ASKING FOR ADVICE
Good evening po. ? Gusto ko lamang po na humingi ng advice sa inyo dahil sa totoo lang po, hindi pa po ako totally ready sa mga mangyayari po sa akin once na nakapagpaalam na po ako sa school namin about po sa situation ko. Kasi nga po, 19 years old pa lang po ako at alam ko pong mainit ang mga mata ng mga ibang tao sa ganitong tulad ko na maaga pong nabuntis sa ganitong edad ko po. At sa tuwing lumalabas po ako sa bahay namin, nahihiya pa po ako at pilit ko pa pong itinatago yung tiyan ko para hindi lamang po mapansin kahit na 5 months na po itong tiyan ko ngayon. Alam ko naman pong mahirap itong pinasok ko na sitwasyon, at hindi po madali at alam ko din pong mahuhusgahan po ako, at tatanggapin ko naman po ito. Ano po ba ang puwede ko pong gawin para magkaroon na po ako nang lakas ng loob na harapin ang lahat ng mga ibabato po nilang panghuhusga sa akin? Marami salamat po sa maibibigay niyong advice. ?

Wag mong iisipin sasabihin ng ibang tao. Esp kung wala ka naman na pinag sisisihan sa mga nangyari why bother ? Its a blessing and kaya mo naman panindigan yan, kaya mo naman alagaan at palakihin bakit ka makikinig sa kanila ? Its just their opinion. Its your life. Sakin ganyan din ang tao, marami din nagsasabi na after ko grumaduate nagpabuntis agad ako, kesyo sayang daw. But who cares ? Ginusto ko naman to. Blessing naman to. Tsaka kaya ko naman, hindi naman dahik nabuntis ako dun nalang natatapos lahat. After ko manganak madami pa akong kayang gawin, and mas nagiging mas motivated oa nga tayo kase naiisip natin its for our babies future. So dont worry about other people. Ganyan talaga sila, think positive lang lagi and lagi lang natin isipin kapakanan natin tsaka ni baby. Yun ang importante ngayon, not them π godbless π kaya mo yan !
Magbasa pa


