Tiktik

Bilang laki sa maynila hangang myth at kwento lang ng matatanda yung naririnig ko sa tiktik at aswang. Same with husband. Di sya naniniwala. Pero 2:30am kanina Nagising ako bigla kase sumisigaw asawa ko "Umalis ka jan papatayin talaga kita" Nakahawak asawa ko sa tyan ko. Anlakas ng tahulan ng mga aso. Sabi ng asawa ko naririnig daw nya "tik tik tik" kitang kita ko sa muka nya yung shock di daw sya makapaniwala totoo pala. Nasa tabi lang ng bintana namin. Tapos yung mga pet lovebirds ng kapitbahay napaka ingay bigla. So ginawa ko yung sabi ng matatanda na balutin ang tyan ng pinaghubaran na tshirt ng asawa ko. Mamaya budburan ko ng asin yung bintana. Mahirap na. 6mos na tyan ko pag 6mos onwards daw napakalakas daw ng amoy ng amniotic fluid ng buntis. Matamis sa pang amoy ng aswang. Yun lang share kolang na di masamang maniwala. To hear is to believe muna sa ngayon haha narjnig palang namin e.

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Bakit po aq mag isa lang ako dito sa bahay gabi gabi im 23 weeks preggy pero d po aq naniniwala sa ganyan aswang aswang natutulog po aq malapit sa may bintana at nakalagay pa cp.ko sa bintana kc mahina cignal nmin dito sa kwarto wala nmn ako nararamdaman at nakkita ...

5y ago

Buti kapa sis. Dito lang kami sa Paranaque pero talagang meron daw dito sa neighborhood na to. Ilang buntis na ang nagsabi. May lalake pa nga napilayan kase tumalon sa terrace nila nung nakita nya yung aswang sa bubungan mga 4am.

Totoo po yung tik tik. Kaya po may buntot pagi kamk sa bahay sabit niyo po sa may bintana banda yung hindi niya makikita. Then cover po kayo ng pulang tela sa tummy niyo ganyan lage kong ginagawa. 8 months nako ๐Ÿ˜Š

hindi ko sadyang mabasa to hindi ko nalang dapat tinapos nakakakilabot haha! napalipat tuloy ako bigla sa tabi ng mama ko shocks! pano ako iihi neto๐Ÿ˜‚ time check 2:28 na same tayo 6months na rin ako๐Ÿ˜ฅ

bakit naman ako dalawa bintana ko sa kwarto parehas nakabukas kasi init na init ako, wala naman ako karanasan na ganyan

Mumsh! Lagay ka ng isang kumpol ng garlic sa bintana or sa kwarto.

Kaya ako.. ayaw ko sa tabi ng bintana natutulog ehh..

Suot ka po Black shirt sa gabi sis

Suot ka lagi black tshirt

Same sis. Di rin ako naniniwala na meron nyan dito sa city until yesterday.. Nakatambay ako sa labas ng bahay around 7pm and may narinig ako na sound like "waaak waaak waakk" ganyan. So ako dedma lang buti nalang sinabihan ako ng kapitbahay ko na pumasok ng bahay kasi aswang daw yun.. Shookt ako, kala ko walang ganun dito.

Magbasa pa

I never experienced this kind of situation but I do whatever they told me as long as it does not harm me and especially my baby. Hindi masamang maniwala.