Tiktik/Aswang/Wakwak Story

Bilang logical akong tao at millenial naman din, hindi ako nagpapapaniwala sa mga tiktik, aswang o wakwak kung anuman tawag sa kanila. Nung hindi pa ko preggy, nakakatulog pa ko ng bukas na bukas ang bintana at halos sobrang iiksi ng mga pantulog kasi mainitin ako. Nung malaman ko na preggy ako mga 6 weeks na tiyan ko nun, chill lang din ako at masarap pa din matulog. Normal lang, alam ko lang na preggy ako at excited ako tapos maaga na ko natutulog. Ayoko napupuyat para kay baby. Until one day, may isang kakilala na nagtanong sakin kung ilang months na tiyan ko? Going 3 months na ata ako nun if I remember it correctly. Tinanong niya ko kung wala daw ba nagpaparamdam na something sakin. Naguluhan ako kung anong something until she told me na nung buntis daw siya though hindi din siya naniniwala sa tiktik, yung kasama daw niya sa bahay laging sinasabi na may nadidinig daw na sounds na "tik tik tik" lalo na kapag gabi na. Tapos sinabihan niya ko na magsabit ng bawang, maglagay ng asin sa bintana, magsuot ng itim. Wala naman daw mawawala sakin kung maniniwala ako kahit ang motto ko talaga ay "to see is to believe". For my safety lang din daw. Natatawa pa ko during that time. Pero mula nung sinabi niya sakin yun, though hindi nga ako funnywalain, bigla akong nakaramdam ng takot not for myself but for my baby. (first time momshie here) Syempre kahit sinong momshies ayaw na mapahamak si baby di ba? So, ang tanong ko.. totoo nga ba na may tiktik? Kung meron nga, bakit wala nun sa America o Korea at dito lang sila sa Pinas naglalagi? Kung may nakaexperience na, please provide with video footage and interview sa tiktik. At kung may gustong magtiktik hunting, please magfb live naman po kayo para sa awareness ng ibang momshies at pakitanong sa tiktik during the interview kung .. 1. Bakit niya ginagawa yun? 2. Ano itsura niya pag nagmake up siya? No make up look ba niya yun? 3. Hindi ba siya mahal ng mama niya? Just for fun. Please tell me what's on your mind mga momshies. ?

117 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Haha. Cute mo . Naalala ko sabi ng tita ko maglagay lang daw ako ng asin ba malapit sa akin.. pag namamawis daw o namamasa yun asin may nagtitiktik daw sakin.. Natawa pa ko nun. PERO yun stepmom ng husband ko.. nakatira sila sa Cavite naka encounter sila ng tiktik o manananggal? Gusto ko sana itanong sa asawa ko kaso wala dito sa bahay e. Hehe. maliit pa lang asawa ko nun.. Stepmom nya mismo nagkkwento sakin kasama sya.Matagal na nakwento skin kaya medyo hindi na malinaw sa isip ko yun buong pangyayari. D pa ganun kaayos bahay nila at may mga puno puno pa.. talagang parang naglalaway daw yun pader nila at maingay daw. Naririnig daw talaga nilang parang may tao sa bubong nila. hina hunting daw nila maige kasi syempre natakot din daw sila.. pero habang nangyayari daw yun nagpapatugtog daw sila ng malakas ng christian songs.Puro pray lang daw si stepmom.Parang lalo daw hindi napakali yun hinahunting nila.. tas napansin nila yung punong malapit sa bahay nila medyo nakalundo na.. nakakapagtaka diba? Yun puno parang dinaan ng bagyo. Yun sa kaka hunting nila hindi pa din talaga nila nakita.. Pero may aso napakalaki daw ang nakita nila na ngayon lang nunon lang nila nakita. Parang yun dati ko ding kakilala.. Buntis daw sya. Sobrang gabi na nakabukas pa pinto nila yun asawa nya tulog na. May napansin daw syang asong ang laki daw talaga kumpara sa iba na nuon lang din daw nya nakita. Ginising daw nya asawa nya.. maya maya yun aso lumapit sa pinto gustong pumasok .. Pero syempre nagawan ng paraan ng asawa nya na hindi makapasok yun aso. Sobrang nakakatakot. Bakit kaya may mga ganun aso?... Pero based on my experience.. puro matandang babae ang nagpaparamdam.. katulad na lang na dalawang beses ako naka encounter na matanda nung pauwi na kami ng mister ko dito sa amin galing panggasinan (dahil pinagpaalam nya ko sa nanay ko na papakasalan nya na daw ako at 3 mos preggy na ko) na parang laging nakamasid sakin at isang matanda pa na bigla na lang sumakay sa bus pero mukhang madumihin pa at may dalang tungkod at sako. Katabi ng inuupuan ko... may pagkakataon na napapatingin pero keber ko na lang. Pero bigla akong napaisip at pinagpawisan ng malamig nung bumaba na kami sa balintawak .. nakasunod din pala syang bumaba.. babalewalain ko na sana kaso nung nilingon ko sya .. hindi sya naalis sa pwesto nya at nakatingin lang sakin. At etc.

