Hopeful Momma

Hi everyone! Gusto ko lang bawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Last year November, I had miscarriage. Buntis ako ng hindi ko alam. Nasanay kasi ako na irregular ang mens ko since I have PCOS. December my mom passed away. Akala ko yun na yung taon na sobrang sakit para sa amin. This year January, nag-spotting ako. Ever since ma-raspa ako nung November hindi pa ako nag-mens ulit. So my husband and I decided to check if pregnant ulit ako. January 13 bumili kami PT and positive ang result. Dumeretso na kami ng check up dahil may spotting nga ako. Since then, bed rest lang ako and take na ng pampakapit. Happy naman ako sa pregnancy kahit naka-bed rest ako. Kain ng masustansya at alaga kami ni husband at buong family. Not until last week April 26, nakaramdam ako ng sakit sa balakang. Before that, okay naman ang pakiramdam ko at masaya. Walang kahit anong paramdam na may mangyayari pala. Pumutok ang panubigan ko at doon na nag-start ang lungkot at sakit physically. Na-ultrasound ako April 27 pa at wala na heartbeat si baby. Wala na ako paglagyan ng lungkot at luha. Going 5mos na si baby and ganon ang nangyari. Inalagaan at minahal namin siya sobra. Kaya ang sakit lang. Magkasunod pa. πŸ₯ΊπŸ˜­ Naranasan ko din mag-labor at manganak. Kaibahan lang wala na akong inasahang buhay na baby na lalabas. We are still hoping na magka baby pa din. Alam ko may dahilan ito. Sa mga mommies na waiting at same case sa akin, laban tayo. Darating din ang time para sa atin. Magpalakas at magpahealthy pa tayo. πŸ™πŸ’šπŸ’šπŸ’š

Hopeful Momma
31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Stay strong po mamshi πŸ’– naransan ko na din po makunan, mag ectopic pregnancy at makunan nanaman po ulit then eto 27 weeks nako ngayon pinag pray ko lang po na ibigay nya na saken yung para saken kase may alaga din po ako na binawe saken 5months old ako na lahat kaya hiniling kong bigyam nako ng sarili ko at nung dumating na dipa din po ako tumigil magdasal na ibigay nya na po saken to ngayon πŸ™ Keep praying mamshi may panahon sya para sayo at ibibigay nya sa tamang panahon yun πŸ™πŸ™Œβ˜οΈ

Magbasa pa
4y ago

Hanggat maari lahat ng pwedeng gawin para maging safe sya at ako ginagawa namen ng partner ko pati ng mga pamilya ko. πŸ’– Sa ngayon yung alaga ko na binawe saken mag 4 yrs old na sya last year lang din sya kinuha ng mama nya tapos ayaw na ipaheram saken pero since nandun sya sa side ng father nya naipaheram sya saken ulit kaso nga lang uuwe sya ulit within 1 week pero masaya na ko dun kase nakasama ko sya tsaka ako kinilala nyang nanay o magulang nya 😊