Naniniwala ba kayo sa aswang/tiktik?No to bashing please … worried lang ako . kada 3am na lang kasi

Nagsimula ito 2 weeks ago, currently 19 wks na si baby ko sa tummy … Province namin ay Nueva Ecija , sentro naman dito sa amin pero dulong bahay and madaming puno sa paligid (see picture of tree na katabi ng kwarto ko sa 2nd floor) Na papansin namin every 11pm-12am tumatahol yung alaga naming aso sa bahay ,which is before ako ma preggy hindi naman , to think dulong bahay na kami so hindi talaga daanan dito sa amin. And I’ve experienced 2 times na makarinig ng magkaibang sound na neto ko lang narinig. First time(a week ago) : Tok-Tok-Tok-Tok (2 times very subtle lang) Time: 2:50am Grabe yung kaba ko mga maamsh , tapos sabay pa na si baby ko parang uneasy sa tyan ko … 2nd time: (nung isang gabi lang ) Tik-Tik-Tik-Tik (Hindi po siya tunog ng butiki dahil iba yung mismong sound niya sa personal) Time: mag ti 3 am din Tumatahol yung aso namin na parang May hinahabol , then pati sa kapitbahay. Then kagabi, around 2:50am tumatahol nanaman aso namin , nawala sandali then saktong 3 am Meron nanamang tinatahulan, Mabilis ako magising momsh sa simpleng kaluskos lang or tunog, lalo na nararamdaman ko si baby sa tiyan ko na galaw ng galaw pag ganung oras . May bawang at asin na kami both sa bintana , then may bawang sa mismong damit ko sa bandang pusod … Does anyone here experience the same ? Paano ninyo po shinoo away yung mga ganyan , nakakapraning kasi ! 🥹 TIA❤️

Naniniwala ba kayo sa aswang/tiktik?No to bashing please … worried lang ako . kada 3am na lang kasi
11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi! I'm also from NE 🤗 Though di ko na experience yung aswang but naniniwala ako kasi nakakita ako noon and during my pregnancy may tumambay na itim na pusa sa garahe namin na never kong nakita. Syempre, out of curiosity nagsearch ako about black cats pag may buntis sabi nag iibang anyo daw sila 😅 Ako yung taong di mahilig sa mga ganyan kahit nakakita ako ng aswang tsaka nakatuling din sguro yung faith ko kay Lord kaya di ako masyadong bothered. Naglagay lang din Nanay ko ng bawang at asin sa kwarto ko, take note ako lang po mag isa sa bahay, minsan lang ako may kasama. Tas may time na nakikipag titigan sakin yung pusa na parang usually na gnagawa ng pusa then one night po palabas ako sa kitchen ng bigla ko nakita yung pusa as in ang lapit niya sakin tas ang laki ng mata ng eyes niya, ganon pala kako mata ng pusa sa gabi 😂 Tas after 6mos nawala na siya. Hanggang ngayon di ko na nakita hehe. Siguro, mag pray lang po kayo. Palakasin nyo pa faith nyo kay Lord. Lalo na pag maggising kayo ng 3am. Mag dasal po every night. Napaka powerful po nito. Sorry napahaba 😂

Magbasa pa
2y ago

Salamat ng marami mommy! Ingat po tayo always! 🥹

Sali ka mi sa Lets Takutan Pare group sa fb hahahaha sobrang daming kwentong aswang sa mga buntis. Tuloy ngayon konting kalabog nagigising ako. Taga city ako as in city sa manila hahaha di pa ko buntis palagi na may nagkakalabugan sa bubong namin pag dis oras na ng gabi. Lokohan nga namib runway siguro ng manananggal tong bubong namin hahaha. Ngayong buntis ako meron pa din pero mas naging bihira. Mga tip don sa group mi mag saboy daw ng asin sa paligid bago mag dilim. Kung kaya hanggang bubong. Tapos mag sunog ng kahit maliit na goma lang. Tapos pag narinig mo daw na may something, sisigawan at mumurahin nyo daw tapos sasabihan nyo ng "kilala ka namin, wag ka ng babalik dito" usually daw di na bumabalik talaga. Sa pinto nyo mag tayo ka ng walis tingting. Tapos if kaya na may malapit sainyo na kutsilyo or basta matalas na gamit all the time but of course be very careful sa pag tabi. Hindi ko din alam kung maniniwala ako sa ganyan pero wth, pano kung totoo diba hahahaha

