Tiktik

Bilang laki sa maynila hangang myth at kwento lang ng matatanda yung naririnig ko sa tiktik at aswang. Same with husband. Di sya naniniwala. Pero 2:30am kanina Nagising ako bigla kase sumisigaw asawa ko "Umalis ka jan papatayin talaga kita" Nakahawak asawa ko sa tyan ko. Anlakas ng tahulan ng mga aso. Sabi ng asawa ko naririnig daw nya "tik tik tik" kitang kita ko sa muka nya yung shock di daw sya makapaniwala totoo pala. Nasa tabi lang ng bintana namin. Tapos yung mga pet lovebirds ng kapitbahay napaka ingay bigla. So ginawa ko yung sabi ng matatanda na balutin ang tyan ng pinaghubaran na tshirt ng asawa ko. Mamaya budburan ko ng asin yung bintana. Mahirap na. 6mos na tyan ko pag 6mos onwards daw napakalakas daw ng amoy ng amniotic fluid ng buntis. Matamis sa pang amoy ng aswang. Yun lang share kolang na di masamang maniwala. To hear is to believe muna sa ngayon haha narjnig palang namin e.

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa akin naman wakwak. First tri ko, sa bukid ako tumira sa papa ko for 2 months. Wala kaming kapitbahay. Pero malapit sa highway bahay namin. Mga less than 10 minutes lang papuntang baryo. Alas 6 ng gabi, tapos na kami maghapunan. Nasa baranda kami lahat nakaupo habang nakatingin sa madilim na paligid at kalangitan. Walo kami nakaupo sa beranda ng biglang humuni wakwak sa may likuran ko parang dalawang dipa lang ang layo. Bigla akong napasigaw at napatayo. 2 minutes ago, narinig pa namin sya sa malayo. Kinausap ng papa ko sabi nya, kilala kita kung sino ka at wala kaming ginagawang masama sayo kaya wag ka rin gumawa ng masama. Buti nalang, kada gabi, nagsusuot ako ng maitim na damit at rosary. Tapos yung sa kwarto ko naglalagay ako ng bawang at asin sa bintana. Naglalagay din ako ng bawang sa ilalim ng unan ko at sa gilid ko sa may dingding banda. Kasi daming kulisap at ibon humuhuni pag hating gabi. Tapos nagigising ako mga 2am or 3 pumapapak ng biscuit dahil nagugutom ako. Mga ganyang oras ako nalang ang gising tapos marami akong naririnig na humuhuni sa paligid. Mga kasama ko humihilik na. 😪

Magbasa pa
5y ago

Tapos yung inn na pinag stayhan namin, madaming malalaking puno. Hindi ko alam nun 2 weeks na pala akong buntis. Mas, madami pa akong narinig na tiktik dun kesa sa amin.

Eto true story to sa Lugar namin. Nahuli ng ka BRGY NAMIN ung aswang . ou ung aswang mismo . tinali panga sa ring at susunugin sana . dito lang un sa qc ngyare . matagal na bata pa ako nun. Pero totoo talagang nang yare un na muntik na nilang sunugin pero sabi di naman daw susunugin un panakot lang dun sa aswang na babae . sabi nya pag nakakakita sya ng buntis parang salamin daw ung tiyan. Kitang kita nila ung baby . amoy na amoy daw nila yan sobrang bango daw . tapos nung sinabihan nilang susunugin sya . nagalit ung Babae na tinali . nag banta na babalik daw sya . hindi lang daw sya . isang barko daw sila. Kaya ang ginawa ng mga taga samin pinabalik nalang sa probinsya nya. Ung kaibigan ng babae nayun nasa lugar parin namin until now . pero di daw sya aswang. Palakaibigan kasi un ung si ate monay. Nung una di nya alam na aswang un pero nung nagulat sya ung taga samin na buntis nalaman ng kaibigan nya ung gender tsaka ung posisyon ng bata . dun na nalaman nya na aswang ung babae. Kasi panay sabi mabango mabango daw mga buntis ... Yan lang po 😊😊

