Hopeful Momma

Hi everyone! Gusto ko lang bawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Last year November, I had miscarriage. Buntis ako ng hindi ko alam. Nasanay kasi ako na irregular ang mens ko since I have PCOS. December my mom passed away. Akala ko yun na yung taon na sobrang sakit para sa amin. This year January, nag-spotting ako. Ever since ma-raspa ako nung November hindi pa ako nag-mens ulit. So my husband and I decided to check if pregnant ulit ako. January 13 bumili kami PT and positive ang result. Dumeretso na kami ng check up dahil may spotting nga ako. Since then, bed rest lang ako and take na ng pampakapit. Happy naman ako sa pregnancy kahit naka-bed rest ako. Kain ng masustansya at alaga kami ni husband at buong family. Not until last week April 26, nakaramdam ako ng sakit sa balakang. Before that, okay naman ang pakiramdam ko at masaya. Walang kahit anong paramdam na may mangyayari pala. Pumutok ang panubigan ko at doon na nag-start ang lungkot at sakit physically. Na-ultrasound ako April 27 pa at wala na heartbeat si baby. Wala na ako paglagyan ng lungkot at luha. Going 5mos na si baby and ganon ang nangyari. Inalagaan at minahal namin siya sobra. Kaya ang sakit lang. Magkasunod pa. 🥺😭 Naranasan ko din mag-labor at manganak. Kaibahan lang wala na akong inasahang buhay na baby na lalabas. We are still hoping na magka baby pa din. Alam ko may dahilan ito. Sa mga mommies na waiting at same case sa akin, laban tayo. Darating din ang time para sa atin. Magpalakas at magpahealthy pa tayo. 🙏💚💚💚

Hopeful Momma
31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naiiyak aq mii habang bnabasa ko 😢😭ang sakit nun.. tiwala lng ky god bka may mas mganda sya plano pra s inyo . un kwork ko nun nkunan dn sya pero 1month or 2 nabuntis ulit sya kya twala lng .. 🙏🏻 nranasan q dn mkunan pero wla p month week plng s arw p ng bday ko akala q regla lng pero wla p isa arw at sobra sakit ng blakang puson ko nilagnat pako.akala ng aswa q nloloko ko sya s pgka kunan ko. dhil un tym n un mag kaaway kmi dhil ilan month n pla cla ng bbae nia at sbi p ni gurl buntis dw sya😩pero nd nman.mukang nging msaya p sya nun snabi nun bbae buntis sya.. pero s nkaraan n un msaya n kmi ngayun lalo n my baby boy ndin kmi s wakas sna nd n maulit un sakit n un dhil hanggang ngayun andto pdin un trauma s sakit n nranasan ko physically and emotionally

Magbasa pa
4y ago

pray lang mami palagi. ❤️🙏