Tiktik

Bilang laki sa maynila hangang myth at kwento lang ng matatanda yung naririnig ko sa tiktik at aswang. Same with husband. Di sya naniniwala. Pero 2:30am kanina Nagising ako bigla kase sumisigaw asawa ko "Umalis ka jan papatayin talaga kita" Nakahawak asawa ko sa tyan ko. Anlakas ng tahulan ng mga aso. Sabi ng asawa ko naririnig daw nya "tik tik tik" kitang kita ko sa muka nya yung shock di daw sya makapaniwala totoo pala. Nasa tabi lang ng bintana namin. Tapos yung mga pet lovebirds ng kapitbahay napaka ingay bigla. So ginawa ko yung sabi ng matatanda na balutin ang tyan ng pinaghubaran na tshirt ng asawa ko. Mamaya budburan ko ng asin yung bintana. Mahirap na. 6mos na tyan ko pag 6mos onwards daw napakalakas daw ng amoy ng amniotic fluid ng buntis. Matamis sa pang amoy ng aswang. Yun lang share kolang na di masamang maniwala. To hear is to believe muna sa ngayon haha narjnig palang namin e.

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same sis. Di rin ako naniniwala na meron nyan dito sa city until yesterday.. Nakatambay ako sa labas ng bahay around 7pm and may narinig ako na sound like "waaak waaak waakk" ganyan. So ako dedma lang buti nalang sinabihan ako ng kapitbahay ko na pumasok ng bahay kasi aswang daw yun.. Shookt ako, kala ko walang ganun dito.

Magbasa pa