Maglalabas lang sama ng loob sa byenan ko

Good day, nanganak ako last november 2020 tapos pumunta po byenan ko dito sa manila january 15 2021 para alagaan daw yung apo niya. At first okey pa samahan namin. Pero nung umabot na ng 3 months samahan namin doon na nagkaroon ng lamat ang pagsasama namin sa iisang bahay dahil lang sa "nonsense na issue like di daw ako nagsasalita, mahilig daw ako magsumbong sa asawa ko dahil ang work ng asawa ko ofw. Kada tawag ng asawa ko tinatanong niya asan c mama tyempo naman wala jan di sinasabi ko kung nasan cya baka kasi hanapin din. At ang pinaka malala namin sagutan dahil yun sa last na ayuda nung nag lockdown ang manila, minasama niya ang pagsasabi ng mama ko mismo na "magtipid kayo kasi mahirap maghanap ng pera ngayon" dahil jan nagwawala cya at nagawa pa niya kami pagsalitaan ng "kahit anong sikap niyo mag asawa wla din mangyayari sa inyo babagsak din kayo" sinagot ko din cya di ako makakarma sayo dahil wala naman ako masamang ginawa sayo. Tapos sinabi niya pa na sa lahat ng manugang niya ako lang daw talaga ang pinaka masama ang ugali sa lahat. To make story short nakauwi na ng province byenan ko ilang araw lang natawag sa akin kung pwede ba daw cya babalik dito sa akin ulit ? Nakalimutan niya na ba lahat ng sinasabi niya sa akin. Masama lng talaga loob ko sa kanya kasi imbes na tulungan niya ko sa pag aalaga ng apo niya cya pa mismo ang mag dodown sa akin. Yung bang tipong ginawa mo lahat ng pagpapa kabait pero kulang pa din para sa kanila. Tapos ngayon babalik cya sa akin para saan pa guluhin na naman buhay ko? Kina kainis ko lang din itong asawa ko gusto niya pabalikin mama niya sa manila para makatipid daw kami bayad sa nag aalaga sa bata dahil nag wowork din ako. Nakaka stress talaga. Yun bang yung anak mo na lang talaga ang pinag huhugotan mo ng lakas para lumaban. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. Ramdam na ramdam ko na yung stress sa bahay plus sa trabaho pa 😒hanggang ngayon kinukulit pa din ako ng byenan ko na babalik cya sa akin. Kaya dito na lang ako maglalabas ng sama ng loob kasi sa FB kasi baka kasi maging dahilan pa ng away na naman. Advice niyo naman po ako magagandang mensahe pampawala ng stress #1stimemom

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

parangkahin mo sis biyenan mo. wala naba sa kanya lahatvng away niyo ? bat pa siya babalik ?