May napansin lang akong mga tanong dito na parang mga wala pang ideya sa pagbubuntis at pagiging magulang ang mga nag-post. Mga tanong kung mabubuntis/makakabuntis ba sila kung nag-jax muna si lalaki tapos f-in-ing*r si babae, o kaya ay kung mabubuntis ba si babae kung naiputok ni lalaki sa cycling shorts niya at nabasa pati panty niya. Nakakabahala lang kasi mga aminado silang unprotected s*x ang ginagawa nila tapos matatakot at magtatanong dito sa grupo ng mga PROUD PARENTS/PARENTS TO BE. I mean kung hindi ka pa ready maging magulang at kung teenager ka pa lang na walang ideya kung paano nagtatagpo ang itlog at semilya, e di huwag mong gawin ang ginagawa ng mag-asawa o kung hindi ka mapigilan, bumili ka ng proteksiyon. Hindi ako sure pero parang mga teenagers talaga sila. Nagsipasukan dito sa The Asian Parent, pero takot maging parents. 🫤 #RandomThoughts #RealTalk #TeenagePregnancy
Read moreNakaranas ba kayo ng paglilihi, mga mommy? Noong buntis ako kay LO ko, tinangke ko talaga ang init ng alas-dos na araw at ang pababang kalsada(since bundok yung lugar namin kahit city) para lang makabili ng isang pirasong banana cue. Gustung-gusto ko rin noon ng hot choco ng Jollibee na tuwing madaling-araw at umaga lang naman pwedeng order-in. Pero pinakamalala ko talagang naging craving ay Chicken Biryani. Masamang-masama talaga ang loob ko nang hindi ko iyon makain pero hindi ko pinahalata. Imbes kasi na biryani ang order-in ay pizza ang in-order nila. Masama na ang loob ko noon pero hindi ako kumibo. Sa akin pa pinabayaran yung pizza. Hindi ko talaga ginalaw yung pizza na yun dahil biryani ang gusto ko. The next day, pagdilat ng mga mata ko ay biryani agad ang unang pumasok sa isip ko. At doon na ako nagsimulang makaramdam ng sobrang pananakit ng tiyan. As in napakasakit akala ko nagle-labor na ako, pero nag-diarrhea lang ako noon. Dumi ako nang dumi at lahat ng kinain ko ay idinumi ko lang din. Hanggang sa isang kaibigan ang nagsabi na dapat kong makain yung chicken biryani na kini-crave ko para matigil ang sakit ng tiyan ko. At hayun nga. Nang mai-deliver ang chicken biryani ay maligayang-maligaya ako na teary-eyed pa. Pagkakain ay parang nagdahilan lang ako. Nawala ang sakit ng tiyan at tumigil ang pagdudumi. Grabe yung craving na yun. Napakalala. #PregnancyCravings
Read more