Tiktik

Bilang laki sa maynila hangang myth at kwento lang ng matatanda yung naririnig ko sa tiktik at aswang. Same with husband. Di sya naniniwala. Pero 2:30am kanina Nagising ako bigla kase sumisigaw asawa ko "Umalis ka jan papatayin talaga kita" Nakahawak asawa ko sa tyan ko. Anlakas ng tahulan ng mga aso. Sabi ng asawa ko naririnig daw nya "tik tik tik" kitang kita ko sa muka nya yung shock di daw sya makapaniwala totoo pala. Nasa tabi lang ng bintana namin. Tapos yung mga pet lovebirds ng kapitbahay napaka ingay bigla. So ginawa ko yung sabi ng matatanda na balutin ang tyan ng pinaghubaran na tshirt ng asawa ko. Mamaya budburan ko ng asin yung bintana. Mahirap na. 6mos na tyan ko pag 6mos onwards daw napakalakas daw ng amoy ng amniotic fluid ng buntis. Matamis sa pang amoy ng aswang. Yun lang share kolang na di masamang maniwala. To hear is to believe muna sa ngayon haha narjnig palang namin e.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bakit po aq mag isa lang ako dito sa bahay gabi gabi im 23 weeks preggy pero d po aq naniniwala sa ganyan aswang aswang natutulog po aq malapit sa may bintana at nakalagay pa cp.ko sa bintana kc mahina cignal nmin dito sa kwarto wala nmn ako nararamdaman at nakkita ...

6y ago

Buti kapa sis. Dito lang kami sa Paranaque pero talagang meron daw dito sa neighborhood na to. Ilang buntis na ang nagsabi. May lalake pa nga napilayan kase tumalon sa terrace nila nung nakita nya yung aswang sa bubungan mga 4am.