Live in partner

Hi Goodmorning gusto ko lang makita mga opinion ng mga live in na , i have a boyfriend Mabait masipag maalaga pero lagi lang syang naka asa saakin sa lahat ako ang gumagastos ni isa wala syang ambag maeeffort naman sya kaso nga lang hindi sya masyado madiskarte sa buhay lagi lang syang naasa saakin kasi alam nyang stable ang work ko pag may gusto sya di nya sinasabi ng direct parang nag papahiwatig na ewan ako naman tong si awa pag bibigyan, kakastart palang namin mag live in dahil sa kagustuhan nya rin, kahit nung hindi pa kami live in wala parin syang work ako lang nagastos palagi sa mga dates and other expenses, hindi naman sa nag rereklamo pero syempre kapag live in na ang daming gastusin sa bahay palang and sinuspportahan ko din kasi ang parent's ko. Feeling ko nawawalan ako ng gana dahil lagi nalang syang naka asa saakin paano nalang pa nabuntis ako paano na. #advicepls #randomtalk

Live in partner
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din set up namen dati ng boyfriend ko na ngayon asawa ko na.. ever since mag bf/gf kame gang sa maglive in kame wala syang trabaho kasi business minded syang tao ayaw nya ng may boss sya ewan ko ba sa kanya 😅 tska mahina kasi loob nya pagdating sa applayan lage nya dinadown sarili nya na wala daw syang kayang gawin( kasi high school grad lang daw sya) kumbaga palit kame ng position ako yung working tapos sya yung house husband. kada sasahod ako bigay ako buo ng sinahod ko sya yung nagbabudget sa pera namin. Bago palang kame nung nagliligawan palang nakwento nya na mahirap lang sila kaya di sya nakapag tapos pero wala naman saken yun tinanggap ko sya ng buo.. sobrang bait nya , masipag , faithful at maalaga.. minahal na rin sya ng parents ko na parang tunay na anak. Isa pa wala sya bisyo kahit inom o sigarilyo 😅 linis lang ng linis ng bahay.. hehe nasubukan namen ang isa't isa nung after namen ikasal nabuntis ako. di ako nakapag work kasi maselan pagbubuntis ko dun talaga sya dumiskarte ng bongga naghanap ng pagkakakitaan sa mga tropa nya kahit pagpapalengke pinasok nya para lang mataguyod nya ako pati si baby namen.. kaya sobrang thankful ako kay God binigay nya saken asawa ko kahit ganun sya never nya kameng pinabayaan 🥰🥰 tipong gigising nalang ako may makahain ng pagkaen at malinis na uniporme bago ako pumasok sa work. kaya payo ko sayo sis kumbaga nagpalit lang kayo ng position. di na uso ngayon yung lalaki ang nagtataguyod sa pamilya madalas tayong mga babae na ang working moms kaya wag mo maliitin masyado si bf mo malay mo once na masubok kayong dalawa dun mo makita effort nya sa magiging family nyo. hehehe

Magbasa pa

siguro sa iba red flag pero looking onto the other side, i dont see a prob po. btw babae po ako. my husband and i met when we were 21yo. that time, ako ung may mas malaking sweldo, private employee ako and sya JO sa govt. lagi syang kapos noon and ako ung pumupuno ng mga kulang, dates etc. may mga times na ako na mismo nagbbgay sknya pandagdag expenses nya kasi kulang tlga sahod nya. at 24yo, i decided to resign sa work tapos at mag aral ulit (paaral ako ng parents ko). ako naman ung walang wala kasi student. ung maliit nyang sahod nun ginawan nya paraan para makapagdate kami kahit magsimba lang tapos wala na kain after makapagkita lang 😆 eventually na regular sya and medyo bumalika dn kami sa dating dates pero sya na ung gumagastos. after I graduated, wala pa din ako work for 2yrs pero never ako pinaghanapan ng work ng husband ko. lagi nya sinasabi na noong walang wala sya, ako daw natulong sknya kaya turn naman dw nya. naisip namin na kaya siguro wala akong work nun kasi ako ung tumulong sknya magbantay sa may sakit nyang mommy and daddy hanggang mamatay. at present, we are married na. nakapagwork naman ulit ako pero we opted na mag resign ako kasi nakunan ako sa sobrang demanding ng job ko. never pa din ako pinag hanapan ng husband ko. actually nung working ako, akin lang sahod ko pero mga expenses sya nagbabayad. siguro sis depende sa kung paano natin makikita ung situation. may mga relationship kasi na baliktad tlga like babae ung breadwinner pero si guy ung nasa bahay. siguro as long as di naman nagkukulang si guy sa pag aasikaso sayo and loyal wala naman prob.

