Need advice pls

Good day mommies. Pls no judgement. Gusto ko lang humingi ng advice, opinion, and insights. Kwento ko lang ang dilemma ko ngayon. I am 30 yrs old, married, my son is turning 6 months this July. I have a stable career, well paid, with schedule of Mon to Sat (Sundays lang ang off). Since nanganak ako hanggang naglockdown, di pa ako bumabalik ng work. Pero starting next month pinapa-balik na ulit ako sa work. Hindi namin kasama si hubby ngaun kasi umuwi muna kami sa hometown para hindi ma-expose sa kanya dahil nagwowork pa rin sya ngayon. Gusto ni husband ko tuluyan na ako mag resign at maging fulltime mom nalang sa baby namin and sa mga future babies daw namin. He also has a stable job, very well paid, and kaya daw nya na maging solo bread winner for the family. Gusto daw nia is naka-tutok lang ako sa anak and family. Confused ako ngayon kasi gusto ko talaga makasama baby ko palagi and mag-alaga sa kanya, i really really enjoy being a mommy. Pero on the other hand nanghihinayang din ako sa career ko and the additional income. Any mommies here who gave up their career for their kids/family? Any comments/advice? Thanks in advance.

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi.. I understand you sis. Nag resign ako nung nabuntis nman.. from that Mas naintindihan ko ung value Ng work ko Nung naging tambay ako Ng bahay. Iba p din pag may work ka. Hindi k hawak sa leeg Ng partner mo. May sarili Kang pera at d nkaakaguilty gumastos Kasi sayo Yun.. ibang iba. Sanay Kasi ako Ng d nanghihingi and Kung sakaling (wag naman) mag ka problema Kayo mag asawa d k manliliit at anytime Pwede k umalis. . un din Sabi ng mom ko.. not sure pero karamihan sa nakausap ko parang nababawasan respect Ng asawa pag d kumikita Ang Isa. Not true to all.. pero marami silang naaabuso dahil lumiliit tingin sa knila Ng kinakasama.. if I'm in your position hahanap ako Pwede mag alaga Ng anak ko n Pwede ko pag katiwalaan and make adjustments sa schedule ko sa work especially now n may pandemic tayong hinaharap considering may baby ka. . Or I make it a point n d ako aasa lng sa Kita Ng Asawa ko at meron p rin akong pinag kakakitaan kahit d n ko mag wowork. Mas ok din pag usapan niyo Muna ni husband. Kung married Kayo for sure nasabi nman sa seminar n equal Kayo Ng rights sis. Kung gusto mo mag work Hindi k Niya pwedeng pigilan 🙂 and pag Mahal k tlga Hindi dapat maging problem Yun sa inyo..

Magbasa pa
4y ago

Welcome I hope nakatulong kahit papano.

When I got pregnant, nagresign din ako kahit nakakapanghinayang kasi stable naman ung work ko. I was a career-driven woman, with mga MBA MBA pa nga. Though it was our mutual decision, labag pa din sa loob ko noong una, kasi walang magaalaga ng baby namin pag lumabas, at pangalawa, kaya naman daw kaming suportahan ng partner ko. Madami akong fear lalong na when it comes to finances, kasi wala na kong magiging sariling pera at baka hindi ko na masuportahan ang parents ko kasi nakakahiya na sa partner ko. Pero thank God, mabait naman at responsable ang partner ko. Nagbibigay pa din kami allowance sa parents ko, tapos meron din akong sariling allowance from him, nagtransfer sya ng certain amount sa bank account ko para daw ma feel ko na may sarili akong pera. I think nasa pag-uusap lang po yan. For me, worth it lagi pag uunahin ko ang baby namin over anything else, minsan lang silang babies, pag malaki na sila pwede naman tayong bumalik sa work. 😊

Magbasa pa

Mommy, kung kaya naman isupport ng hubby mo ang needs niyo, why not na alagaan mo nalang si baby. Mas maganda kasi kung ikaw mismo mag aalaga sa anak mo. May panganay na kasi ako pero di ako ang nagpalaki sa kanya. Ayaw ko ng ugali ng anak ko ngayon, masyadong naispoiled at lalo na sa ugali ayaw ko din. Kaya kung ako papipiliin, mas maganda na tayong mga nanay ang mag alaga sa sarili nating anak. Wag ka masayangan sa work mo kasi mas importante ang pag aalaga at pagpapalaki sa anak ng maayos.

Magbasa pa
4y ago

Thank you for sharing your thoughts.

Mahirap na choice yan for you sis lalo at sanay ka my sariling income. Pero for me super blessed ka kasi si husband mo gusto epriority mo si baby hindi lahat ng husband ganyan. Actually sis almost the same tayo plan din nmin na mag stop ako sa work after manganak para matutukan si baby ay si kuya na 8 year old na. Pwde naman mag side line magwork from home kung gugustohin. Mahirap iwan lalo pag stable ang job pero ms mahirap iwan ang mga anak thats my opinion.

Magbasa pa
VIP Member

For me sis, dahil nasabi mong gusto mo lagi kasama baby mo yun nalang sis maging full time mom ka, kaya namn ng asawa mo saka anytime namn if gusto mo bumalik sa pag tatrabaho madali lng mag apply ulit. Eh ang panahong baby anak mo di mo mababalikan enjoyin mo nalanb baby mo sis

If stable naman si hubby, you’re blessed po to be able to have the luxury of raising your kids full-time. If you want to earn pa rin naman, maraming homebased jobs nowadays :)