35 Weeks - Depression

Backstory: I have anxiety and depression before getting pregnant. During my relationship with my boyfriend and during my pregnancy maalaga naman sya nung una. It all started na magbago sya when I lost my job. Naglay off yung previous employer ko and ang mahirap pa, may issue sila sa finances kaya ang daming unpaid contributions, delayed until now yung backpay namin even pag issue sa BIR 2316 kaya hirap maghanap ng work dahil kulang lagi sa requirements. Nag struggle kami sa finances. Lalo na ako rin nagbibigay ng allowance sa kapatid at parents ko. Hindi po kami live in partner. Yung boyfriend ko nakikitira sa tita nya while ako naman nagrerent sa studio apartment. The plan is pag nanganak na ako, doon na rin ako titira sa tita nya then magrent nalang kami together kapag nakahanap na ako ng work. I started na maging hesitant sa pregnancy ko kasi biglang natuto syang uminom kapag stress. Naninigarilyo na rin sya lately pero hindi po palagi. At nalaman ko na nagsusugal na rin sya. Hindi naman nya ako inaaway or sinasaktan, but I have this trauma sa family ko when it comes so alak, sigarilyo at sugal. So ako iniisip ko baka mangyari din sakin, ayoko ng ganung buhay. Kaya nga ako nagsisikap magtrabaho tapos nangyare to, nabuntis, nawalan ng trabaho, tapos ganito pa partner ko. I tried to talk this issue sa partner ko pero sabi nya way of coping stress nya raw yun. At hindi naman daw sya katulad nung relatives ko na sasaktan ako sisigawan, mambababae. I really felt yung care nya sa akin even sa allowance nagbibigay sya pero I have this overthinking na kasi may bisyo na sya, pag katagalan na nay problem kami sa family, baka takbuhan na nya lagi yung bisyo and maging worst in the long run. Yung ganung thinking ko yung nagpush na ayoko ituloy tong pregnancy. Iniisip ko hindi ko kaya magkapamilya muna kung ganito sitwasyon. Ayoko maranasan ng bata yung naranasan ko before at wala pa akong capacity na alagaan sya lalo wala ako maasahan sa family ko since bread winner nga ako. Paano ko sya aalagaan kung magtatrabaho ako. Matanda na mama ko at nag aaral oa kapatid ko. Ang dami kong thoughts. Because of that since 1st trimester ako up to now na 35 weeks pregnant na ako, I tried to do unhealthy lifestyle para lang makunan ako since hindi naman ako nakikita ni boyfriend sa apartment everyday. Abortion is illegal and risky that's why eto naisip kong paraan. Nagpapacheckup pa rin po ako every 2 weeks kasama ni boyfriend pero I always told my ob na ok naman ako, tinutuloy tuloy ko naman yung vitamins which is not true. Never ko binili and tinake lahat ng vitamins and milk na nireseta sakin. Most of the time I drink softdrinks, coffee or anything na gusto ko without thinking kung safe ba sa baby or not. Palagi ako nagpupuyat, nagbubuhat panrin ng mabigat kapag naglalaba or yung pag naglalagay ng mineral gallon sa kusina. I order fastfoods kapag gusto ko kahit maanghang. The good thing lang is yung mga lab results ko) urinalysis, blood sugar, papsmear, ultrasound) lahat normal and okay naman dw as per ob. Now first time ko makakita ng malinaw na ultrasound. Yung first kasi malabo and luma yung device dahil siguro public and libre. Inexplain lang ng ob yung details and what parts ni baby yung nakikita namin etc. Kahapon nagpaultrasound kami sa ibang clinic at nakita ko yung mismo si baby, yung movement nya, parang baby na talaga yung features sa loob. Naguilty ako sa ginagawa ko. Thinking before na sana magstop nalang heartbeat nya para mastill birth ako or duguin sana ako para makunan. Nakonsensya ako na never ko sya inalagaan to the point na kapag nararamdamab ko movement nya before napapasigaw akonsa isip ko na "tumigil ka na, manahimik ka na, mamatay ka na please kasi di kita kaya alagaan". Naguilty ako sa lahat ng ginawa ko. My thoughts now is, too late na ba para magtake ng vitamins. Malapit na ako magdue and natatakot ako na baka may problem si baby paglabas like sa brain nya or sa development nya dahil sa mga pinaggagawa ko. :( Makikita po kaya sa congenital anonaly scan yun. Please don't judge me po. I'm here to seek guidance or opinion what to do. Ikikeep ko si baby at aalagaan ko sya no matter what but I just wanna know if possible ba na malaman kung may diperensya sya para prepared po ako sa kung anong need gawin and care paglabas nya. Salamat po sa sasagot.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello sis. buti naman naisip mo na ituloy nalang yung pregnancy. I think it's never too late to take vitamins kase yung sa pinsan ko naman unaware sya na buntis sya. di kase halata sa tyan nya at akala nya may problem lang sa kanya or something. di sya nagpapa check up. 7 months na ng malaman nyang buntis pala sya saka sya nag take ng vitamins gor baby. ngayon okay naman pamangkin ko. normal na bata, makulit pa nga. iisa lang masasabi ko. Ang strong ni baby mo 🥹 ako naman sobrang selan ko ngayon. daming pinagdadaanan namin ni baby, mula sa Mababang heartbeat to Sub-Chorionic hemorrhage at netong naka graduate na sa hemorhage biglang low lying placenta naman. 3 months nako naka bed rest. Todo ingat din ako sa mga kinakain at todo vitamins at lagi ko sya kinakausap araw araw na kumapit lang sya. i think sa anomaly scan makikita if ever may deformities kay baby. wait mo sched mo ng CAS sis. ingat kayo lage ni baby okay? stay strong sis. hugs to you.

Magbasa pa
TapFluencer

Hello po... Hindi ko alam yung struggles mo pero know na tama ang desisyon mo na ituloy na rin sa wakas yung pregnancy. The good news is it's never too late to take your vitamins po. Pwede pa naman iyan kahit na sana earlier mo ginawa, pero since may pinagdaraanan ka nga, valid naman po yung reason mo. Ang makikita lang po sa CAT ultrasound ay yung physical ni Bebe, may signs po na makikita kagaya halimbawa ng kapag wala siyang nose bridge, may chance na magka-down syndrome siya, pero hindi naman po sure yun, chance lang. Sa newborn screening po malalaman ang iba pang possible defects ni Bebe pero sana naman ay wala. Pagsilang niya, mi, mas kailangan mong magpakatatag. Mas challenging ang pag-aalaga ng baby, I suggest talaga dapat may kasama ka sa bahay na komportable ka. Ingat palagi.

Magbasa pa