Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Waiting for our little princess
Let me share my own experience during labor and subrang worth it
ARISHA CLAUVIETTE DECEMBER 23, 2019 @5:43am 20 HOURS LABOR ? 3.1kgs 38weeks December 8 nakaramdam ako na parang rereglahin masakit balakang masakit singit at may discharge na puti madama nababasa yung panty ko 4times ako mag bihis ng panty sa isang araw. Sabi ng biyanan ko punta ma daw kaming ospital baka labor na daw. Kaya pumunta kami nung e IE ako 1cm na open cervix pero 35weeks and 1day palang baby ko kaya tinurokan ako ng pampa kapit para wag daw muna lumabas si baby pero kung di mapipigilan papalabasin nalang daw. Thanks God kumapit din si baby ?? Halos araw2 na akong nakakaramdam ng sakit sa balakang kahit pag higa ko subrang sakit ng pempem ko tatagilid babangon subra sakit na pero kinakaya ko parin. Hanggang december 21 madami ng discharge na puti ganun padin madaming masakit pero kinakaya ko pa. December 22 ng madaling araw naka higa lang ako tas babangon sana ako para umihi biglang may dumaloy na parang ihi brownish na pero wala pang sakit nung umaga na umalis si mama at papa para mag grocery pero masakit na yung balakang ko at puson tolerable panaman sabi ng bf ko punta na daw kami ng ospital tas sabi ko antayin nalang si mama at papa. 10am nandun na kami sa ospital pag IE 2cm pero masakit na yung balakang hita at puson ko sabi ng doctor pwede pa daw kami umuwi kasi 2cm palang matagal pa daw yun pero alam ko sa sarili ko na mangangak na talaga ako kasi nakiusap kami na dun nalang kmi sa hospital pumayag naman yung doctor. Until 9pm parang na tatae nako na di ko alam ihi ng ihi tae ako ng tae pero anliit naman ng poop ko. 10pm parang may lumabas sa pwerta ko pag cr ko ayun bilog2 na dugo na pag IE 4cm na daw. Pero subrang sakit na napapaluhod na ko sa sakit gumagapang na ko sa labour room pati tuwad na gagawa ko na sa subrang sakit naka yakap lang ako sa bf ko sabay piga sa kamay niya sa subrang sakit. December 23 na 1am pag IE 5cm palang subrang tagal ang pag ahon ng cm ko grabe yung mga sakit na nararamdam ko parang iiyak ako na walang luha na lumalabas 3am na pag IE 6cm-7cm na daw hindi na ko pina bangon sa stretcher kasi dadalhin na daw ako sa Delivery room 7cm palang pumutok na panubigan ko kaya nilagyan ako ng dextrose mataas pa daw yung baby kaya stay muna ako sa stretcher subrang sakit na talaga parang lalabas na sabi ko kaso mataas pa daw sabi ko sa nurse "PWEDE BA AKONG UMINUM NG TUBIG UHAW NA UHAW NA KO" Pero bawal daw kaya tiniis ko nalang pag IE 10cm na daw nandyan na yung ulo kaya tinawag na yung doctor. Walang 10mins na pag iri 5push nailabas ko baby ko ?? nung pinatong siya sa tyan ko at narinig ko yung iyak niya subrang saya ko napa tawa nalang ako nawala lahat ng sakit at nung nakita ko siya na nililinisan at ako naman tinatahi naka ngita lang ako wla na akong pakialam sa pag tahi kasi subrang saya ko na ??? Sa mga mommy diyan na malapit ng manganak kapag nag lalabour kayo sabayan nyo ng pray hindi kayo papabayaan ng panginoon ????
HELPPPPPPPPP!!!!!!
Mga momsh 3days old si LO may ganito siya. Nung una isa lang tas ngayon dumadami. Ano po to? Delikado po ba to? Sana may maka sagot ?
Name Suggestions for baby Girl
First name po is ARKISHA any suggestion para sa 2nd name starts with letter C sana. Salamat sa makakasagot. Godbless ❤
OVER DUE
May nakasabayan akong buntis dito samin and over due na po siya. Sept 22 yung due date niya until now oct 10 di pa siya nakakapanganak. Noong friday last week pa siya na admit oct 4 and bukas pa daw sched niya for cs. Iniinduce daw siya pero pag natunaw na yung gamot nawawala yung sakit at hilab. Kaya sched for cs siya bukas. ? ano kaya mga rason kung bakit n ooverdue? Kinakabahan ako ? medyo praning din yung mama ko. Baka daw ganito ganyan.
ULTZ RESULT
Ano po ibig sabihin ng intrauterine pregnancy? 1st time mom po. Thanks sa makakasagot
Mga momsh helppp normal po ba ultz ko? Tuesday pa kasi sched ko for prenatal. Thanks po
ULTRASOUND
Mga momsh magpapaultrasound na ako sa monday ? and super excited po akong malaman gender ni baby. Mga ilang minutes po ba tumatagal yung ultrasound? TIA ?
ANO ANG KULANG?
Mga momsh ano pa po ang kulang sa mga binili ko? Ok lang po ba yung ganyan lang kadami pang newborn? Kasi mabilis naman si baby lumaki. Yung sa hygiene kit niya tsaka na ko bibili pag malapit na kong manganak ? Salamat po makaka sagot ? 3pairs botties 3sumbrero 6pairs socks 5pairs mittens 2lampin 3bigkis 5shorts 3pajamas 6sleeveless 3maypako 3long sleeve
ANTI TITANO VACCINE
Ako lang po ba yung na trauma sa injection ng dahil sa anti titano vaccine? ? 3days na di pa rin nawawala yung sakit sa balikat ko tas parang lalagnatin pa ako ? ayaw ko na ng injection na yan ?
GAMIT NI BABY
Mga momsh pwede po ba pengi list ng gamit ni baby? ? ma mimili nakami nextweek super excited nako. Thank you ??