Magbasa pa

Mag pray ka lang palage😊. Hindi rin ako naniniwala sa mga ganyan dati until napreggy ako at the age of 20, lagi din bukas yung mga pinto at bintana since mainit dito sa lugar namin (laguna) at lagi rin patay yung ilaw sa kwarto kasi di ako nakakatulog ng lights on. Nung nagkaroon na ko ng baby bumps i forgot kung ilang months na tiyan ko nun lagi ng may kumakaluskos sa bubong namin at first hindi ko talaga pinapansin kasi di nga ako naniniwala, nakakatulog pa nga ako ng mag isa sa kwarto nun, yung mama at papa ko kasi sa sala natutulog and yung hubby ko naman is call center agent so (night shift). Inobserve ko lang yung kumaluskos sa bubong namin then nung tumagal ng 1 week na ganun pa rin nangyayare at laging ganun time nag iingay sa bubong at isa pa laging sa tapat ng pwesto ko sya kumakaluskos nagtaka nako. Nagsabe nako sa hubby ko and ang naging set up tuloy pinapatabi niya na sa akin matulog si mama every night na wala siya at tuwing rest day niya hindi siya natutulog ng malalim, nakabukas ilaw at binabantayan niya ko (concern na concern kasi kay baby) dahil perstaym mom and dad din kame so safety ni baby ang laging inuuna❤. And then tumagal yun ng ilang buwan hanggang sa nasanay na lang kame at everytime na kakaluskos siya magpepray ako and Thank you talaga kay Lord kasi biglang tumatahimik yung ingay sa bubong pag ginagawa ko yun (Prayer is so powerful talaga mamsh!🙏). Hanggang sa nanganak na nga ako (3months na sya ngayon) and yun di ko na napapansin yung mga ingay sa bubong except dun sa mga epal na pusa na sa bubong namin naghaharutan hys super ingay talaga. Shout out dun sa malalanding pusa! Hirap hirap magpatulog ng baby tapos dahil sa kayo'y mahaharot isang meow at takbuhan niyo lang sa bubong nagigising na agad baby ko. Hys Ayun share ko lang naman po yan based on my experience. Salamat sa nagtyagang magbasa. Goodnight!❤

Magbasa pa

naka try na ako dati nung 1st pregnancy ko. Sabi kasi nila, hindi daw masyado nakaka feel yung buntis kung may nagpaparamdam. Nung time na yun, doon ako nag sta-stay sa house ng husband ko since sa other municipality siya nag wo-work and weekend lang nakakauwi. May linagay na tinik yung mom-in-law ko sa bintana namin (pampataboy daw yun ng hindi tulad natin). Tinanong ng husband ko mama nya, sabi, simula nung dun na ako natutulog may unusual nadaw na ingay sa bubong tuwing gabi tsaka sobrang ingay ng mga aso nila. One time, 11pm na kami naka uwi kasi festival sa amin nun tsaka minsan lang naman nakakalabas. Nasa last corner pa kami bago makarating sa bahay ng biglang ang ingay2 ng mga aso na nadadaanan namin (na hindi talaga normal, parang may something). Yun pala, pag akyat ko ng kwarto, may narinig na akong tunog ng malaking pakpak sa may bintana talaga mismo namin. Tinawag ko husband ko para iparinig at tsaka sinita nya lang yun, umalis din naman. Mga 2 nights after, ako nalang mag isa ulit sa kwarto kasi balik na si hubby sa work. Umulan bigla ng malakas nun tapos akala ko nag fluctuate yung ilaw na nasa labas ng room namin sa may likod ng bahay, yun pala. bumalik na naman yung 'kikik'. Nag pray lang ako nun taz biglang nawala tapos may biglang na simhot akong kakaibang amoy. di mo ma intidihan. parang patay na daga or tinae ng isda basta di ko ma explain. Dun ko na confirm na 'kikik' yun kasi narinig ko sabi ng pinsan ko based din sa experience nya rin nung sya ay buntis.

Magbasa pa

hi sis naka experience ako sa 1st baby ko nyan na inaaswang talaga ako, pero at first hindi talaga ako na niniwala kc laking maynila talaga ako pero hubby ko kc taga province kaya naniniwala sya so to make my story short umuwi kami sa province nila nung 3 months na tiyan ko at ang daming nag sasabi sakin na mag ingat ako palagi at wag papaiwan ng mag isa sa gabi dahil pag pangay daw mas lapitin ng aswang dati tinatawanan ko lng talaga cla dahil hindi ako naniniwala hangang isang gabi sumakit yung tiyan mga 5months na yata ako nun nagising kaming mag asawa ng 1am dahil may parang ng huhukay sa bubung ng bahay namin at may naririnig kaming 'kikik' ng kikik' hindi tiktik lumabas hubby ko para icheck kung ano un dahil naniniwala sya sa aswang so protective tlaga sya sakin so pag labas nya ng bahay kahit ako natakot sa narinig naming pagaspas na sobrang lakas pero walang nakita hubby ko na kahit na anong klaseng ibon na lumilipad pero kahit ako rinig na rinig ko ung pagaspas ng pakpak nya papalayo sa bahay namin so mula nun di nya kami tinigilan hanggang lumapit kami sa isang albularyo sakanila at nag patulong kami dun dahil hanggang nanganak na ako hindi nya kami tinitigilan kaya thanks god at di kqmi pinabayaan ni lord kaya mas magandang makinig sa mga matatanda wala nman mawawala kesa mag sisi ka sa huli 😊

Magbasa pa

Good day... share ko lng po na experience ko sa panganay ko 6months pregy ako... malapit ako sa window namin.. tulog na pamilya ko sa bahay maliban sa akin at patay na lahat ng ilaw ng bahay ung ilaw nlng ng street light napumapasok sa loob ng bahay ang nagsisilbing ilaw.. nabigla ako ng biglang my humapas sa bintana... ung bintana kac namin bamboo lng... nabigla ako kamukha ng tatay ko... hindi ko maigalaw buong katawan ko tapos pinalalabas nia ako ng bahay... close na kac lahat nga door.. nagtataka ako kng bakit nasa labas sia ng bahay... hinahampas nia ung bintana galit na galit sia kasi ayo kng lumabas.. sinisigawan nia ako... pasigaw ko dn sia sinasagot... sabi ko bakit d ka pumasok? Bakit kailangan pa akong lumabas? Lingid sa ka alaman ko nagtataka ung pamilya ko sa loob ng bahay na my sumisigaw tumagal ng 5 mins. Bigla nlng bumukas ung ilaw kasi nag aalala na cla.. dun ako naka galaw... ng makita ko tatay ko iba ung kulay ng damit at bagong gupit... ung nakita is magulo ung buhok.. ikinuento ko sa kanila... sabi ng nanay ko buti nlng daw d ako lumabas... kng nakataon na lumabas ako baka ngsabunotan kami... ingat nlng sis.. wag mo lng pahawakan ung tyan mo sa ibang tao... mahirap na... God bless you...

Magbasa pa

7mos preggy ako nun nagpunta kami sa chapel para maglibot. tapos may dumating na magpapagamot daw na babae. sumunod ako sa loob ng chapel. tapos ganito na nangyari, biglang bumaba si sto. nino cebu at sinabi nga na may powers ng aswang yung nanay nun babae na nagpapagamot pero patay na nanay niya. tapos biglang may usok na puti na lumabas sa babae. nanay niya pala yun. ang sabi nakuha daw powers na yun sa mga taga egypt. sila daw may pinakamalakas na powers ng aswang. ayun nanginig ako kasi naman o sumunod pa ako e buntis nga ako last nov. 7mos pa. nakakatakot. hindi ako nakaalis sa inuupuan ko mamaya biglang mahati na lang yung babae. ay naku. taga roxas capiz babae. pero gumaling siya. ibang story naman dito mismo sa bahay. bwisit na pusa yun, kumakatok sa screen ng pintuan namin. may cctv kami sa bahay kaya nakikita ko ginagawa niya, pagkatapos niya kumatok ng 3x, aalis tapos susundan ko kung saan siya lumusot wala naman blind spot dahil kita lahat ng cctv. yung pusa pag alis nawawala na lang basta. ilang beses nangyari sa akin yun mag isa lang ako buntis pa. asawa ko nasa work. kaya ayoko ng pusa, natatakot ako. mamaya aswang na pala yun. huh mainam na maingat.

Magbasa pa

ako po naniniwala sa aswang or tiktik kasi nong buntis pako last September 2018 4months tummy ko non . meron nagkakaskas sa bubong namin that time po kasi ako lang mag isa dahil lahat ng mga kasama ko sa bahay nasa trabaho pa 2Am uwian nila. ang ginawa kopo lumabas ako ng bahay namin then nagsaboy ako ng asin sa bubong with dinikdik na bawang then bigla nalang may malakas na hangin kaya agad pumasok ako saka ko kinuha yung buntot ng pagi at itak namin hinawakan ko na kasi baka bigla ako pasukin pero salamat kay god dahil di naman ako napano . matapang akong babae kaya kaht aswang pa sya o ano sya diko hahayaan na mapahamak yung anak ko. then lumipas yung ilang araw na nandyan na naman yung nsa bubong namin this time sobrang sakit sa tenga ng pagkuskos ng nasa bubong to the point na sobrang init ng pakiramdam ko. dinako lumabas ng bahay para sagisan sya ng asin ang ginawa ko nalang pinag mumura ko sya kinausap ko sya na kapag dipa sya lumayas sa bubong namin tatagain at susunugin ko sya sabay tinutusok ko bubong namin para malaman nya na di ako papasindak sa kanya.

Magbasa pa

sa ate ko nung bubtis sya kasi magkatabi parin kami 3 matulog ng mga ate ko. d ko po alam na buntis sya. pag ako natutulog gusto ko talaga na nasa gilid ako ng pader. may tiktik na palibaot libot sa bahay. d ko naman alam na buntis pala ate ko nun.. pero ngayon na ako ang buntis. thanks God.. d ko pa naranasan kahit bawang o walis wala talaga.. pero mensan naka itim ako matulog peri ngayon ko lng na laman na Kailangan pala mag itim ng damit pag matulog ang buntis.. lagi ako natutulog ng late.. kasi boyfriend ko iba oras namin.. at d talaga ako makatulog ng maaga.. late at night na talaga.. minsan 2am.. pero wala aking narinig na tiktik or wakwak.. pero minsan nanaginip ako ng mga pangit.. minsan nagigising ako kasi parang ang init init ng paa ko.. na d ko ma explain. iwan ko lng kung natural lng sa buntis yan.. kaninang umaga nanaginip ako ng pangit tungkol sa aswang. sinubokan kong gumising para ma stop lang ang panaginip ko pero tumutuloy sya.. hanggang tinawagan ko nalang boyfriend ko at yun nag pray sya at nakatulog ulit ako ng mahimbing..

Magbasa pa

ako sis 5 months na tiyan ko nun laging may gumagalabog sa bubong namin...tas wala hubby ko nun naaa work sya stayin kasama ko lang kapatid koy boy... then naglalagay ako.kutsilyo sa ilalim.ng unan ko tapos asin na.nakabukas sa tabi ko then may isa pa syempre nung una hindi talaga kami naniniwala ng hubby ko.sa tiktik or what ever na nilalang na yan nakabukas pa yung bintana namin malaki tas feeling ko ang init tas ang lagkit sa katawan di ako makatulog then humarap ako kay hubby ng pag tulog pinipikit ko lang mata ko nang biglang tumayo sa hubby tas pinaghahampas yung pader namin na ding ding sabi ko ano yun? sabi nya wala...lumipat ka dito sa kabilang tabi ko pinatulog nya na ako tas nakayakap.sya sa akin then tommor he ask me kung ano yung nakit nya that night may nakita daw sya naka silip sa bintana..tas kulay pula daw.yung mata... kaya that time natakot talaga ako para sa baby namin...pero.naging matapang pa rin ako para aa baby namin naglalagay talaga ako ng kutsilyo sa tabi ko... sorry po napa.haba hehe

Magbasa pa

Hindi rin ako naniniwala. Last April 7, may team building ako (3mos preggy na ko nun) overnight swimming sa Laguna (syempre hotspring, Laguna e) Sabe nila, bawal daw sa buntis ang hotspring, bawal din mag night swimming) Okay. From Manila to Laguna, dumayo ako ng tulog at shower HAHAHAHAHA. Sanay ako na solo room, patay ilaw. Pero dahil team building nga, may kasama ako sa room. Thrice ako nagising, may kumakalabit saken. Nung nakita ko, shadow sya ng bata. Syempre ako, antok parang naalimpungatan lang, deadma. Pag gising, kinwento ko sa officemates ko. Ayun, baka daw aswang etc. Wala pa naman ako dalang asin, bawang or anything na pang counter nga po sa aswang, kasabihan ng matatanda. 4mos preggy na ako ngayon, pero hanggang ngayon wala pa rin akong dalang bawang, asin or anything sa bintana ng room ko. Ewan ko ba, wala din siguro sobrang oldies sa bahay namen, and siguro matigas muka ko. Hindi na nila ako sinasabihan. Wala talaga nagsasabi saken HAHAHAHAHA sad, officemates ko lang talaga, bawal to, bawal yan, ganto dapat bla bla bla

Magbasa pa