Hopeful Momma

Hi everyone! Gusto ko lang bawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Last year November, I had miscarriage. Buntis ako ng hindi ko alam. Nasanay kasi ako na irregular ang mens ko since I have PCOS. December my mom passed away. Akala ko yun na yung taon na sobrang sakit para sa amin. This year January, nag-spotting ako. Ever since ma-raspa ako nung November hindi pa ako nag-mens ulit. So my husband and I decided to check if pregnant ulit ako. January 13 bumili kami PT and positive ang result. Dumeretso na kami ng check up dahil may spotting nga ako. Since then, bed rest lang ako and take na ng pampakapit. Happy naman ako sa pregnancy kahit naka-bed rest ako. Kain ng masustansya at alaga kami ni husband at buong family. Not until last week April 26, nakaramdam ako ng sakit sa balakang. Before that, okay naman ang pakiramdam ko at masaya. Walang kahit anong paramdam na may mangyayari pala. Pumutok ang panubigan ko at doon na nag-start ang lungkot at sakit physically. Na-ultrasound ako April 27 pa at wala na heartbeat si baby. Wala na ako paglagyan ng lungkot at luha. Going 5mos na si baby and ganon ang nangyari. Inalagaan at minahal namin siya sobra. Kaya ang sakit lang. Magkasunod pa. πŸ₯ΊπŸ˜­ Naranasan ko din mag-labor at manganak. Kaibahan lang wala na akong inasahang buhay na baby na lalabas. We are still hoping na magka baby pa din. Alam ko may dahilan ito. Sa mga mommies na waiting at same case sa akin, laban tayo. Darating din ang time para sa atin. Magpalakas at magpahealthy pa tayo. πŸ™πŸ’šπŸ’šπŸ’š

Hopeful Momma
31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

stay strong po momshi πŸ’ž same case po tayo sa 1st baby ko..last april 27, 2021 dinugo ako as in puro dugo biglaan.. walang sign na duduguin ako.. basta ang alam ko lang nung time na un gusto ko magpupu, tapos dugo na pala lalabas.. dinala agad ako sa hospital, pero sa mga nauna naming pinuntahan tinanggihan kami.. hanggang sa may tumanggap samin sa city.. pag ultrasound sakin wala na sya heartbeat.. naglabor ako nanganak ng normal.. going 7mos. sya nung time na lumabas sya ng wala ng buhay.. napaka sakit tanggapin na lahat ng pag iingat ginawa mo, di parin sapat.. pero ngaun momshi im 3mons. pregnant at doble ingat talaga.. pray lang tayo kay God momshi πŸ™πŸ˜‡

Magbasa pa
4y ago

kapit mami. enjoy mo lang. wag ka pastress. congrats sa new baby! β€οΈπŸ™