Oras, hindi puro Pera lang

Time check 2:02am. Di makatulog dahil sa sama ng loob. Away mag asawa. Pero yung asawa ko naghihilik pa. Masama ba ako dahil nanghihingi pa din ako ng oras sa asawa ko? Tipong nakikiusap ako na sana hindi puro trabaho. Sinabi ko lang naman na sana magkaroon naman sya ng oras para samin sana na makapg bonding kaming family ng masaya. Sinabi ko lang na hindi lang puro pera ang kailangan namin, na kailangan din namin sya. Pero ikinagalit nya at di maintindihan ang punto ko. Na para naman daw samin yun, na masaya na daw sya na nabibigay nya kailangan namin ng anak nya. Hindi ako alam sino sa amin ang di makaintindi e? Pasensya na. Last time nag away kame dahil hating gabi na wala pa din sya. Tawag ako ng tawag sa kanya pero di sumasagot hanggang sa chinat ko kaibigan nya na kasama nya sa trabaho, sabi lang di pa daw sila tapos sa work nila. Na yung cp daw ng asawa ko e pinagsa sounds nila kaya di sya makareply sakin. Like tangina diba? Malaman laman ko, umiinom pala sila non. Dahil umabot na ng umaga di sya nakauwi at nung tumatawag ako, nanay nya sumagot, pagkasabi sabi pa na 12am daw sya umuwi dun at lasing. Ptang1nA lang.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-5232043)

continuation to, nung nagkausap na kame, pinagtanggol pa mga kaibigan nya na kesyo kaya daw hindi nila sinabi sakin totoo kase alam nila na magagalit ako. G@go ba sila? pinaka ayaw ko sa mga Kaibigang Kunsintidor.