Magbasa pa

ako nung mag bf/gf kami both may work yr 2018. since gusto namin magkababy naglive in kami 2020 at nag give way ako nagstop ako magwork and nagstay ako sknila. hindi kasi ako mabuntis buntis nung nagwowork ako stress din kasi ako. 2020 nakunan ako nagpahinga di pa rin ako nagwork ngayon 2021 buntis na uli 8months. literal wala ako work or part time job. as in di ako makagalaw tamad na tamad sobrang selan aminado akong palamunin ako for 2 years. minsan kapag nagaaway kami naisususmbat ng lip ko ung pera na minsan wala daw diskarte puro daw ako plano ganun wala naman daw ako nagagawa. masakit pakinggan as in. kasi i have sacrificed everything din nman para lang makasama siya hindi nga lang financially. call center kasi ako dati 2018 un siya frontliner as in di nagtutugma schedule namin kaya ako na nag give way. 2019 okay na okay schedule ko weekend ang off siya magulo pa din kaya kahit wala ako masweldo nun kakaabsent mapuntahan lang siya go kasi minsan lang sila bigyan ng day off since frontliner siya. kaya kapag ganun nanumnumbat siya eh yan din sinusumbat ko. ang sakit kasi parang mas nakikita effort mo kapag money involved. minsan nagtry ako siya utangan para sa gusto kong business nauuna pa ung negative thoughts nya di daw essential sa tao un ganyan ganyan kaya napanghihinaan ako ng loob. kaya ngayon sisikapin ko makabalik sa work after ko manganak ang hirap ng walang hinahawakang sariling pera

Magbasa pa

sis, ganyang-ganyan din setup naming magasawa nung magjowa pa lang kami. gastos ko sa dates pati sogo 😂 ako ang nagwowork, sya sa housework. i didnt see it as a problem kasi pumatol ako sa lalaking walang work. nagkaiba lang kayo ng role sis, pero may ambag at pakinabang naman sya sa buhay mo. kawawa naman partner mo sis. parang minamaliit mo sya. mabait at masipag naman kamo. parang ikaw ngayun yun working husband na nangmamaliit sa kanyang non-working housewife. kung natapat talaga yung lip mo sis sa tamang tao, magkakaroon din yan eventually ng pangarap at pagkukusang humanap ng pagkakakitaan. kami noon, yung lip ko na mister ko na ngayon, hingi lang sya ng hingi sakin ng puhunan pangbuy and sell. hindi naman sya nakakabenta. pero sinusuportahan ko pa rin. bigla ako nawalan ng trabaho. yung buy and sell ni lip ang bumuhay samin kahit papaano 😀 kaya ayon, pinikot ko na sya magpakasal. mabait, masipag na, maaasahan pa sa oras ng kagipitan. tanggapin mo na lang nang buo sis sa sarili mo na ikaw yung working, sya sa housework. hindi na uso ngayon yung lalaki ang nagtataguyod.

Magbasa pa
3y ago

Anong tawag mo sa non working housewife? Kung ang tawag mo sa non working house husband tamad? Hindi po tamad ang mga stay at home partners, kung naasahan, responsable at ma effort naman. Ginagawa nila yung part nila, ihanda, ayusin at alagaan yung partner at bahay nila. Lunod na lunod tayong mga pinoy sa gender roles. I have the same house hold setup, and if ever mag palit kami ng role ngayon hindi sya magiging kasing effective ng ginagawa namin ngayon. Pag babae home maker, pag lalaki tamad?

Give him a chance pag kinausap mo sya, kung hindi naman sya tamad sa gawaing bahay. Na kung pwede mag ipon na kayo for your future, na magkaron kayo ng long term goals, magkaron ng sariling bahay, etc. Communication is the key lalo't live in kayo. Kailangan i-take nyo yung points ng bawat isa, ask mo sya anong pwede nyang gawin para kumita at sana di sya maoffend, dapat maintindihan nya yon. Di pwedeng habambuhay, ikaw nagpprovide ng lahat kahit ba malaki sahod mo. Pwede sya magstart ng business kung ayaw nya mag work. Kapag ayaw nya talaga kumilos to provide for his needs and to build your future, dun ka na mag isip. Baligtad naman tayo, nung nag live in kami nuon ng my-now-husband, sya lahat nagpprovide ultimo pang review ko sa licensure exam, as in lahat. 1 year kaming ganon, he had faith in me. After a year nung pumasa ako sa exam, nagkaron ako ng work kaya hati na kami sa bills non. Ngayon, may anak na kami at sya nanaman nagpprovide lahat, kaya ako magsstart ako ng business sa September para matulungan ko sya sa gastusin at para masecure ang future ng anak namin at magkaron kami ng sariling house :)

