ASKING FOR ADVICE
Good evening po. ? Gusto ko lamang po na humingi ng advice sa inyo dahil sa totoo lang po, hindi pa po ako totally ready sa mga mangyayari po sa akin once na nakapagpaalam na po ako sa school namin about po sa situation ko. Kasi nga po, 19 years old pa lang po ako at alam ko pong mainit ang mga mata ng mga ibang tao sa ganitong tulad ko na maaga pong nabuntis sa ganitong edad ko po. At sa tuwing lumalabas po ako sa bahay namin, nahihiya pa po ako at pilit ko pa pong itinatago yung tiyan ko para hindi lamang po mapansin kahit na 5 months na po itong tiyan ko ngayon. Alam ko naman pong mahirap itong pinasok ko na sitwasyon, at hindi po madali at alam ko din pong mahuhusgahan po ako, at tatanggapin ko naman po ito. Ano po ba ang puwede ko pong gawin para magkaroon na po ako nang lakas ng loob na harapin ang lahat ng mga ibabato po nilang panghuhusga sa akin? Marami salamat po sa maibibigay niyong advice. ?
I'm 17. Nung january 1 month na yung tiyan ko i am aware pero hinayaan ko na lang tapos ang bakasyon namin is june in the middle of my school year hirap ako itago yung tiyan ko. I waited for 6 months para ipaalam sa lahat, especially to my fam na I was pregnant. But that doesn't stop me to finish my grade 11. Imagine the humiloation that I will get if may makaalam neto sa school. I will be judged, makikick out pa nga sana ako but there are ppl who helped me. I was thankful. Instead of isipin ko ang sasabihin ng iba, naglakas loob ako sabihin na buntis ako. 5 months na nung nalaman nila at dun na rin ako nakapagpacheck up. Imagine the mo.ths na sana ay umiinom na ako ng gamot for my baby pero di ko ginawa bc iniisip ko din yung sasabihin ng ibang tao. Pero nvayon, maliit ang baby ko. Bcoz I was late na nagpacheck up. I pray n pray na sana okay lang anak ko. Please. Don't let your child suffer just bc ayaw.mong majudge. 38 weeks na ako at manganganak na rin in a few day. Or in a week. Im thankful kasi healthy ang baby ko. Pls yung baby mo ang isipin mo. Thats all.
Magbasa paif your parents knows your situation..at tanggap ka wala kana dapat ikatakot besides kung ginusto mo naman un pinasok mo its a gift from god yan pinagbubuntis mo..maaga din ako nag asawa..di p ko buntis pero dahil sa may nangyari samin ng boyfriend ko pinagsama kami agad..after 3months ng pagsasama namin dun p lang ako nabuntis pero un mga taong mapanghusga pinagkalat na na kaya nag asawa ako dahil nabuntis ako..hinayaan ko lang sinabi ko sa sarili ko kahit maaga ako nabuntis at nag asawa kaya namin tumayo mag asawa sa sarili namin paa at magiging successful kami sa buhay kahit papano..ayun natutupad paunti unti un pangarap namin mag asawa..at un mga nanghusga sakin?at nagmaliit sa asawa ko?ayun natutulungan pa namin..at un mga anak nila?maaga din nag asawa hirap pa sa buhay dahil ala pa isang taon anak nila nabuntis na naman sakto 1yr old anak nila manganganak sila sa pangalawang baby nila..magdasal ka..after mo manganak kung kaya mo pa ipagpatuloy pag aaral mo pwede mong ituloy yan..wala sa edad ang pagtatapos ng pag aaral as long as matiyaga ka..godbless
Magbasa paMy parents already know my situation. Thank you so much po! π God bless po sa inyo. π
Wag mong iisipin sasabihin ng ibang tao. Esp kung wala ka naman na pinag sisisihan sa mga nangyari why bother ? Its a blessing and kaya mo naman panindigan yan, kaya mo naman alagaan at palakihin bakit ka makikinig sa kanila ? Its just their opinion. Its your life. Sakin ganyan din ang tao, marami din nagsasabi na after ko grumaduate nagpabuntis agad ako, kesyo sayang daw. But who cares ? Ginusto ko naman to. Blessing naman to. Tsaka kaya ko naman, hindi naman dahik nabuntis ako dun nalang natatapos lahat. After ko manganak madami pa akong kayang gawin, and mas nagiging mas motivated oa nga tayo kase naiisip natin its for our babies future. So dont worry about other people. Ganyan talaga sila, think positive lang lagi and lagi lang natin isipin kapakanan natin tsaka ni baby. Yun ang importante ngayon, not them π godbless π kaya mo yan !
Magbasa paHello sis same here as well 19 years old ako and turning 5months nako π just dont mind them π ako proud ako sa tyan ko π subrang mahal ko yung anak ko. Kaya sa tuwing may magsasabi sakin na "SAYANG KA TALINO MO PA NAMAN MAKAKAPAG TAPOS KA PA SANA NG COLLEGE" "OYY WALA KA MALANG AWA SA MGA MAGULANG MO" sagot ko lang sa kanila "BAKIT KO SISISIHIN ANAK KO E BLESSINGS TO? PAG DUMATING TO SA BUHAY NAMIN PAGKA LABAS NYA ALAM KO NAMANG SOURCE OF HAPPINESS NA NAMIN TO NG PAMILYA KO" "AND ISA PA NAGKA ANAK LANG AKO NG MAAGA HINDI NAMAN END OF THE WORLD NA E UNDERESTIMATE NYO KO DAHIL LANG SA BABY KO UMIIKOT ANG MUNDO AND YUNG YAMAN SA SIPAG NA KUKUHA YAN" Kaya sis dont be ashamed π maging proud ka kasi pag nakita nilang kinakahiya mo yang tyan mo mas lalo ka nilang pag uusapan. Kaya STAND UP bangon para sa anak natin β€
Magbasa paSame po. 19 years old din tapos halos 6 months na. Ang nagmamatter lang po naman na opinion is family. The rest, hayaan na
Ang kailangan mo lang gawin, pasok sa kaliwa labas sa kanan wag mong pansinin mga ganong klaseng tao mga walang magawa sa buhay kundi pag tsismisan buhay ng iba. Hayaan mo sila, basta masaya ka masayo kayo at wala kang tinatapakan na tao un ang importante. Hindi sila importante sa buhay mo, wala naman silang macocontribute na maganda hayaan mo silang manawa kakatsismis kala mo wala silang kapintasan sa buhay. makipag tsismisan lang sila, baka yumaman sila don. Tsaka bhe wag mo ipitin tiyan mo ha, kawawa naman si baby. Wag mong itago, lalaki at lalaki yan makikita nila yan hayaan mo sila. Tandaan mo may karma ang gumagawa ng masama sa kapwa nila. Ipagpasadiyos mo nalang sila.
