Ilang weeks po bago gumaling yung tahi pag katapos manganak?any advice pano mas mabilis gumaling?
#Via normal delivery
Betadine feminine wash po legit 1 week nakakagalaw nako 1 cut pero na tear pa 4 na tahian nakalakad naman na din pauwe kinaya . Depende naman po yan sa tahi take lang ng antibiotic kapag may kirot sasabihin naman po yan ng midwife nyo sana makahelp
Ako po payo samin nun na mag take ng vitamin c para mas mabilis ang pag Hilom at dapat maganda ang circulation ng dugo Kaya inadvice samin mag lakad agad. Ayun okay naman sakin. Sa vitamin c uminom ako ng pineapple juice basta vitamin c
ako mga 3 mnths bago gumaling.. betadine wash gamit ko .. at yung pinakuluan dahon ng bayabas. mga gamot na niresita sakin tinuloy tuloy ko lang pag inom. yun lang. .. tiis lang tlga. Malaki kasi tahi ko. nung Feb lang ako NangaNak.
2 weeks lang magaling na akin. lagi lang ako nag huhugas di ako nag lalagay ng mainit as in sa gripo talaga , tsaka sabon lagi . , Pero maliit lang kasi tahi ko depende na siguro sa tahi yan e kaya 2 weeks gumaling na akin
Ako ang turo ng mama ko ay pausukan gamit mainit na tubig. Naglalagay kami ng mainit na tubig sa arinola tas umuupo ako hanggang sa mawala ang usok. 1 week nakakakilos na ko ng maayos.
legit to ganito rin ginagawa ko sabayan pa ng tubig na may dahon ng bayabas pang hugas napaka effective bilis gumaling ng tahi ko 1week lang magaling nako.
mabisa un tubig na mainit o maligamgam na may dahon ng bayabas mabilis makagaling ng tahi wala pang 1 linggo magaling kana.
In my experience, around 2-3 weeks. Nung makirot pa rin sya, nagprescribed ob ko ng Foskina.
pineapple juice.
Got a sweetest baby girl in my life.