Tiktik/Aswang/Wakwak Story

Bilang logical akong tao at millenial naman din, hindi ako nagpapapaniwala sa mga tiktik, aswang o wakwak kung anuman tawag sa kanila. Nung hindi pa ko preggy, nakakatulog pa ko ng bukas na bukas ang bintana at halos sobrang iiksi ng mga pantulog kasi mainitin ako. Nung malaman ko na preggy ako mga 6 weeks na tiyan ko nun, chill lang din ako at masarap pa din matulog. Normal lang, alam ko lang na preggy ako at excited ako tapos maaga na ko natutulog. Ayoko napupuyat para kay baby. Until one day, may isang kakilala na nagtanong sakin kung ilang months na tiyan ko? Going 3 months na ata ako nun if I remember it correctly. Tinanong niya ko kung wala daw ba nagpaparamdam na something sakin. Naguluhan ako kung anong something until she told me na nung buntis daw siya though hindi din siya naniniwala sa tiktik, yung kasama daw niya sa bahay laging sinasabi na may nadidinig daw na sounds na "tik tik tik" lalo na kapag gabi na. Tapos sinabihan niya ko na magsabit ng bawang, maglagay ng asin sa bintana, magsuot ng itim. Wala naman daw mawawala sakin kung maniniwala ako kahit ang motto ko talaga ay "to see is to believe". For my safety lang din daw. Natatawa pa ko during that time. Pero mula nung sinabi niya sakin yun, though hindi nga ako funnywalain, bigla akong nakaramdam ng takot not for myself but for my baby. (first time momshie here) Syempre kahit sinong momshies ayaw na mapahamak si baby di ba? So, ang tanong ko.. totoo nga ba na may tiktik? Kung meron nga, bakit wala nun sa America o Korea at dito lang sila sa Pinas naglalagi? Kung may nakaexperience na, please provide with video footage and interview sa tiktik. At kung may gustong magtiktik hunting, please magfb live naman po kayo para sa awareness ng ibang momshies at pakitanong sa tiktik during the interview kung .. 1. Bakit niya ginagawa yun? 2. Ano itsura niya pag nagmake up siya? No make up look ba niya yun? 3. Hindi ba siya mahal ng mama niya? Just for fun. Please tell me what's on your mind mga momshies. ?

117 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Lagay ka nalang ng bawang sa tabi mo pag matutulog ka then itim na shirt or kahit ano black na tela itakip mo sa tummy mo pag matutulog wg ka titihaya kasi mabango dw kasi ang mga buntis sa ganyan. Kaya ako kpag may naririnig ako s bubong nmin na kaluskos ng pusa iniisip ko pusa lang yun ayoko takutin sarili ko ksi once natakot na ko di na talaga ko makkatulog at pagpapawisan na ko ng malamig. Ugaliin mag pray before mag sleep at kpag di ako maktulog magpapatugtog lang ako ng mga hillsongs pra makatulog na ko. Better to be safe than sorry. 😊😊 Pero sa lugar dw nmin meron sabi ng bestfriend ko since madami ksi buntis sa lugar nmin siguro 9 kmi sa street nmin tas sa ibang street pa baka nahihirapan na mag house to house ung mumu. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Inischedule nlang niya sguro. πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†

Magbasa pa

Hindi din ako naniniwala until naranasan ko sya. 7 months preggy pa ako nun talagang hindi hindi ko makakalimutan yan. Lumabas ako ng bahay para sana magpahangin alam nyo na buntis laging naiinitan at iritable saktong nasa tapat ng bahay pinsan ko then nakipag kwentuhan ako sa kanyan tapos biglang out of nowhere may malakas na tunog na "ik ik ik" Nagkatinginan kami ng pinsan ko then yung kapitbahay namin napatingin din sakin tapos sinabihan ako na "Narinig mo yun? Pumasok ka na sa inyo" After ng nangyari na yun lagi ng may kalabog na malakas sa bubong namin kung saan natutulog kapatid ko. One time nilabas ng kapatid ko para silipin kung ano yung kumakalabog sa bubong ng madaling araw pagtingin nya malaking pusa lang. PS. Sa dito sa manila nangyari yan.

Magbasa pa

di din ako naniniwala jan sis pero sa 1st born ko naranasan ko yan. may katabi daw ksi kaming puno ng mangga tho dito kami sa navotas city lang. ung tunog na parang mahabang kuko na nag kukutkot parang nag hahanap ng butas sa kahoy na bubong. ganun nadinig ko for how many months nung 3months hanggang lumaki ata tyan ko. nakwento ko sa mga tyahin ko at simula non nag ani sila ng bawang sa bukirin nila sa bulacan at binigyan ako ng isang malaking plastic puno ng bawang. may gunting din ako lagi sa bintana na katabi ko sa higaan just in case daw. tapos ayun, araw araw ako nag sangag ng kanin nun kasi mahilig ako sa sinangag since madaming bawang, inabuso ko kaya ending non nawala agad breastmilk ko kakakain ng garlic rice. sorry baby. πŸ˜…

Magbasa pa

3months preggy here... dtu smin maaga mtulog mga pipz...gwing bukid kmi...s duluhan kea mga 8pm sarado n mga bhayan....dtu s haws 9pm tulog n mga tao cla.. c bro q nsa kwarto nya s itaas...ung kwarto xe nmin ni hubby s ibaba nung ky bro... around 10pm pnay kahol nung aso nmn... pti ung s kpitbhay nmin gwing bukid.. ndinig q c bro n bumaba pra pthimikin ung dog nmn...blis dn umkyat... kwento nya nung umga n merun xang nkita n prang pniki dw pero ms mhba ung pakpak... hlos sumabit nga dw s gilid ng bkod nmin... kea pla pti aso s bukid nglit xe umikot dw ppuntang bukid... bgla q nrealise 3 pla my mga buntis dn pla qng kpitbahai .. mula nun...twing 10pm mgulo n mga aso dtu...d n bumbaba c bro....πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Magbasa pa

Yung experience ko nman nung buntis ako mga 6-7weeks plng akong buntis, natulog ako sa sleeping quarter ng opisina nmin. Sa mga kwento kwentuhan my nagpaparamdam daw dun pero dahil super antok ako nun, natulog pa din ako. Habang tulog ako para akong binabangungot, di ako makagalaw tapos may babae sa my bandang ulo ko at parang inaabot nya yung tiyan ko. Pinilit kong gumising, pagbukas ng mata ko wala nmang tao. Lakas ng kabog ng dibdib ko nung time na yun. Then after few days, first check up ko at ultrasound. Sabi ng ob, sure na buntis ako pero walang heartbeat yung baby. After 2 weeks nagpaultrasound ako ulit pero ganun pa din ang result, walang heartbeat at hindi daw nag-grow si baby.

Magbasa pa
VIP Member

nung preggy ako grabe kalampog sa bubong namin every night, yung sobrang ingay talaga pero wala naman tunog ng pusa. minsan tinitignan ko pa yan sa bubong kaya napapagalitan ako ng asawa ko kasi nalabas ako ng dis oras ng gabi kasi marami kaming aso sabi ko baka aso namin nasa bubong nanaman (may daanan kasi sila papuntang bubong) . minsan nakikita ko may pusa sa gate pero di makapasok kasi siguradong lagot sya sa mga aso namin.. sabi ko baka pusa lang ng kapit bahay.. wala naman nangyari sa akin kahit na di ako naglagay ng bawang or whatever.. Pero napansin ko lang nung nanganak na ko waleys nang maingay sa bubong, wala na din yung pusa na laging nasa labas ng gate..

Magbasa pa
VIP Member

Ako ang sabi naman ng mama ko, wag na daw ako papaabot ng gabi sa labas ngayong preggy ako kaso bka.maamoy daw ako at sundan sa bahay.. Dahil mabango daw mga buntis sa mga aswang. Dahil laking probinsiya.mama.ko.marami sila experience don na.pinaniniwalaan nman namin.mahirap na nakakatakot dn although nasa modern na tyo ngayon..yung hubby ko nman di rn naniniwala pero takot dn sya syempre kaya naglagay siya bawang at asin sa mga bintana namin, sakto pa mnsan naiiwan kaming dalawa lng ng panganay namin sa bahay kasi mnsan late ma sya nkakauwi. Ayun. Share ko lng po mga.momshie.. Pray na lng din po tayo everytime natatakot tayo. God Bless us all!!!

Magbasa pa

One time yong kakilala kong momshie na buntis that time, may ate na nakakita ng tiktik sa bubong ng bahay nila. So after nun, lagi lang silang nagsasaboy ng asin sa labas pag gabi. Sa pinsan ko naman na recently lang buntis, meron din. Pauwi sila ng asawa nya galing bday tapos nakita nilang parang may malaking tao sa likod ng bahay nila, bigla nalang lumipad. As for me, wala akong exp during pregnancy kasi very cautious parents ko. So naglagay sila ng uling sa may bintana para di daw kami makita sa loob kahit may kurtina naman. Tapos may bawang pa tsaka luya tapos lubigan na parang luya din pero malakas daw pangotra ng aswang. Daw. Hahaha.

Magbasa pa

ako, d dn tlga nniwala nun kc normal n ksbhan kc kpg buntis dto samn(batangas ) pero nung nbuntis ako, prng nniwala ako bgla kc nung mlmn ko bntis ako kpg gbi lagi kmi my nriring n kaluskos nung una prang d nmn nkktkot kc bka ngaun lng kmi ngng aware dhil nga bntis ako pero nung lagi n sya my kumakaluskos tpos bglang ng-iingay ung pusa or mnsan nsa my bntana nmn ntkot n ko, kya nmn pngawa ng byenn ko pnlgyan nya ng mga rosary ung bntana nmn ska bwang n dn tas evrytime mggcng ako pra mg -cr ksma ko bf, mjo creepy isipin kung totoo nga pero im sure nmn bsta lgi lng mgpray mkk-iwas tau sa kung ano mn un at kung totoo mn tlga un.😊

Magbasa pa

Dati ndi dn aq naniniwala jan pero kz nkktakot para kay baby.. Nkaexperience kmi ni hubby mg hapon nmn ndi n kainitan ndi pa malaki chan q q nun nglalakad lakad kz kmi ni hubby kz hnap aq pagkain taz nung paglabas nmin s eskinita my babaeng ndi p katandaan nkatingin dw sakin sv ni hubby, ngiting ngiti.. Nung tinignan q nkangiti nga xa ndi naalis ngiti nya kya kmi dali dali nlng nglakad palayo.. Eh ndi dn nmn nmin xa kilala n tga d2 samin.. Ang wierd.. Taz kinwento q s mama q bka dw aswang un at naamoy ung chan q, mabango dw kz ang mga buntis s knila.. Kya dpat dw tatakpan ng itim n tela ung chan o kaya dala pangontra..

Magbasa pa