Tiktik

Bilang laki sa maynila hangang myth at kwento lang ng matatanda yung naririnig ko sa tiktik at aswang. Same with husband. Di sya naniniwala. Pero 2:30am kanina Nagising ako bigla kase sumisigaw asawa ko "Umalis ka jan papatayin talaga kita" Nakahawak asawa ko sa tyan ko. Anlakas ng tahulan ng mga aso. Sabi ng asawa ko naririnig daw nya "tik tik tik" kitang kita ko sa muka nya yung shock di daw sya makapaniwala totoo pala. Nasa tabi lang ng bintana namin. Tapos yung mga pet lovebirds ng kapitbahay napaka ingay bigla. So ginawa ko yung sabi ng matatanda na balutin ang tyan ng pinaghubaran na tshirt ng asawa ko. Mamaya budburan ko ng asin yung bintana. Mahirap na. 6mos na tyan ko pag 6mos onwards daw napakalakas daw ng amoy ng amniotic fluid ng buntis. Matamis sa pang amoy ng aswang. Yun lang share kolang na di masamang maniwala. To hear is to believe muna sa ngayon haha narjnig palang namin e.

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wear black shirt at night

Totoo poh ang aswang ilang beses na poh ako nkrnas nian...bsta poh pg matutulog na kau o kya lalabas pa kau ng gabi nah mglgay poh kau ng asin o bawang sa bulsa .

5y ago

Jusme katakot. Tapos di maipaliwanag ng OB ano? Sundin ko nalang mga sabi ng matanda mahirap na.

VIP Member

Di rin ako sure if totoo mga yan pero even totoo or not, nag-ingat parin kami by buying buntot pagi sa quiapo.😅 My sister-in-law also had an experience na di kapanipaniwala pero nangyari talaga, like yours.

5y ago

Maliit lang nabili kasi medyo mahal din po..ying samin worth 500 po.

Pag malapit daw yung tunog sis ibig sabihin malayo sya pero pag malayo daw yung tunog ibig sabihin malapit lang sya😊

5y ago

Oo nga daw. Sabi ng asawa ko malakas daw. Kaya siguro rumo-roving palang sya sa taas haha 2 kami magkatabing apartment na may buntis same kami 6mos. Good thing lahat dito may aso nagtatahulan talaga sila lahat.