Magbasa paThank you so much po. π Sobrang nakatulong po ang advice po ninyo sa akin. π God bless po sa inyo and sa baby niyo po. π
They will say whatever hindi mo mapipigilan yon. Wag mo din itago ang baby mo sa pananamit mo just because of them dhil hindi rin naman sila mahalaga sayo. There are alot of things na pwede mo isipin. First priority ka sa mga upuan at sa mga resto. 2nd sila mga chimosa lang ikaw may blessing ka from god . And lastly, hindi naman sila ang magpapalaki ng anak mo ikaw naman ang kasama nyan hangang pagtanda so pls stand up for ur baby. It might look like a mistake when it started but hey hindi biro ang magdala ng bata sa tyan. Buhay yan a miracle na hindi magagawa ng pakikipagchismisan lang. π be proud of ur baby miracle and make her ur joy π
Magbasa paThank you so much! β£οΈ Sobrang nakaka-overwhelmed po ng mga ibinigay niyong advices sa akin. Gagawin ko po lahat ng mga sinabi niyo sa akin. π God bless po sa inyo! π
Alam mo sis. Buti ka nga 19 ka nabuntis, ako 17 . 1styear college pako non. Nag aaral dn alo non. At ako lang sa school namin ang buntis. Diko na inisip if ano ssbhin ng ibang tao. Mas maganda ngang ng aaral habang buntis. Ksi sobrang protective sakin ng mga classmate ko. Lalo na mga prof ko. Ksi HRM ako. So may taste ng alak don, mag luluto ka , so ako hindi ko gingawa yn dhil buntis ako at ayaw ng mga prof ko. Sobrang protective sila. At angs arap sa feeling ! Hayaan mo ang sasabhin ng iba sis. Maging proud ka ! Mas lalong bi ilib syo mga guro mo ksi kahit na buntis ka pinag papatuloy mo pdin ang pag aaral mo.
Magbasa paOpo. Salamat po talaga ng marami. π
Wag mong pansinin ang mga mapanghusgang mga tao sa paligid mo. Hinusgahan din ako ng pamilya ng asawa ko na hindi sya ang ama ng pinagbubuntis ko. Abroad kasi asawa ko nong sinabi nya sa pamilya nya na buntis ako ng isang bwan nagulat sila kc two weeks pa lang syang nakabakasyon. Mga bobo kasi walang alam sa medical kaya inintidi ko na lang malay ba naman nila sa LMP at AOG. Deadma mo lang sila hindi naman sila importante sa buhay mo. At dapat proud ka kc yung iba nga diyan nagpapaabort dahil di matanggap ang kahihiyan. At tsaka lilipas din yan magsasawa din yang mga tsismosa na yan, dapat nga asarin mo pa sila.
Magbasa paMaraming salamat po sa inyo! Opo, hindi ko na po masyadong iisipin ang sasabihin ng mga tao sa akin. :) God bless po sa inyo. π
Hi ate girl. I am also a teenage mom-to-be 18 years old palang ako, pero never pumasok sa isip ko yung sasabihin ng ibang tao sakin kasi iniisip ko masarap maging nanay at sila wala silang ambag sa lahat ng hirap ko sa magiging baby ko. Hayaan mo lang po sila mag salita ng kung ano-ano kasi wala naman silang alam at wala silang ambag sa hirap mo mula pagbubuntis hanggang sa pagpapalaki ng anak mo. Enjoy mo lang yung pagbubuntis mo, mabilis lang ang 9 months. Sarili mo lang intindihin mo ikaw yung kailangan ng baby mo at hindi yung mga mapanghusgang tao π stay strong at mag pray palagi.
Magbasa paThank you, beh! π Stay strong sa atin. Hehe. God bless sayo and sa baby mo. π
first and foremost, pray momshie.. nakakagaan ng loob kapag nagdarasal na parang kakwentuhan mo lang si Lord.. sabihin mo sa kanya lahat ng nararamdaman mo at gagaan ang loob mo.. ask for forgiveness and strength.. kausapin mo rin lagi si baby sa tummy mo, nakakagaan din ng loob yan.. sabihin mo na magpalakas sya.. at wag ka pahirapan once kasi na accepted mo na sa sarili mong buntis ka, magiging madali na lahat at wala ka na pakialam sa sasabihin at iisipin ng ibang tao :)
Magbasa paOpo, magpepray po ako palagi. :) And accept ko na rin naman po na buntis ako. Natatakot lang po talaga ako sa sasabihin ng ibang tao. Pero dahil po sa mga sinabi niyong lahat sa akin at ni Mama ko, lumakas na po ang loob ko. Maraming salamat po. π God bless! π
20 | First time mom β£οΈ