Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
mommy of one
Allergies ni baby
Sino po dito ang may baby na may allergic rhinitis? Tips naman po on how to make them smell good kase bawal halos lahat ng scented na products. Any recomendation po sa baby cologne and the likes? Salamat po
When should I worry?
Pang 2 days na ngayon hindi pa rin nag pu poop ang 1.5 mos old kong baby. Any similar experience? Salamat mommies/daddies. edit: Breastfed po si baby.
Sakit sa katawan
Mga mommy nag grocery ako kanina diko namalayan naka 1hr+ ako naglalakad. Ngayon ansakit ng buttcheeks ko tsaka both likod ng hita. Pero si baby malikot naman. Kaso parang lalagnatin ako kanina kaya itinulog ko. Any similar experience? Im at 26 weeks now.
Tiktik
Bilang laki sa maynila hangang myth at kwento lang ng matatanda yung naririnig ko sa tiktik at aswang. Same with husband. Di sya naniniwala. Pero 2:30am kanina Nagising ako bigla kase sumisigaw asawa ko "Umalis ka jan papatayin talaga kita" Nakahawak asawa ko sa tyan ko. Anlakas ng tahulan ng mga aso. Sabi ng asawa ko naririnig daw nya "tik tik tik" kitang kita ko sa muka nya yung shock di daw sya makapaniwala totoo pala. Nasa tabi lang ng bintana namin. Tapos yung mga pet lovebirds ng kapitbahay napaka ingay bigla. So ginawa ko yung sabi ng matatanda na balutin ang tyan ng pinaghubaran na tshirt ng asawa ko. Mamaya budburan ko ng asin yung bintana. Mahirap na. 6mos na tyan ko pag 6mos onwards daw napakalakas daw ng amoy ng amniotic fluid ng buntis. Matamis sa pang amoy ng aswang. Yun lang share kolang na di masamang maniwala. To hear is to believe muna sa ngayon haha narjnig palang namin e.
NSFW NSFW NSFW
Pakiusapnaman po kung bodily fluids o kung anumang nakakawalang gana ang ipopost nyo click nyo naman yung NSFW sa left side bago nyo click yung POST sa right side huhuhu napaka rare na ganahan ako kumain tapos isusuka kopa at 5mos pregnancy. Habang nagmemeryenda gusto ko magbasa ng posts para matuto ako kase FTM ako. Tapos may makikita akong kakulay ng kinakain kong YEMA huhuhuhuh
Talong
Totoo ba na bawal ang talong sa buntis? Sobrang nagke crave ako sa talong. Any medical reason behind it kung bakit di daw dapat kumain ng talong? May nagsabi kase na pwede ka makunan pag kumain nito e. Tnx.
Baby movements
Ilang beses poba dapat gumalaw ang baby at 20weeks? Tnx.