Magbasa pa
VIP Member

Yes totoo po ung mga aswang , pero hindi pa ko nakakakita , pero si lola at lolo pati tita ,papa ko at mga tito laking probinsya , nakakita na daw sila ng ibat ibang aswang ,tiktik, mga.mahiwaga daw sa gubat . Wala pong masama kung maniniwala tayu . Nung 7-8 mos ako nun , lagi masakit tyan ko puro kasi puno , kaya sabi nya lagyan ko daw ng bawang yung tyan ko at maglagay daw ng asin sa bintana at pinto . Tapos madalas may mga gamogamo sa tapat ng bahay namin at sa mismong tapat ng pinto lang namin meron , (parang apartment kasi bahay namin tabi tabi pero studio type sa loob .) mismong tapat lng meron . But thankful ako wala.namn nangyare 1 mos. Na si lo ko ngayun ☺

Magbasa pa
VIP Member

sis ung walis tingting niu ibaliktad mo lagay mo s pinto tsaka maglagay ka din ng tatlong pirasong walis tingting tali mo lagay mo s tabi mo lang bago matulog . mag saboy ka n din ng asin sa my bintana at bubong niu . tsaka if my time ka sis gawa ka ng ganto ung nsa pic lagyan mo ng asin n nsa plastic tapos isang pirasong bawang isang luya at lumang 25 cens.effective sakin yan sis . lagay mo sa telang pula tahiin mo.sabit mo lagi sau.naranasan ko din kc yan samin laging my nag lalakad sa bubong twing gabi hnd ako makatulog ng maaus nian pero naun nakakatulog n ko maaus.

Magbasa pa
Post reply image

Luh. Ako din hindi ako naniniwala nung una. Hindi ko pa alam na buntis na ako nun. Tapos lagi ako nakakapanaginip na buntis ako tapos may aswang sa bintana pero hindi sya makapasok kc yung tatay ko nakaharang sa may bintana namin. Pang gabi kasi asawa ko nun kaya madalas ako lang mag isa sa gabi. Nagiging ako na ganun nga nakikita ko yung tatay ko sa may bintana nakatayo. Pero yung tatay ko 3 yrs nang patay. Salamat sa tatay ko kahit wala na sya ginagabayan pa din ako 😭😭😭

Magbasa pa
5y ago

🤣 nakaka aning minsan

TapFluencer

Totoo yan kse nung buntis ako sa 2nd baby ko sa Cavite pa kmi nkatira sa haus ng ate ko mula 1am magigising ka kse me nalakad sa bubong nila i was 5 mos that time and palakad-lakad lang un sa bubing gang 4am.Me kapitbahay silang nagsabi na me nakitang hayop na malaki na nasa bubong ng bahay,after that dinugo na ko.Buti natakbo agad sa hospital and na-prevent na makunan ako.It lasted for how many months na me sumasampa sa bubong between 1am to 4am,nawala lang nung manganak na ko.

Magbasa pa
5y ago

Sa Dasma ang ate ko sa Area I ,iba2 n kase nakatira don galing sa ibang province kya daw me aswang na.

Totoo yan momsh ung iba hindi nila alam na inaaswang na pala cla.magsuot ka ng black sa gabi para hndi makita ng aswang ung tyan mo,lagay ka din ng bawang at asin sa bintana,aq nman nag papahid ng kalamansi sa tyan b4 matulog.ingat din aq kc nkakaramdam aq lalo nung mga 2-3 months pa lang tyan q. Binabangungot aq may asong malaki sa kama hndi aq mkagalaw.

Magbasa pa

Ako kasi simula sa panganay ko at ngayon sa pangalawa ko lagi pakong nakahubad sa gabi kasi mainit at malapit ako sa bintana wala naman ako karanasan na ganyan may mga aso din kami pati aso namin di naman nag iingay sa gabi o madaling araw. Pero minsan pag may nag sasabi sumusunod nalang ako😅

5y ago

Uo sis ganyan ako pero wala naman kami nararamdaman na nang aaswang

very true sakin mismo pinupuntahan ako 1-2am kya bumili ako buntot pagi inilagay s binta at lagi nkatakip n itim un tyan ko pg mtulog,, taz kinausap ko wg galawin bby ko kasi parehas tayo taga rito lng,, lagi me bawang at asin s kwarpo at s labas bahay,,ngppainsenso rn ko s hapon,

VIP Member

Hala kinikilabutan tuloy ako 😱 kc dami ko din nrrinig na kwento nyan sa mga kaibgan ko pa. Pero d ako naniniwala. Halaaa!! Ntatakot tuloy ako. Kc ung bntana namin me butas na ung net 😱 tpos jalousie na 😭😭😭 di nko mtutulog mmya mgbbanty nlng ako sa bntana 😅