Magbasa pa
2y ago

Oo nga mommy! Mas okay na mag Ingat all the time , thank you po!!! 🥹

Not sure mi kung totoo pero better safe than never ☺️ dagdag ka lang mi ng prayers bago mag sleep pag pray mo din si baby. Di ko alam kung tiktik or aswang din ung sakin before papasok naman ako non ng 2nd trimester. Although parang bangungot naman ung akin. Girl sya, ma ugat parang sunog na mapula ang balat mahaba ang kamay at kuko hinhawakan nya si baby i mean ung tyan ko. 2 straight days un then pinray over ako ng sister ko, naglagay din ako ng bawang na talop at asin sa bed namen. So far nawala na naman sana wag maulit. Pero ung pattern ng pag gising ko same ng sayo every mag 3am nagigising ako. Di ko din alam kung bakit. Mabuti night shift ang asawa ko kaya monitor nya ako kapag bumangon ako ☺️

Magbasa pa
2y ago

Ingat tayo Lagi mommy! Yes mommy, prayer is the best weapon! 🥹 Salamat po!

maliban sa di mapakali, sobrang init sa pakiramdam pag ganyan. base lang sa na experience ko last week. liblib din kasi yung barangay namin dito sa bicol and kung sa experience naman ng sister ko na nagduduty as midwife sa health center, may ganyang case din tuwing may nanganganak ☺️ for peace of mind na lang din siguro kung mag lalagay ng bawang or asin sa may bintana or malapit sa tummy. di rin naman masama mag ingat sa mga unknown creatures

Magbasa pa
2y ago

True mommy!parang biglang aalinsangan Kahit malamig ang panahon🥹

Sa pananaw ko Po Isa lang Po ung ibon. nkarinig Po me nun nung grade 3 aq, nag overnight kmi sa bahay ng tita ko, bale kming dlawa ng pinsan ko Ang nkarinig. ganun din Po around 3am. madaling Araw gumagala ung ibon. may buntis Po noon sa kapitbahay Namin pero Wala nmng nangyare sa kanya. teenager na Po ung anak nya now. anyway just keep on praying and believing to Jesus Po, mas naniniwala Po me KY Lord. 💗

Magbasa pa
2y ago

Salamat po mommy!🥹

Sa asawa q po pag pa tak palang ng 5pm sarado na mga pinto nd bintana kht po eihi sa kwarto na din sya na ihi sa arenula. Tapos ka pag po maingay sa gabi aso nmin sa sunod na gabi nagpapa usok po ako sa buong paligid ng bahay lalo na sa kwarto nmin para dpo sya má amoy pwd rin po ang guma sa gabi mgpapa usok po asawa nyo sa buong paligid ng bhy nyo Kč isa dw po yun sa ayaw na ayw nila na amoy

Magbasa pa
2y ago

Mgtabi po kau ng matalim sa higaan nyo maganda grunting na pula. Layo nyo lng po sa di kau matutu šok nd mgpa usok po kau para d kau amoy

Naniniwala ako sa aswang, kahit dito po sa Caloocan, meron. Sa first baby ko laging may bumabagsak na malalaking pusa sa bubong na katapat ko at may kakaibang sounds sila. Tapos nung nanganak na ko, first 2 days ni baby sa bahay may ibon sa bintana namin. Buti na lang red curtain namin para di raw makita kami ng aswang sa loob.

Magbasa pa

Best din po maglagay ka ng dahon ng kalamansi sa may bintana momsh. Takot daw yan sila sa dahon ng kalaminsi. Sa kwarto ko may tanim ngang kalamansi pati sa labas ng terrace namin meron

2y ago

Aw Sige mommy. Salamat po!🥹

Same tayo kaya sa ate ko muna ako nakatuloy ngayon dahil wala ako kasama. Kita ko mismo yung pula na mahaba na naangat sa bubong namen tas sabay tumigas tyan ko.

2y ago

Alla Grabe! Ingat always mommy!🥹

maglagay Ka nang luya sa damit mo before Ka matulog momsh

2y ago

Salamat mommy!❤️