pano po mapagaling ng mabilis ang tahi sa pwerta at makadumi ng normal

dec 17 po nanganak ako may tahi po ako sa NORMAL DELIVERY PO . ask ko lamg po pano po mapagaling ng mabilis tong tahi kasi po kahit pag upo , pag ubo , pag bangon masakit po tlaga . tapos po di pa po ako nakakadumi 2days na pahelp naman po mga mi 🥺🙏

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

December 11 po ako nanganak malalim tahi ko tapos hanggat pwet pa pero ngayon ok nako. nakakaupo nako maayos at hindi na din masakit yung tahi. Ang ginawa ko lang is ininom yung niresetang antibiotic for 7 days. strictly on time po dapat ang paginom. Tapos tap water at betadine fem wash lang po ang ipanglinis nyo. Wag maligamgam kasi pwede po bumuka ang tahi. Tubig galing gripo lang po gamitin nyo. Yung sa dumi naman hindi ako nagkaproblema dahil sa papayang hinog hehe. kain lang kayo papaya para lumambot po yung dumi nyo at di sya masakit ilabas. ❤

Magbasa pa

hello po, ang ginawa ko po bumili ako ng portable bidet nilalagyan ko water at hinahaluan ko ng betadine na feminine wash. sa pag dumi naman po, mag take po kayo ng stool softener hanggang masakit pa po tahi mo. ako po 2wks ako nag take, pero hindi araw araw, kapag nararamdaman ko lang po na madudumi na ako umiinom na ako sa gabi tapos lumalabas na po sa susunod na araw.

Magbasa pa

Yung mismo OB ko suggested ung dahon ng bayabas pero di ko ginawa 😂. Fem wash na Betadine violet lang ginamit ko then yung perineal spray after hugas every wiwi nag sspray ako nun. Sa awa ng Diyos 1 week lang magaling na agad tahi ko, sa pupu naman po kain ka mi ng papaya hinog ayan lang nagpalambot tae ko, after 4days ako nakadumi... Pero wag mo iire

Magbasa pa

Wag daw maligamgam mi kasi may baka matunaw yung tahi mo lalot bago palang . Dapat yung galing lang sa gripo .den ang kainin mo yung nakakalambot lang ng poop .like lugaw,milk,milo,oranges,basta in one week wag ka muna kakaen ng nakakatigas ng poop para pag nagpoop ka dik mahirapan at wag daw pipilitin umire hayaan lang daw na kusa lumabas yung poop

Magbasa pa

Yung ob ko magaling pinag Perilight 2x a day ako nov 20 nanganak ako nov 22 pagka out ko sa hospital back to normal nako as in ang bilis nag hilom ng tahi ko until now wala akong iniinda na kahit anong sakit bilis makapag pa tuyo nyan pano direct nya tinutuyo tahi mo sa balat parang hindi nga ako tinahi eh hindi nag iwan ng marka

Magbasa pa

Betadine feminine wash lang every ihi gnawa ko then tap the tahi ng tissue as in tutuyuin mo para d sya mainfect or magnana. 1week okay na agad tahi ko then 10days nagpacheck ako sa OB fully healed na daw kahit umire ako sa pagpoops wag na daw ako matakot.

ako medyo ok na ung tahi ko medyo may bumuka na tahi pero sabi skin pag gumaling na , nag hilom na tyka daw ako balik para matahi ulit . hirap lang ako umupo ng matagal lalo na kapag matigas ung surface.

okay lang yan Mi. 1st week ganyan po talaga, masakit at mahirap gumalaw. Ako after 1 week pa naka poop. Take your meds lalo na yung mefenamic, malaking tulong sya para maibsan ang sakit.

same mi.. dec 20 ako nanganak, normal din. ansakit din tahi ko sobra kahit paglipat pwesto di ko magawa... :( betadine na femwash violet mami para mabilis matuyo daw.

2y ago

Mga mamsh yung betadine po na fem wash ihahalo po sa tubig yun tsaka ipanghuhugas. masyado po kasing matapang yun hindi pwede ilagay directly sa sugat

Ako po dahon ng bayabas na pinakuluan ginamit ko panghugas tapos inuupuan ko yung bagong laga para yung usok mapunta sa tahi. 1 week lang po magaling na tahi ko

Related Articles