13 Replies

hello po same tayo prc holder ako pero nung nalaman namen na buntis ako pinahinto ako ni hubby ng trabaho tapos napagusapan namen na gusto nya sya lang magttrabaho. pero noon po yun....ngaun po naisip isip nya na para maabot namen agad yung pangarap namen is much better mag tulungan kame...kung mag wowork ako...ako yung may mas malaki na maipoprovide...yes wala naman sakin yun dahil before kame nag anak at nagpakasal napapagusapan na namen yun...hs lang natapos ng hubby ko pero kitang kita ko sa kanya kung gaano sya kapursige sa trabaho nya...napaka buting asawa at magiging tatay sa baby namen. kahit maliit lang kinikita nya nairaraos nya kame. 34weeks nako ngaun lahat ng gastos nasa kanya kaya hangang hanga ako sa kanya...kahit minsan namamahalan kame sa mga bills sa pagpacheck up,vitamins,gatas,etc. after ko manganak...palit muna kame...sya muna stay at home....tapos mag work sya pag day off ko...yung work naman nya is hawak nya oras nya and pwede sya pumasok kahit anong araw...arawan naman kase sweldo nya so no worries kame. tulungan kame

Iniisip ko din yan before ako nagresign. Like Sayang ung college degree kung nasa bahay ka lang. And andun ung fear na hanggang dito na lang ba ako. Of course kaya nga tayo nagsikap magtapos ng pag aaral is because my gusto tayong maachieve sa buhay. I was due for promotion at the time na i got pregnant. Inantay ko un ng ilang taon din. But then once na alam mong my isang tao na dedepende sayo para sa buhay nya, maiisip mo na sige subukan ko. So aun i resigned and became a full time mom. Worth it naman lahat ng sacrifices. Lalo na kung nakikita mo na lumalaking maayos ung baby mo. ☺️ Kung kaya naman kayo suportahan ni husband try mo muna, pag nasubukan mo na then gusto mo pa din talaga magwork pag usapan nyo mabuti. Basta naman para sa ikabubuti ninyo pare pareho mapag uusapan yan. 🙏

Masaya naman maging hands on mom. Specially sa early stage ni baby. Ang sarap makita na lumalaki sila. Makita mo every milestone, development. Career driven din ako before ako mabuntis. Mapopromote na nga sana ako nun kaso sabi ng hubby ko magfocus daw sa pagbubuntis. Ung di ako mastress. So nagresign ako after knowing my pregnancy. And I've never been happier. 4 mos palang naman LO ko. Pero worth it naman ung pinili ko sya. Pero sabi naman ni hubby, if gusto ko daw magwork ulit, pwedeng sa bahay nalang. Baking or online tutor. Pag bumalik nga naman kasi ako sa work ko outside, mababawasan time ko sa baby ko. And worst case, lumayo loob nya or magbabago comfort nya dahil baka mas masanay sya sa mag aalaga sa kanya when both me and my husband is working.

Same here. Pinagusapan namin, if after ko manganak and gusto ko parin magwork papayagan nya ko. Pero kung magustuhan ko ang maging full time mommy mas pabor sakanya. Gusto nya kasi focus sa baby, malaki daw po kasi epekto nun. Kasi naranasan mismo ng hubby ko, both ng parents nya busy sa mga trabaho nabalewala na sya. Kaya sabi nya saken gusto nya focus kay baby. Hirap talaga lalo na kung may binibuild ka na career. Pero dapat pagisipan mabuti kung ano ba mas worth it. ❤️

VIP Member

Much better na magwork ka mumsh mas okay sainyo ng partner niyo yun habang wala pa si baby at isa pa Malaki ang kikitain niyo at maiipon niyo pagkayong dalawa nagtutulungan. I'm 20 weeks and 4 days pregnant now but still working padin po. Mahirap din na aasa ka sa partner mo na siya lahat magpprovide ng need niyo ni baby. Masarap din saten mga babae na nabibili din naten ang gusto naten kahit na may baby tayo. Pagisipan Mabuti momsh. Hehehe

Same age tayo mommy. Licensed Professional din ako. Career driven. Gustong gusto ko din magwork dahil pang dagdag budget din. Pero no choice ako nagstop ako sa pagwowork dahil maselan pagbubuntis. And pag nanganak ako walang maiiwan para alagaan si baby pag nagwork ako. May mga sacrifices talaga tayong kailangang gawin, kasi full time job din naman ang pagiging ina. Kaya ako baka matagal tagal pa bago magstart ulit ng career.

kausapin mo na lang si husband sis.kasi mas dadame ang gastos niyo pag anjan na si baby.as in.mas maganda kung parehas kayo magwork.hindi naman ibig sbhn non mawawalan kayo ng time kay baby.nasa time.management din naman yan.kame ng husband ko,parehas nagwwork pero d namin napapabayaan anak namin.now, pregnant ako sa 2nd baby.mas pursigido kame magwork after kasi dlwa na ang responsibility.

VIP Member

kung ok naman at natutustusan yubg needs and want edi sige pumayag ka kase masarap sa feeling kapag inaalagan si baby para may bonding kase mabilis lang ang panahon di mo namamalayanalaki na pala na maimiss mo yung baby pa sya kase sa work pwede mo naman ipasantabiuna at balikan pero yung apgkasanggol ni baby di a mababalik kase palaki na sya ng palaki

kami nagplan na magwowork ako pero willing ako magstop kapag mag aaral na anak ko😁, 31 weeks palang sa tiyan ko si baby☺.. . alam kasi namin yung hirap kaya sinisikap namin na dapat hanggat maaari di sya mawawalan paglabas nya, tatapusin ko lang six months na breast feeding the back to work na☺.. .

VIP Member

Kung kaya naman kayo suportahan ng husband mu momsh, take the opportunity na maging hands on mom. Kasi hindi mu na mababalikan ang stage na yan ni baby at bata ka pa naman kaya for sure makakabalik ka pa sa work in time kung talagang gusto mu 😉

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles