Tiktik/Aswang/Wakwak Story

Bilang logical akong tao at millenial naman din, hindi ako nagpapapaniwala sa mga tiktik, aswang o wakwak kung anuman tawag sa kanila. Nung hindi pa ko preggy, nakakatulog pa ko ng bukas na bukas ang bintana at halos sobrang iiksi ng mga pantulog kasi mainitin ako. Nung malaman ko na preggy ako mga 6 weeks na tiyan ko nun, chill lang din ako at masarap pa din matulog. Normal lang, alam ko lang na preggy ako at excited ako tapos maaga na ko natutulog. Ayoko napupuyat para kay baby. Until one day, may isang kakilala na nagtanong sakin kung ilang months na tiyan ko? Going 3 months na ata ako nun if I remember it correctly. Tinanong niya ko kung wala daw ba nagpaparamdam na something sakin. Naguluhan ako kung anong something until she told me na nung buntis daw siya though hindi din siya naniniwala sa tiktik, yung kasama daw niya sa bahay laging sinasabi na may nadidinig daw na sounds na "tik tik tik" lalo na kapag gabi na. Tapos sinabihan niya ko na magsabit ng bawang, maglagay ng asin sa bintana, magsuot ng itim. Wala naman daw mawawala sakin kung maniniwala ako kahit ang motto ko talaga ay "to see is to believe". For my safety lang din daw. Natatawa pa ko during that time. Pero mula nung sinabi niya sakin yun, though hindi nga ako funnywalain, bigla akong nakaramdam ng takot not for myself but for my baby. (first time momshie here) Syempre kahit sinong momshies ayaw na mapahamak si baby di ba? So, ang tanong ko.. totoo nga ba na may tiktik? Kung meron nga, bakit wala nun sa America o Korea at dito lang sila sa Pinas naglalagi? Kung may nakaexperience na, please provide with video footage and interview sa tiktik. At kung may gustong magtiktik hunting, please magfb live naman po kayo para sa awareness ng ibang momshies at pakitanong sa tiktik during the interview kung .. 1. Bakit niya ginagawa yun? 2. Ano itsura niya pag nagmake up siya? No make up look ba niya yun? 3. Hindi ba siya mahal ng mama niya? Just for fun. Please tell me what's on your mind mga momshies. ?

117 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mula nung first baby cu nde acu nani2wla pro ng ipanganak cu cea na kulang sa buwan at patay na ng ilabas cu Dun acu naniwala kc sbi nila inaswang dw acu at ung baby cu..5pm nkaramdam acu ng lagnat ung tipo uminit buong katawan cu 7pm sumakit balakang cu tas my nari2nig acu sa labas ng bahay na nde nari2nig ng mga kasama cu hanggang sa 10pm prang pu2tuk na panubigan cu at dali2x acu cnugud sa hospital pagdting nmin dun at pgkahiga cu sa emergency pmutuk na nga sabay takbo nla acu labor room hanggang sa ineri cuna c baby deritso labas at wla ng buhay..double ingat mga momshi pra sa baby natin

Magbasa pa

Minsan May mga sign yan sis ako naniniwala ako sa ganyan gaya nalang sa province nmin dati May mga student na maliligo may matandang nagpakita sa knila ang sabi delikado may mamamatay ung mga student nagtawanan xempre kahit ako matatawa anong malay nia Kung anong gagawin ng mga student dun ,tapos naligo ung mga student sa ilog lahat po sila namatay isa lang ung natira sinbi nia na May nasalubong daw cla na matanda na nagbawal sa knila pero parang baliw lang daw ung matanda kaya tinawanan lang nila,, kaibigan Ko Ung isa sa namatay kaya dko po ito ikukwento Kung di totoo.

Magbasa pa

naalala ko tuloy hubby ko... hihi 1st baby nmen to...kea ingat n ingat nya ..im 6 months preggy now.. pag nasa mom q aq.. lage nya bilin sara ng auz ang bintana.. maglagay ng asin at bawang... kht natatwa kme ni mama kac di nman kme sa bukid nkatira..ginwa q nlng ..la nman mawawala ihh..taz now andto q sa knila... dame bawang at asin sa bintana ng rum nmen..hihi taz lage xa alerto sa mga kaluskos.. medjo mi mapuno kac malapit dto sa knila... hmmnn..hinahayaan q nlng xa...pra din nman sa safety nmen ni baby ihh... happy nga aq kac ganun xa kaalaga..hihi

Magbasa pa

I'm 6 weeks pregnant and ayaw ako pasamahin ng mom ko sa team building sa galera. I asked her bakit eh safe nman yung byahe, sabi niya hndi siya sa byahe magwoworry eh sa tiktik daw kasi mabango daw ang buntis. My mom is a Bicolana and na experience na nila yun before not sa knya pero sa mga ate niya. Hndi nman daw yung tipong napapanood sa mga movies na horror pero minsan lalapitan ka ng hndi mo alam tiktik or aswang na pala yun. Later on, duduguin ka. Not sure kung totoo pero, natakot na ako for my baby. I decided not to join the team building.

Magbasa pa

Natatakot tuloy ako. Kaya pala ung asawa ko, paglipat kasi nmin kina mama wala p aircon kaya init n init ako, preggy ako nun 3months. Kahit sobrang init gusto nya sarado bintana tas binubuksan ko ulit nagagalit sya. Kaya sa sala nlang kami natutulog, ngayon may aircon na pwede na sarado bintana, ngyon nabasa ko to kinonfirm ko sa asawa ko kasi laki syang province. Sabi nya totoo daw un, marami daw nabiktima sa province nila. Ayaw na nya ikwento details baka mastress daw ako, pero ngaun takot ako gusto ko magsaboy ng asin sa buong bahaaay

Magbasa pa

Ganyan din aq sis. Never naniwala. Going 6months preggy na aq ala naman aqng naririnig na kahit anu, bukas din ang bintana q sa gabi kc mainit. Until dumating ung kapatid na buntis ng kasama q sa bahay, tas nong nanganak siya, kinagabihan, may naririnig daw syang nagtitiktik, aq daw ung tinitiktik, since non natakot na aq, maaga q ng sinasara bintana, may asin bawang at bala sa may bintana q pra protection daw. Higit sa lahat sa Prayer pa din aq kumukuha ng protection namin ni baby. First time mom. Ingat tau mga momshies🙂🙂

Magbasa pa

ako di naniniwala kasi wala nman ako na ririnig tuwing gabi nung buntis ako sa baby ko, pero yung asawa ko naniniwala sya... naglalagay sya ng kung ano ano sa bintana, pinto at bubong nmin noon... kasi may naririnig daw sya.. tapos nung pinanganak ko na si baby, sabi nila, pwede pa rin daw matiktik kahit lumabas na kasi daw mas madali daw na makain ang kululuwa ng baby na pinanganak na kesa nasa tyan pa lng.. ..sinunod ko nlang asawa ko nun, at di ako natutulog kpag gabi kasi binabantayan ko yung tiktik 😅😅

Magbasa pa

ako irr ko province of mindanao.. my mga ganun dw sabi tita ko.. pero as of now 10weeks preggy ako wala naman ako naririnig or nagpaparamdam na something na ganun.. naka open pa bintana ko kasi fresh air galing sa bukid.. di kasi ako naniniwala sa tiktik.. tingin ko imagination lang cla.. once kasi iniicp mo may ganun.. un ma feel mo at tatakbo sa utak mo.. advice lang mga momshie's pray lang tau palagi kay Lord.. cia lang paniwalaan naten at d ung mga hear says na d pa napapatunayan para iwas stress😁

Magbasa pa

naniniwala ako sa kanila, nakita man o hindi. Walang masama din maniwala kahit hindi totoo. Pero just sharing my experience, hindi siya tiktik pero aswang. Nasa ibang bahay kasi nun para malapit sa ospital, and balitang aswang ang kapitbahay namin. May isang gabi (after panganak ko) may naririnig akong "WAK WAK" its not a bird call pero more like whisper siya ng tao na raspy ang boses. Sabi sabi nila na pag mahina ang call, nasa malapit daw ang aswang at pag malakas naman ay nasa malayo. Just Sharing.

Magbasa pa

Hndi din ako naniniwala pero sympre iba pa din tlga pag may baby ka sa tyan.wala ako kasama matulog and natatakot ako mag isa kaya nagpapabebebe ako sa kanya. Sabi ko pa pano kung may tiktik pero pabiro lang naman. Si hubby ko gy kasi that tym.. Natawa ako kasi inabutan nya ko ng bawang itabi ko daw sa pagtulog😂.. Tapos nilagyan nya ng asin yung pintuan nmen saka bintanan.. Pati dun sa butas na lagayan dapat ng aircon na tinakpan lang nmen ng karton... Naglagay sya ng butil ng bawang🤣

Magbasa pa