ANONG PWEDENG GAWIN KAPAG NAGAGALIT ANG ASAWA SA TUWING SINASABI MO SA KANYA NA BUMUKOD NA?😭😭😭😭

Ask kolang po kung ako lang ba yung feeling na hindi ka belong sa pamilya ng asawa mo tapos di kayo nag papansinan ni sa pagkain dika mayaya tapos kapag kinakausap mo naman asawa mo na mag bukod na nagagalit pa sayo, kase simula nung nung dito ako tumira sa byenan ko nung una mabait sila sakin alam mo yung feeling na nahihiya ka kumain kahit matagal kana nakatira dito tapos nahihiya ka kumilos kase baka anong sabihin tapos pag nakatalikod kapa pinagchichismisan ka ng mga anak nyang babae kasama sya naiiyak nalang ako kase ganun yung trato nila pag may trabaho naman asawa ko ang babait nila alam mo yung gusto mo nalang na sabihin nila sayo ng harapan para malaman mo kung anong problema pero ichichismis nila sa ibang tao, Alam ko naman na sila yung naggastos nung nanganak ako kase nga yung anak nila walang trabaho nun pati gamit ng anak ko byenan ko yung gumastos gusto ko na talaga umalis dito sa bahay ng byenan ko kase feeling ko ibang tao kame e pati nga ng asawa ko para ibang tao alam yung yung feeling na may galawin kalang ichichismis pero lahat naman ng gamit dito tinatago pati mga grocery ni hindi nga namen pinapakealaman e ANO BA PWEDENG GAWIN MGA MOMMY GUSTO KO NALANG TUMIRA MUNA SA MAGULANG KO TAPOS MAG IPON KAME PARA MAKABUKOD KASE DOON FEELING KO MAS MAMAHALIN PAKO NG MGAA MAGULANG KO SA BAHAY LALO NA NGA ANAK KO SA TUWING SASABIHIN KO SA ASAWA KO AYAW NYANG PUMAYAG,😭

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hindi ka po nag iisa sa ganyang feeling mommy! jusq before pa namin malaman na buntis ako gusto ko nang bumukod, at dumating na sa point na nakapag down na kami sa nakuha naming apartment at maglilipat na lang ng gamit, inaantay lang ako makauwi from work since umaga ang uwi ko. then ang asawa ko, bigla nalang iba na ang takbo ng isip kinabukasan dahil sa pakealamera kong biyenan. sabi nya dun daw muna kami tumira sa pinapaupahan nyang kwarto kung san katabi lang din ng bahay nya, at nasa loob din ng compound ng pamilya nila. lahat ng mga ate ay kuya nya, nag advice na samin na bumukod na that time dahil di daw magiging maganda ang lagay namin dito kung babalik pa kami dahil nga mangingialam nang mangingialam ang mama nila, base na rin naman sa mga karanasan nila. ngayon, isng buwan nalang manganganak na ko, lagi pa kong naiistress sa ingay ng mama nila. pinatigil ba naman asawa ko sa pagtatrrabaho sa company at instead,pinatulong nya sa pagtitinda ng kape at sigarilyo sa gabi, e lahat naman ng kita nila dun, binibigay ng buo sakanya. puyat at pagod lahat sa asawa ko, kung ano ano pang sinasabi nya. maski pambili n gamit ni baby at mga pampacheck up namin lagi nyang hinihiram, papalitan nya nalang daw at di pa naman daw ako manganganak. tapos nung natulungan na sha kung san nya kailangan yung pera biglang sinabihan nya kami na "solohin nyo yang problema nyo sa magiging anak nyo" at di man lang daw pumasok yung asawa ko sa trabaho e alam na manganganak ako. pagkatapos nyng guluhin yung mga plano namin, sha pa nagiging dahilan ng pag aaway namin ng asawa ko! lagi kaming nagsisigawan at lagi akong umiiyak dahil don at napepressure na din ako na wala pang kahit ano para sa baby ko, ni hindi rin ako nakakapag pacheck up ng maayos dahil s lagi nyang panghihiram ng pera samin tapos biglang lagi na shang galit sa asawa ko at laging nagsasabi na wala daw natulong sakanya ang asawa ko at puro pa daw reklamo kapag inuutusan nya. samantalang nung pinagtinda nya asawa ko, hindi man lang nga sha nagpapasalamat sa tuwing umuuwi yung asawa ko at inaabot na sakanya yung kinikita aa pagtitinda! ngayon pinilit nyang papasukin sa construction yung asawa ko para daw makapag ipon kami agad kesa daw sa company puro benefits daw ng asawa ko iniisip nya at hindi daw yung pag iipon para sa panganganak ko, pano daw yung panggastos namin kung sa company sha papasok. e yung lingguhang sweldo naman ng asawa ko hinihita nya rin! nung bago ako umalis ng trabaho nung 7 months preggy na ko, kami bahala sa lahat ng kinakain nya at nagpapaawa sha sa asawa ko na wala na daw shang makain at toyo lang din inuulam nya, tinulungan namin sha pero ngayon hindi nya kami pinapansin, kapag lang may pera kami lumalapit sha at nagbabait baitan! nakakainis pa na sabi ng asawa ko mag antay lang daw ako hanggang sa manganak ako kasi di naman daw namin kaya at di din daw namin kabisado yung gagawin kung nakabukod n kami att manganganak ako. same din na mabait naman ang byenan ko nung unang naging kami at sha pa nagsabi na sakanila nalang ako tumira, sobrang support pa sha samin nung una at lahatt ng pagsisimula na gamit sa bahay binigay nya samin, tapps ganyan din biglang dumating yung realization sakin na ok lang sakanila yung asawa ko kapag may pera pero kapag hindi sila binibigyan kung ano anong sinusumbat nila. ayoko din na sila mag asikaso sakin kapag nanganak ako dahil baka isumbat din nila yung pagkabuhay ng baby ko kung sakali. pero kapag naman walang dumadamay sa mama nya kapag lahat ng kapatid nya walang pake sa mama nila, asawa ko lang kusang lumalapit sakanya para masandalan nya eh dahil nakikita ng asawa ko na nahihirapan yung nanay nila at ayaw nyang makitang ganon lang maging lagay ng mama nila. pero kung gano katanga yung asawa ko sa nanay nila, ganon naman katanga yung nanay nila sa kuya nyang mas tinuturing pang bunso ng nanay nya dahil sa requested child daw at halata namang paborito nya! pag yun yung may kailangan ng kahit ano, kahit kung umasta akala mo kung sino, sasabihan lang yung asawa ko na hayaan na lang at pagbigyan, pero kapag asawa ko na may kailangan, at kahit sha na yung inaagrabyado, saknya pa magagalit mama nya! e yung kapatid nya nga na yon hindi kayang buhayin yung nanay nila! ang hilig pang makihati lang sa mga pamangkin kapag kakain na, hindi naman gumagawa ng paraan para makahanap ng pambili ng pangkain! kami pa nga bumubuhay sakanila pero kung tratuhin nila yung asawa ko, parang walang naitutulong palagi! pero ayaw pa rin bumukod ng asawa ko kahit anong pilit ko at kahit anong parealize ko sakanya na wala naman shang mapapala sa mama nya!

