ASKING FOR ADVICE

Good evening po. ? Gusto ko lamang po na humingi ng advice sa inyo dahil sa totoo lang po, hindi pa po ako totally ready sa mga mangyayari po sa akin once na nakapagpaalam na po ako sa school namin about po sa situation ko. Kasi nga po, 19 years old pa lang po ako at alam ko pong mainit ang mga mata ng mga ibang tao sa ganitong tulad ko na maaga pong nabuntis sa ganitong edad ko po. At sa tuwing lumalabas po ako sa bahay namin, nahihiya pa po ako at pilit ko pa pong itinatago yung tiyan ko para hindi lamang po mapansin kahit na 5 months na po itong tiyan ko ngayon. Alam ko naman pong mahirap itong pinasok ko na sitwasyon, at hindi po madali at alam ko din pong mahuhusgahan po ako, at tatanggapin ko naman po ito. Ano po ba ang puwede ko pong gawin para magkaroon na po ako nang lakas ng loob na harapin ang lahat ng mga ibabato po nilang panghuhusga sa akin? Marami salamat po sa maibibigay niyong advice. ?

43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Alam mo sis. Buti ka nga 19 ka nabuntis, ako 17 . 1styear college pako non. Nag aaral dn alo non. At ako lang sa school namin ang buntis. Diko na inisip if ano ssbhin ng ibang tao. Mas maganda ngang ng aaral habang buntis. Ksi sobrang protective sakin ng mga classmate ko. Lalo na mga prof ko. Ksi HRM ako. So may taste ng alak don, mag luluto ka , so ako hindi ko gingawa yn dhil buntis ako at ayaw ng mga prof ko. Sobrang protective sila. At angs arap sa feeling ! Hayaan mo ang sasabhin ng iba sis. Maging proud ka ! Mas lalong bi ilib syo mga guro mo ksi kahit na buntis ka pinag papatuloy mo pdin ang pag aaral mo.

Magbasa pa
6y ago

Opo. Salamat po talaga ng marami. 😚

Related Articles