Hopeful Momma

Hi everyone! Gusto ko lang bawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Last year November, I had miscarriage. Buntis ako ng hindi ko alam. Nasanay kasi ako na irregular ang mens ko since I have PCOS. December my mom passed away. Akala ko yun na yung taon na sobrang sakit para sa amin. This year January, nag-spotting ako. Ever since ma-raspa ako nung November hindi pa ako nag-mens ulit. So my husband and I decided to check if pregnant ulit ako. January 13 bumili kami PT and positive ang result. Dumeretso na kami ng check up dahil may spotting nga ako. Since then, bed rest lang ako and take na ng pampakapit. Happy naman ako sa pregnancy kahit naka-bed rest ako. Kain ng masustansya at alaga kami ni husband at buong family. Not until last week April 26, nakaramdam ako ng sakit sa balakang. Before that, okay naman ang pakiramdam ko at masaya. Walang kahit anong paramdam na may mangyayari pala. Pumutok ang panubigan ko at doon na nag-start ang lungkot at sakit physically. Na-ultrasound ako April 27 pa at wala na heartbeat si baby. Wala na ako paglagyan ng lungkot at luha. Going 5mos na si baby and ganon ang nangyari. Inalagaan at minahal namin siya sobra. Kaya ang sakit lang. Magkasunod pa. πŸ₯ΊπŸ˜­ Naranasan ko din mag-labor at manganak. Kaibahan lang wala na akong inasahang buhay na baby na lalabas. We are still hoping na magka baby pa din. Alam ko may dahilan ito. Sa mga mommies na waiting at same case sa akin, laban tayo. Darating din ang time para sa atin. Magpalakas at magpahealthy pa tayo. πŸ™πŸ’šπŸ’šπŸ’š

Hopeful Momma
31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I'm not sure if naniniwala kayo sa kasabihang matanda πŸ˜… Yung aunt ko po kc "buayahon" I don't know tawag sa tagalog hehe.. kung papatingin kau sa mang gagamot, titingnan nila yung kamay mo (palm) don nila makikita if "buayahon" ka.. sb kc pag may ganito ka, kakainin mo lng yung bby mo kaya nakukunan, or kung mailabas mo mn dw, sakitin, or mamatay... or mabubuhay sya bsta hnd ikw mag aalaga.. yung aunt ko, nakunan po sha before & 2nd nag labor but sadly, the bby didn't make it... so nag patingin po sila, sila po nang husband nya may ganun, kaya nag pagamot, "kudlit" po tawag... after that, successful pregnancy na sha, mayrong 3 anak na same dn po sakin πŸ™‚ nakunan ako b4... my ganun din po ako same sa aunt ko, kaya i decided na mag pa "kudlit" and now I am 5 months pregnant, kaya lalong nag pursige na gawin yung sinasabi nang matatanda πŸ˜… hopefully this will be successful pregnancy na. I'm not encouraging u mii to believe it or me... share ko lng din, uso kc sha b4, not sure now if marami parin naniniwala... wla rin namang mawawala if sundin/gawin natin

Magbasa pa
4y ago

Sa Cebu po