Tiktik/Aswang/Wakwak Story

Bilang logical akong tao at millenial naman din, hindi ako nagpapapaniwala sa mga tiktik, aswang o wakwak kung anuman tawag sa kanila. Nung hindi pa ko preggy, nakakatulog pa ko ng bukas na bukas ang bintana at halos sobrang iiksi ng mga pantulog kasi mainitin ako. Nung malaman ko na preggy ako mga 6 weeks na tiyan ko nun, chill lang din ako at masarap pa din matulog. Normal lang, alam ko lang na preggy ako at excited ako tapos maaga na ko natutulog. Ayoko napupuyat para kay baby. Until one day, may isang kakilala na nagtanong sakin kung ilang months na tiyan ko? Going 3 months na ata ako nun if I remember it correctly. Tinanong niya ko kung wala daw ba nagpaparamdam na something sakin. Naguluhan ako kung anong something until she told me na nung buntis daw siya though hindi din siya naniniwala sa tiktik, yung kasama daw niya sa bahay laging sinasabi na may nadidinig daw na sounds na "tik tik tik" lalo na kapag gabi na. Tapos sinabihan niya ko na magsabit ng bawang, maglagay ng asin sa bintana, magsuot ng itim. Wala naman daw mawawala sakin kung maniniwala ako kahit ang motto ko talaga ay "to see is to believe". For my safety lang din daw. Natatawa pa ko during that time. Pero mula nung sinabi niya sakin yun, though hindi nga ako funnywalain, bigla akong nakaramdam ng takot not for myself but for my baby. (first time momshie here) Syempre kahit sinong momshies ayaw na mapahamak si baby di ba? So, ang tanong ko.. totoo nga ba na may tiktik? Kung meron nga, bakit wala nun sa America o Korea at dito lang sila sa Pinas naglalagi? Kung may nakaexperience na, please provide with video footage and interview sa tiktik. At kung may gustong magtiktik hunting, please magfb live naman po kayo para sa awareness ng ibang momshies at pakitanong sa tiktik during the interview kung .. 1. Bakit niya ginagawa yun? 2. Ano itsura niya pag nagmake up siya? No make up look ba niya yun? 3. Hindi ba siya mahal ng mama niya? Just for fun. Please tell me what's on your mind mga momshies. ?

117 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

di din ako naniniwala jan sis pero sa 1st born ko naranasan ko yan. may katabi daw ksi kaming puno ng mangga tho dito kami sa navotas city lang. ung tunog na parang mahabang kuko na nag kukutkot parang nag hahanap ng butas sa kahoy na bubong. ganun nadinig ko for how many months nung 3months hanggang lumaki ata tyan ko. nakwento ko sa mga tyahin ko at simula non nag ani sila ng bawang sa bukirin nila sa bulacan at binigyan ako ng isang malaking plastic puno ng bawang. may gunting din ako lagi sa bintana na katabi ko sa higaan just in case daw. tapos ayun, araw araw ako nag sangag ng kanin nun kasi mahilig ako sa sinangag since madaming bawang, inabuso ko kaya ending non nawala agad breastmilk ko kakakain ng garlic rice. sorry baby. 😅

Magbasa pa