Hopeful Momma

Hi everyone! Gusto ko lang bawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Last year November, I had miscarriage. Buntis ako ng hindi ko alam. Nasanay kasi ako na irregular ang mens ko since I have PCOS. December my mom passed away. Akala ko yun na yung taon na sobrang sakit para sa amin. This year January, nag-spotting ako. Ever since ma-raspa ako nung November hindi pa ako nag-mens ulit. So my husband and I decided to check if pregnant ulit ako. January 13 bumili kami PT and positive ang result. Dumeretso na kami ng check up dahil may spotting nga ako. Since then, bed rest lang ako and take na ng pampakapit. Happy naman ako sa pregnancy kahit naka-bed rest ako. Kain ng masustansya at alaga kami ni husband at buong family. Not until last week April 26, nakaramdam ako ng sakit sa balakang. Before that, okay naman ang pakiramdam ko at masaya. Walang kahit anong paramdam na may mangyayari pala. Pumutok ang panubigan ko at doon na nag-start ang lungkot at sakit physically. Na-ultrasound ako April 27 pa at wala na heartbeat si baby. Wala na ako paglagyan ng lungkot at luha. Going 5mos na si baby and ganon ang nangyari. Inalagaan at minahal namin siya sobra. Kaya ang sakit lang. Magkasunod pa. ๐Ÿฅบ๐Ÿ˜ญ Naranasan ko din mag-labor at manganak. Kaibahan lang wala na akong inasahang buhay na baby na lalabas. We are still hoping na magka baby pa din. Alam ko may dahilan ito. Sa mga mommies na waiting at same case sa akin, laban tayo. Darating din ang time para sa atin. Magpalakas at magpahealthy pa tayo. ๐Ÿ™๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š

Hopeful Momma
31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I'm not sure if naniniwala kayo sa kasabihang matanda ๐Ÿ˜… Yung aunt ko po kc "buayahon" I don't know tawag sa tagalog hehe.. kung papatingin kau sa mang gagamot, titingnan nila yung kamay mo (palm) don nila makikita if "buayahon" ka.. sb kc pag may ganito ka, kakainin mo lng yung bby mo kaya nakukunan, or kung mailabas mo mn dw, sakitin, or mamatay... or mabubuhay sya bsta hnd ikw mag aalaga.. yung aunt ko, nakunan po sha before & 2nd nag labor but sadly, the bby didn't make it... so nag patingin po sila, sila po nang husband nya may ganun, kaya nag pagamot, "kudlit" po tawag... after that, successful pregnancy na sha, mayrong 3 anak na same dn po sakin ๐Ÿ™‚ nakunan ako b4... my ganun din po ako same sa aunt ko, kaya i decided na mag pa "kudlit" and now I am 5 months pregnant, kaya lalong nag pursige na gawin yung sinasabi nang matatanda ๐Ÿ˜… hopefully this will be successful pregnancy na. I'm not encouraging u mii to believe it or me... share ko lng din, uso kc sha b4, not sure now if marami parin naniniwala... wla rin namang mawawala if sundin/gawin natin

Magbasa pa
3y ago

Sa Cebu po

naiiyak aq mii habang bnabasa ko ๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ญang sakit nun.. tiwala lng ky god bka may mas mganda sya plano pra s inyo . un kwork ko nun nkunan dn sya pero 1month or 2 nabuntis ulit sya kya twala lng .. ๐Ÿ™๐Ÿป nranasan q dn mkunan pero wla p month week plng s arw p ng bday ko akala q regla lng pero wla p isa arw at sobra sakit ng blakang puson ko nilagnat pako.akala ng aswa q nloloko ko sya s pgka kunan ko. dhil un tym n un mag kaaway kmi dhil ilan month n pla cla ng bbae nia at sbi p ni gurl buntis dw sya๐Ÿ˜ฉpero nd nman.mukang nging msaya p sya nun snabi nun bbae buntis sya.. pero s nkaraan n un msaya n kmi ngayun lalo n my baby boy ndin kmi s wakas sna nd n maulit un sakit n un dhil hanggang ngayun andto pdin un trauma s sakit n nranasan ko physically and emotionally

Magbasa pa
3y ago

pray lang mami palagi. โค๏ธ๐Ÿ™

stay strong po momshi ๐Ÿ’ž same case po tayo sa 1st baby ko..last april 27, 2021 dinugo ako as in puro dugo biglaan.. walang sign na duduguin ako.. basta ang alam ko lang nung time na un gusto ko magpupu, tapos dugo na pala lalabas.. dinala agad ako sa hospital, pero sa mga nauna naming pinuntahan tinanggihan kami.. hanggang sa may tumanggap samin sa city.. pag ultrasound sakin wala na sya heartbeat.. naglabor ako nanganak ng normal.. going 7mos. sya nung time na lumabas sya ng wala ng buhay.. napaka sakit tanggapin na lahat ng pag iingat ginawa mo, di parin sapat.. pero ngaun momshi im 3mons. pregnant at doble ingat talaga.. pray lang tayo kay God momshi ๐Ÿ™๐Ÿ˜‡

