stroller question

FTM here, ask ko lang kung necessary ba ang mag purchase ng stroller? May bibilhin na naman ako worth 2k+ sya pero doubted pa ako kung need na ba sya o kung magagamit ba sya? WFH parents kame,sa province kame nakatira. Ang paglabas lang namen is kapag sisimba every sunday, di kame mahilig mamasyal since nagtitipid kame, wala kameng kotse so if gagala kame naka jeep kame. Walking distance ang bahay ng parents ko while yung sa byenan ko naman 2 jeeps away sa bahay namen. Worth it ba ang stroller? Parang mas gusto ko nlang karga nameng mag asawa si baby e. Bukod sa di naman kame gasino nalabas. Gusto kase ni husband kase magagamit daw sa ospital pag labas. Salamat. Please respect post since FTM po ako and need lang ng answer based din sa inyong experiences.

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy kung commute much better baby carrier.. Mahirap pag walang car bibitbitin niyo pa stroller bukod sa baby bag at si baby. Sa amin kasi nung una sa panganay ko kahit may stroller na mas nagamit namin sakanya pagpunta sa mall ang babycarrier kasi commute pa kami non. Pero eto sa 2nd baby namin buntis palang ako nun bumili na kami ng stroller with carseat since nagttravel kami nasa province din kami kasi nakatira at ang layo ng pagpunta sa city😅 kaya kelangan handa sa mga travel gears since nagkakotse na kami di na hassle magdala ng stroller. Pag isipan mo din momsh kasi maganda din na may stroller si baby para mapapasyal sa harap bahay mapapaarawan ok din nakastroller.

Magbasa pa

Based sa experience ko, di ako namili ng ganyan mamii, ang binili ko lang is crib, dahil din sa gusto ko sya sa bisig ko. pero may mga nagbigay samin na stroller, di man masyado pero nagamit padin lalo na nun umaalis kami pinapasyal namin sya. malaking tulong din sya kase di naman kami robot, sumasakit din likod namin lalo na dumadagdag ang timbang ni baby. pero nung nagstart na mag walk si baby talagang di na napansin yung stroller. Recently ang binili namin yung stroller bike. Kung may budget naman kayo mamii why not, mabebenta naman yan mamii if ever di na magamit ni baby. if may kapalitan kayo sa pagbuhat kay baby ok lang din na di na bumili. ☺

Magbasa pa

Saakin, first few months ni LO, baby carrier ang gamit ko kasi mas convenient. Pero when he reached the age na pwede ko na siyang ilabas pra mag ikot ikot, stoller is a big help. Tuwing hapon nilalakad lakad ko siya para nakakakita siya ng ibang tao/bagay kaya sobrang helpful nung stoller. Ngayon na kaya niya na umupo ibinili ko na siya nung nauuso ngayon sa tiktok na magic stroller. Mas lightweight kasi at mas madali bitbitin pag lumalabas kami. We also use it as highchair pag kumakain siya, so dual purpose. Sulit din yung ipinangbili. ☺️

Magbasa pa

Kung palalabas kau or palagala magandang ipurchase ung pang hanggang toddler age kase convenient sya sa mga malls hindi mo need magbuhat at the same time nakakahelp pa magbitbit ng bilihin. Sa case ko, since mahilig nmn isama every weekend grocery at lagi kame naalis, convenient sya for me. Good thing niregalo lng ng tito ung stroller kaya di n kme bumili. Worth 5k sya pero sulit kse hanggang ngaun 2 yrs old na sya nagagamit nya pag aalis kme. Convenient sya kung may car din kau. Kase kung isasakay din commute mahirapan pa

Magbasa pa
VIP Member

Wag na mamsh. I have 2 strollers. Both hand me down lang ng mga kapatid ko ni hindi ko nga magamit masyado for its purpose. Hahaha. Mas gusto ko karga si baby. Haha. And hindi hassle. Gamit ko lang sya if may outing. E hindi namsn araw araw may outing. Haha buti nga d ako bumili e bigay lang. So wag na po bili. Kung bibili ka man po hanap po kayo sa market place ung mura lang. Mga 2nd hand. Mahal po 2k. Hanap po kayo meron naman 500 sa market place na ok pa.

Magbasa pa

well kung mayaman ka at may kaya why not... pero kung maging wais at praktikal ka no nid,y? kasi bitbitin pa yan kahit saan ka magpunta,doble pa bitbit mo. pag ayaw ng anak mo sumakay matik karga mo tas btbt mo pa yan stroller na yan... bti sana kung may maid na magdadala. at bti sana kng may sskyan na pede paglgayan nian stroller na yan. aksaya pa mas gsthn q pa karga nalang kz mabilis sila lumaki. lalo na sa age na 7yr old. may sarili mundo na.

Magbasa pa

Base sa experience ko, sa 3rd baby ko may nagbigay ng crib, stroller at carrier. Lahat naman nagamit. Siguro it depends on the situation. Mas okay ang stroller kung may sasakyan, sobrang convenient kapag mamasyal, magagamit yan up to 2 years old siguro, depende kay baby. Yung carrier nagamit namin siguro hanggang before 1 year old lang si baby. Yung crib siguro mga hanggang 6months. Para sa inyo mii, mas convenient po siguro ang baby carrier.

Magbasa pa

Sa situation ko rin hindi na kami bumili. Sa first two babies ko may stroller na binigay sa amin pero hindi ko naman iyon nagamit pag gumagala. Pag nasa labas lang nang gate at kapag kumakain si baby. Sa mall kasi sa aming lugar, medyo masikip at wala rin kaming sasakyan kaya carrier iyong ginagamit ko pag gagala kami. Sa third baby ko naman, hindi na kami bumili kasi baka masayang na rin at maliit rin itong bahay na binili namin.

Magbasa pa

mas prefer kopo stroller. that is one of my checklist. base on my experience sa mga pamangkin ko na ako nagalaga mula baby mga 3months lang ang bibigay na nila kaya need mo nang stroller lalo na pag nagpapainit sa laabs kase need evermorning ng baby non. since sabi mo nga walking distance kayo sa parents nyo maganda ding gamitin yun pag nagwawalk walk kayo less husle pwede mo pa sya don patulogin.

Magbasa pa

kakabili ko lang ng stroller. actually nakakatulong naman yun pag lumalabas ka like kakain sa restaurant mga ganon. pero kung pang everyday lang like papaarawan o igagala sa labas para malibang naman si baby, di mo sya magagamit kasi bukod sa mahirap ang daming sira ulo na tao sa labas e mahirap din kumilos kasi dahan dahan mo un syempre itutulak kasi mauga ung mismong hinihigaan ni baby

Magbasa pa