ASKING FOR ADVICE
Good evening po. ? Gusto ko lamang po na humingi ng advice sa inyo dahil sa totoo lang po, hindi pa po ako totally ready sa mga mangyayari po sa akin once na nakapagpaalam na po ako sa school namin about po sa situation ko. Kasi nga po, 19 years old pa lang po ako at alam ko pong mainit ang mga mata ng mga ibang tao sa ganitong tulad ko na maaga pong nabuntis sa ganitong edad ko po. At sa tuwing lumalabas po ako sa bahay namin, nahihiya pa po ako at pilit ko pa pong itinatago yung tiyan ko para hindi lamang po mapansin kahit na 5 months na po itong tiyan ko ngayon. Alam ko naman pong mahirap itong pinasok ko na sitwasyon, at hindi po madali at alam ko din pong mahuhusgahan po ako, at tatanggapin ko naman po ito. Ano po ba ang puwede ko pong gawin para magkaroon na po ako nang lakas ng loob na harapin ang lahat ng mga ibabato po nilang panghuhusga sa akin? Marami salamat po sa maibibigay niyong advice. ?

if your parents knows your situation..at tanggap ka wala kana dapat ikatakot besides kung ginusto mo naman un pinasok mo its a gift from god yan pinagbubuntis mo..maaga din ako nag asawa..di p ko buntis pero dahil sa may nangyari samin ng boyfriend ko pinagsama kami agad..after 3months ng pagsasama namin dun p lang ako nabuntis pero un mga taong mapanghusga pinagkalat na na kaya nag asawa ako dahil nabuntis ako..hinayaan ko lang sinabi ko sa sarili ko kahit maaga ako nabuntis at nag asawa kaya namin tumayo mag asawa sa sarili namin paa at magiging successful kami sa buhay kahit papano..ayun natutupad paunti unti un pangarap namin mag asawa..at un mga nanghusga sakin?at nagmaliit sa asawa ko?ayun natutulungan pa namin..at un mga anak nila?maaga din nag asawa hirap pa sa buhay dahil ala pa isang taon anak nila nabuntis na naman sakto 1yr old anak nila manganganak sila sa pangalawang baby nila..magdasal ka..after mo manganak kung kaya mo pa ipagpatuloy pag aaral mo pwede mong ituloy yan..wala sa edad ang pagtatapos ng pag aaral as long as matiyaga ka..godbless
Magbasa pa



20 | First time mom ❣️