Magbasa pa
3y ago

kapit mami. enjoy mo lang. wag ka pastress. congrats sa new baby! โค๏ธ๐Ÿ™

Same tayo Mams, ako naman nagpreterm last year Sept. 18. Mag 7 months na sana si baby sobrang hirap at bigat sa dibdib mawalan ng anak first baby ko pa๐Ÿฅบ tapos 1month lumaban baby ko kaso public hospital napuntahan namin wala masyado gamit at kailangan sana namin mailipat sya, ang problema wala bakante incubator kung meron naman di namin kaya gastusin isang araw nya palang๐Ÿ˜ญ nagflashback lahat ng sakit kasi nakita ko baby ko kahit hirap na hirap sa mga ginagawa sa kanya lumalaban sana sya. Ang sakit lang biglang mawawala din pala sya๐Ÿ˜ญ

Magbasa pa
3y ago

pray lang mami..may dahilan po kung bakit nangyari sa atin ang mga bagay-bagay. โค๏ธ๐Ÿ™ pakatatag ka po palagi. โค๏ธ

Stay strong po mamshi ๐Ÿ’– naransan ko na din po makunan, mag ectopic pregnancy at makunan nanaman po ulit then eto 27 weeks nako ngayon pinag pray ko lang po na ibigay nya na saken yung para saken kase may alaga din po ako na binawe saken 5months old ako na lahat kaya hiniling kong bigyam nako ng sarili ko at nung dumating na dipa din po ako tumigil magdasal na ibigay nya na po saken to ngayon ๐Ÿ™ Keep praying mamshi may panahon sya para sayo at ibibigay nya sa tamang panahon yun ๐Ÿ™๐Ÿ™Œโ˜๏ธ

Magbasa pa
3y ago

Hanggat maari lahat ng pwedeng gawin para maging safe sya at ako ginagawa namen ng partner ko pati ng mga pamilya ko. ๐Ÿ’– Sa ngayon yung alaga ko na binawe saken mag 4 yrs old na sya last year lang din sya kinuha ng mama nya tapos ayaw na ipaheram saken pero since nandun sya sa side ng father nya naipaheram sya saken ulit kaso nga lang uuwe sya ulit within 1 week pero masaya na ko dun kase nakasama ko sya tsaka ako kinilala nyang nanay o magulang nya ๐Ÿ˜Š

Hello mamsh, before anything else, I'm sorry to know this. I had stillbirth last year din and gave birth to 2 baby angels. Like you, naglabor din ako and nanganak. I know the pain you felt is incomparable to what normal mothers in labor felt. Yung saten kasi, triple the pain or even worse since wala ng buhay ung inilabas naten. Hold on and be strong mommy. I am almost at my 5 month na din with my rainbow baby. The anxiety and fear are always there but I am lifting everything up to Him.

Magbasa pa
3y ago

yes mami. salamat. at enjoy ka lang, iwas stress. kayang kaya niyo ni baby yan. โค๏ธ๐Ÿ™

TapFluencer

mommy naiyak ako dun sa part na nanganak ka pero ang kaibahan walang kang baby na maririnig na umiyak. kasi ganitong ganito ako nung nakunan ako. may kasabay akong nanganganak. nakatulog ako sa anaesthesia na naririnig ang iyak ng baby. bumalik sa kin ubg sakit. kakayanin natin to mommy. 1 year na nakalipas nung sa kin pero hanggang ngayon nasasaktan ako pag naaalala ko. isasama po namin kayo sa prayer naming magasawa para magkarainbow baby na din kayo. wag po kayo susuko.

Magbasa pa
3y ago

maraming salamat po. ๐Ÿ™๐Ÿ’• yes,.umaasa pa din po kami na mabibigyan kami ng buong buo sa tamang panahon. ๐Ÿ’š

kapit lang mommy. nag miscarriage din ako sa unang pregnancy ko nung Nov2019. nag advise yung OB ko na saka na magbuntis after a year kasi malaki daw risk na ma kunan ulet if too soon mabuntis ulet. kahit mag try naman kmi di kmi makabuo. now im on my 16 weeks pregnancy. kapit lang and tiwala kay God. tight hugs!!!

Magbasa pa
3y ago

salamat mami. enjoy lang kayo ni baby โค๏ธ

I feel you mi, nanganak rin ako last year labor day pero wala rin baby ko same case sayo 22 weeks oumutok panubigan ko at nanganak ako 27weeks. At bago mag 1yr anniv ng pagkawala nya nalaman namin na buntis ulit ako. Hindi man agad2 mawawala ang sakit pray ka kang palagi mi anjan lang si Lord magkikift up satin.

Magbasa pa
3y ago

salamat po โค๏ธ๐Ÿ™

nakakaiyak. lalo na sa mga nanay na nakaranas ng mawalan ng anak. I had miscarriage also last 2020 sa twins. and now, I am 4 months pregnant with my rainbow baby. tama yung sinabi ng isang mommy, anxiety and fears are always there pero wala tayong ibang masasandalan kundi si Lord lang. pray mommy! ๐Ÿ™

Magbasa pa
3y ago

Hello mamsh, ako Yung nawalan din ng twins last year namn. Stillbirth at 6 months. What happened to yours?