35 Weeks - Depression

Backstory: I have anxiety and depression before getting pregnant. During my relationship with my boyfriend and during my pregnancy maalaga naman sya nung una. It all started na magbago sya when I lost my job. Naglay off yung previous employer ko and ang mahirap pa, may issue sila sa finances kaya ang daming unpaid contributions, delayed until now yung backpay namin even pag issue sa BIR 2316 kaya hirap maghanap ng work dahil kulang lagi sa requirements. Nag struggle kami sa finances. Lalo na ako rin nagbibigay ng allowance sa kapatid at parents ko. Hindi po kami live in partner. Yung boyfriend ko nakikitira sa tita nya while ako naman nagrerent sa studio apartment. The plan is pag nanganak na ako, doon na rin ako titira sa tita nya then magrent nalang kami together kapag nakahanap na ako ng work. I started na maging hesitant sa pregnancy ko kasi biglang natuto syang uminom kapag stress. Naninigarilyo na rin sya lately pero hindi po palagi. At nalaman ko na nagsusugal na rin sya. Hindi naman nya ako inaaway or sinasaktan, but I have this trauma sa family ko when it comes so alak, sigarilyo at sugal. So ako iniisip ko baka mangyari din sakin, ayoko ng ganung buhay. Kaya nga ako nagsisikap magtrabaho tapos nangyare to, nabuntis, nawalan ng trabaho, tapos ganito pa partner ko. I tried to talk this issue sa partner ko pero sabi nya way of coping stress nya raw yun. At hindi naman daw sya katulad nung relatives ko na sasaktan ako sisigawan, mambababae. I really felt yung care nya sa akin even sa allowance nagbibigay sya pero I have this overthinking na kasi may bisyo na sya, pag katagalan na nay problem kami sa family, baka takbuhan na nya lagi yung bisyo and maging worst in the long run. Yung ganung thinking ko yung nagpush na ayoko ituloy tong pregnancy. Iniisip ko hindi ko kaya magkapamilya muna kung ganito sitwasyon. Ayoko maranasan ng bata yung naranasan ko before at wala pa akong capacity na alagaan sya lalo wala ako maasahan sa family ko since bread winner nga ako. Paano ko sya aalagaan kung magtatrabaho ako. Matanda na mama ko at nag aaral oa kapatid ko. Ang dami kong thoughts. Because of that since 1st trimester ako up to now na 35 weeks pregnant na ako, I tried to do unhealthy lifestyle para lang makunan ako since hindi naman ako nakikita ni boyfriend sa apartment everyday. Abortion is illegal and risky that's why eto naisip kong paraan. Nagpapacheckup pa rin po ako every 2 weeks kasama ni boyfriend pero I always told my ob na ok naman ako, tinutuloy tuloy ko naman yung vitamins which is not true. Never ko binili and tinake lahat ng vitamins and milk na nireseta sakin. Most of the time I drink softdrinks, coffee or anything na gusto ko without thinking kung safe ba sa baby or not. Palagi ako nagpupuyat, nagbubuhat panrin ng mabigat kapag naglalaba or yung pag naglalagay ng mineral gallon sa kusina. I order fastfoods kapag gusto ko kahit maanghang. The good thing lang is yung mga lab results ko) urinalysis, blood sugar, papsmear, ultrasound) lahat normal and okay naman dw as per ob. Now first time ko makakita ng malinaw na ultrasound. Yung first kasi malabo and luma yung device dahil siguro public and libre. Inexplain lang ng ob yung details and what parts ni baby yung nakikita namin etc. Kahapon nagpaultrasound kami sa ibang clinic at nakita ko yung mismo si baby, yung movement nya, parang baby na talaga yung features sa loob. Naguilty ako sa ginagawa ko. Thinking before na sana magstop nalang heartbeat nya para mastill birth ako or duguin sana ako para makunan. Nakonsensya ako na never ko sya inalagaan to the point na kapag nararamdamab ko movement nya before napapasigaw akonsa isip ko na "tumigil ka na, manahimik ka na, mamatay ka na please kasi di kita kaya alagaan". Naguilty ako sa lahat ng ginawa ko. My thoughts now is, too late na ba para magtake ng vitamins. Malapit na ako magdue and natatakot ako na baka may problem si baby paglabas like sa brain nya or sa development nya dahil sa mga pinaggagawa ko. :( Makikita po kaya sa congenital anonaly scan yun. Please don't judge me po. I'm here to seek guidance or opinion what to do. Ikikeep ko si baby at aalagaan ko sya no matter what but I just wanna know if possible ba na malaman kung may diperensya sya para prepared po ako sa kung anong need gawin and care paglabas nya. Salamat po sa sasagot.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako din may Anxiety and Depression bago pa ako mag buntis na diagnosed talaga ako.. at yung pagbubuntis ko ang nakatulong sa akin para mas ayusin ko pa lalo ang sarili ko.. lahat ng sinabi ng OB ginagawa ko may GDM ako nag healthy diet ako, vitamins + maternal milk + maayos na pag iisip.. inalis ko lahat ng nega na naiisip ko.. kasi panganay ko may Mild Autism dyan talaga natrigger ang Depression ko at takot na baka eto next baby ko ganon din.. sa takot ko mas lalo ko pa inayos ang pagbubuntis ko at lagi ako nagdadasal na sana maayos si baby para balang araw pag nawala na kami ng husband ko may totoong magmamahal na sa kanyang special na kapatid. financial struggle yes naranasan namin yan.. lalo na di ako nakawork kasi Nurse ako mahirap di ko pwede ipagkatiwala ipaalaga sa iba yung panganay ko na special kelangan matutukan ko siya. so nawalan ako ng trabaho wala ako growth sa profession ko.. yun palang nadedepress na ko isipin. pero tinitingnan ko yung panganay ko kelangan niya ko nasa tabi niya kaya ko ipagpalit lahat.. Suicide thoughts Yes naisip ko din yan.. lalo na nung nalaman ko na ganon yung condition ng panganay ko.. paano na pangarap ko sakanya? gumuho mundo ko mommy.. napaka adorable kid niya pero ganon sitwasyon niya.. pero hindi ako pwede mamatay kasi kawAwa anak ko higit sa lahat ako ang mas makakaintindi sakanya bakit ko siya iiwan db di niya kagustuhan maging ganon siya.. dumating si bunso.. blessed ako.. masaya ako ngayon mi kahit napapagod ako araw araw . kahit til now may Depression ako never ko naisip na ipahamak sila.. kasi sakanila ako kumukuha ng lakas. paConsult ka sa psychiatrist.. malaking tulong yun... pa CAS ka.. at magpray na sana ok lahat kay baby. kung ano problema natin sa buhay natin.. sa mga bata tayo kumuha ng lakas. wag natin sila idamay.. wag natin sila saktan.. kasi wala sila kasalanan sa lahat ng problema natin... walang perpektong magulang.. pero ibigay natin sakanila ang buong pagmamahal na kelangan nila.. magdasal ka mommy.. kung madami ka problema kausapin mo si baby sa tyan mo.. nararamdaman niya lahat ng mga nararamdaman mo..

Magbasa pa

Hmm there are abnormalities na hindi nakikita sa utz kahit sa CAS, kaya may newborn screening. Pero kahit may newborn screening na, meron pa ding hindi agad nade detect unless may lumabas na symptoms. Like sa autism spectrum, yung iba kasi at a later age na lumalabas yung symptoms. Since andyan na yan and hindi ka naalagaan sa vits, lets just hope na okay si baby. And pwede ka pang uminom ng vitamins, though sa 1st trimester crucial yung pagtake ng vitamins.

Magbasa pa