sa ganyan bagay. Thank you po,okay napo ako ngayon ๐Ÿ˜Š Godbless din po!