ASKING FOR ADVICE
Good evening po. ? Gusto ko lamang po na humingi ng advice sa inyo dahil sa totoo lang po, hindi pa po ako totally ready sa mga mangyayari po sa akin once na nakapagpaalam na po ako sa school namin about po sa situation ko. Kasi nga po, 19 years old pa lang po ako at alam ko pong mainit ang mga mata ng mga ibang tao sa ganitong tulad ko na maaga pong nabuntis sa ganitong edad ko po. At sa tuwing lumalabas po ako sa bahay namin, nahihiya pa po ako at pilit ko pa pong itinatago yung tiyan ko para hindi lamang po mapansin kahit na 5 months na po itong tiyan ko ngayon. Alam ko naman pong mahirap itong pinasok ko na sitwasyon, at hindi po madali at alam ko din pong mahuhusgahan po ako, at tatanggapin ko naman po ito. Ano po ba ang puwede ko pong gawin para magkaroon na po ako nang lakas ng loob na harapin ang lahat ng mga ibabato po nilang panghuhusga sa akin? Marami salamat po sa maibibigay niyong advice. ?

Wag mong pansinin ang mga mapanghusgang mga tao sa paligid mo. Hinusgahan din ako ng pamilya ng asawa ko na hindi sya ang ama ng pinagbubuntis ko. Abroad kasi asawa ko nong sinabi nya sa pamilya nya na buntis ako ng isang bwan nagulat sila kc two weeks pa lang syang nakabakasyon. Mga bobo kasi walang alam sa medical kaya inintidi ko na lang malay ba naman nila sa LMP at AOG. Deadma mo lang sila hindi naman sila importante sa buhay mo. At dapat proud ka kc yung iba nga diyan nagpapaabort dahil di matanggap ang kahihiyan. At tsaka lilipas din yan magsasawa din yang mga tsismosa na yan, dapat nga asarin mo pa sila.
Magbasa pa



20 | First time mom ❣️