Magbasa pa

Di ko siya nakikita as problema.. kasi ganyan din kami ng live in partner ko before (way back 2019), ako lang may work saming dalawa then sagot ko lahat kahit sa yosi namin tapos sagot ko din lahat ng bills sa bahay ng mother ko (ako kasi ang ate), tas may pinagaaral pa kong kapatid. May times na sukong suko na ko pero pag nakikita ko yung bf ko, sobrang pagasikaso, mula sa baon ko pag papasok sa work, hanggang sa pag uwi ko nakaluto na siya ng dinner. Siya naglalaba. Naglilinis. Lahat ng household chores saknya. Kaya nagtiis ako kasi bihira din sa lalaki ang marunong sa bahay. Hanggang sa nabuntis ako 2020, mas lalo ko siya hinangaan kasi nagpursigi siya humanap ng raket tas pinilit niya magkawork hanggang sa nakunan ako, nawalan ng trabaho. Nagaapply siya ng work tapos asikaso niya ko bago umalis at pagkarating. Until nabuntis ulit ako (9mos preggy na nga eh), rider na siya ngayon.. then baliktad kami ngayon ng situation, mas nakita ko siyang responsable hindi lang sa gawaing bahay kundi sa pagiging ama😊😊 sa una mahirap pero pilitin mo at subukang unawain😊😊😊

Magbasa pa

Kung sya nag decide na mag live in kayo edi sana naisip nya na need ka din nya tulungan at suportahan kung gusto na nya ng next level ng relationship nyo. Tsaka po okay lang naman tiis tiis sa ganyan karelasyon kung nakikitaan nyo ng pagbabago at pag sisikap sa sarili, e kung hindi at ikaw lang din nasagot ng lahat aba ate mag isip isip ka na habang wala pa kayong anak. Para kang kumuha ng bato na ipukpok sa sarili mo. Be practical na po sa panahon ngayon kasi mahirap ang buhay. baka makabuo pa kayo ng wala sa oras at the end of the day ikaw lang naman din talaga mahihirapan buti sana kung sya ung magbubuntis 😆 e kaso hindi rin naman. Tsaka naisip nyo po ba pano kung paano pag naging maselan ka sa pag bubuntis? need mo tlga mag stop sa work pag ganun kasi 2 buhay ang mag risk. Kausapin nyo po sya kasi baka di rin sya aware baka kala nya okay lang sayo yung set up nyo. pag walang pagbabago ay mag isip isip ka na po tlg at mag lay-low po muna kayo kung di tlg kaya mag live in.

Magbasa pa

Sakin naman noon talagang araw araw sinasabihan ko siya. kasi ayoko rin ng tengga sya at aasa sakin, both dapat may worth for personal growth, expenses and luho, pinakita at pinaramdam ko talaga sa kanya na ang isang bagay na gustong gusto dapat pinaghihirapan, hindi inaasa sa ibang tao. hindi ganun yung nakalakihan ko sa family ko. kahit walang wala ako hindi ako humihingi o umaasa sa kanila, gagawa talaga ako paraan. kaya ending ayun ung bf ko noon talagang nanay na nanay ako sa sermon lagi hanggang sa maging mag asawa kami at magkababy. ayun, umayos sya. mas naging open kami at parnag aso't pusa. 🤣🤣🤣sa lahat ng bagay nung magbf kami at lip hati lahat ng expenses. pero nung magkafamily kami super share na kami at ginagawa lahat para sa baby namin. 😊♥️

Magbasa pa
VIP Member

VERY same yung situation namin yung partner ko now is umaasa din sakin .ako bayad bahay tubig kuryente pari food ako bumibili. nag luluto and nag lalaba ng gamit nya kahit preggy ako pero pag alam nya na pagod ako sinasabiham ko sya na pagod ako since full time din ako nag wowork sya dim gagalaw. Dati nagka utang sya dahil tinulungan nya kapatid nya mkanhanap ng trabaho sya pa nag babayad but tinanggap ko yun kasi alam ko ganyan sya since mag BG plng kme.Very open naman sya and honest sa lahat then kasi mas matanda ako sa kanya. 28 ako 23 lng sya kaya medyo immature pa. grabe pag nag onlinensabong but nakikinig naman pag sinabihan cguro communication lng talaga di hiwalay solusyon.

Magbasa pa

hmmmp red flag po Yan seriously speaking ang financial ang main factor Ng paghihiwalay Ng maraming mag partner, Kasi isipin mo Kung inaasa nya sayo lahat ano ambag nya? taga linis Ng bahay ?taga laba? e Di kumuha Ka na Lang Sana Ng kasambahay Kung ganon Lang din. or Kaya mo e accept na sooner house husband sya,. sorry Pero nakakainis ung MGA laking ang lakas bumuo Ng pamilya Pero Hindi Naman kayang maging good provider. naalala ko ung boss before ang mantra nya samin lagi "wag kayo kukuha Ng lalake na taga sundot nyo Lang at kayo mag papakahirap mag trabaho" which is apply sa situation mo e push mo sya sis to achieve more don't settle for less mahirap ang buhay.

Magbasa pa