Kayo na po bahala

Ganto din po ba kayo mang trato ng mga First Time Mom?? Nag tanong po ako ng maayos dahil sa pigsa ng anak ko sa ulo. Dito po ako nag tanong dahil hindi po pwede ilabas ang mga baby dahil po naka quarantine po tayo. Hindi naman po ako mag aask dito kung pwede po ako pumunta sa Pedia eh. Pero sana naman po. Wag ako murahin paki sabi na lang po sakin ng maayos? Hindi naman kasi ako perfect na magulang eh. Ginagawa ko lang yung best ko para sa anak ko

Kayo na po bahala
101 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Aq nga sa pinagdalhan ko sa baby ko my naka confine na positive kaso todo ingat nalang at nver aq humawak sa mga kung ano ano.. Kc inuubo baby ko at aq ung nhhrapan kaya no choice.. Madaming paraan girl.. Hindi porket lockdown o my virus hhayaan mo nlng gnyan baby mo.. Panu pag na infect eh di sa kapabayaan mo sya nawala

Magbasa pa
6y ago

Wag po natin agad i-judge yung nanay ng bata. Unang-una, totoo naman po na madaming clinic ngayon ang sarado. Kahit sa mga malalaking ospital like St. Luke's, walang clinic ang mga pedia. Hindi din ina-advice ng karamihan ng mga pedia na pumunta sa emergency room dahil karamihan ng pumupunta do'n ay COVID cases. Baka mas lalo pong mapahamak ang bata. Hindi naman natin alam din kung saan nakatira si mommy. Paano kung sa probinsya siya at walang duktor? Pangalawa, hindi din naman tayo mga duktor para mag-diagnose ng nangyari sa bata. Wag po agad i-assume na kapabayaan dahil baka mamaya may underlying condition like psoriasis o eczema yung bata. If gano'n nga po ang kaso, then hindi po hygiene ang dahilan. Sa mommy na nag-post, if malapit ka sa The Medical City, may mga bukas pa po na clinic do'n. Tawag po sa 8-988-7000 local 7609.