Magbasa pa

lam mo gnyan din aqo unang tira qo s bahay ng byenan qO kC biglaan ung pgssama nmin ng asawa qo pra bang ano tanan ung nngyari kC s kgustuhan qo umalis s bahay nmin dhil lgi na lng aq pinapalayas ng papa qo every time n nggalit xa,, dat tym my 2 anak na qo nun singleparent aq ng makilala q tOng asawa q ngaun.. pero iba xa kumpara sa inaasahan qO xa ung tipo ng lalake na xa fa nhhiya skin nung inuwi nia aq s knila halos lgi xang nsa tabi q kpag nsa bahay kmi kc nga ilang fa qo hngang s nafeel qo hate aqo ng mama nia at bilas ng asawa q na nkapisan din s bahay na un hngang s nagdecide kmi ng asawa qo mkipag sapalaran khit wlang wla kming pera pinilit nmin mkabili ng maliit n bahay ngtyaga kmi na magtipid at mangutang magsanla hngang sa bumalik aqo sa mgulang qo ksama qo na asawa qo sa pgbalik q ngsumiksik kmi ng ilng buwan s pudar ng mgulang qo hbang pinapagawa nmin ng munting bahay nmin,, studio type lang pero ang alwal pra sming mag asawa swerte n nga lang mgkaroon k ng asawa na khit di ka ngssalita ramdam nia kung anong nraramdaman mo kaya aun msrap s pkiramdam n khit kinakapos kmi minsan atlis ung problema nmin is pang amin lang mgasawa wlang byenan o hipag na nkkisawsaw sa pmumuhay nmin

Magbasa pa

takot lang yang asawa mong bumukod mii. kase once na bumukod na kayo maramin nang mashoshoulder na gastusin . kami ng lip ko nung una takot din siya na bumukod kami pero kalaunan nakapagdesisyon din . ngayong nakabukod na kami mas tahimik na buhay namin . nagsimula kami tumira sa kubo na pahingahan hanggang sa nakalipat kami sa maayos na tirahan. kase kung gusto maraming paraan. kung ayaw for sure mas maraming dahilan . kaya ikaw magpursige mii na bumukod kayo. kung may inaabot sayo asawa mo pasimple mong ipunin yung iba . simulan no na ring magpundar ng gamit kahit paonti onti. wag mo iisipin at papansinin sasabhin ng ibang tao sayo . kase kung magpapaapekto ka at wala kang gagawin hanggang jan ka nalang . dapat matuto tayong tumayo sa sariling mga paa at ipakita na may karapatan din tayong gumawa ng mga gusto natin

Magbasa pa

may ganyan talaga na mga in laws momsh. ako sa first baby ko okay naman trato nila sakin kasi habang buntis ako non may trabaho ako. Eh ngayong mg 4yrs nakong walng work kasi nga ako lng yung nagbabantay sa anak ko tapos si mister yung may work. naiba trato nila sakin momsh ,ginawa kaming kaagaw sa mga pinupundar ng anak nila na kung iisipin ee pra yun sa sarili nming pamilya. ito 7months preggy ako, gumagawa tlaga sila ng way na mg away kaming mag asawa , ewan koba. Mabuti nlng hindi ako pumayag na sa knila tumira at kung anu pa masagot ko if ever may marinig ako ee alam kona mga ugali nun. Yung asawa ko pilit ng pilit na dun tumira kasi dipa kme nakabukod ee sabi ko hindi ako comportable dun . Kaya momsh kung ako sayu umuwi ka sa alam mong comportable at masaya ka .

Magbasa pa

naku mami wag mu ng antayin yang asawa mo . umuwi kana sa mga magulang mo kung mamas boy ang asawa mo . kc kung tlagang mahal ka nyan kht san ka mag punta susundan at susundan ka nyan kami nga naka bukod na sa harap ng bhay ng mga byanan ko pero sobra pakelamera pa din ayan iniwan ko umuwi ako sa magulang ko . kc ikaw din mahi2rapan ikukulung mo sarili mo jan kung pwdi ka naman makakawala . take note ah .kasal kame may 5 years old akung panganay at buntis akung 6 months pero na kekeri naman masaya pa buhay ko dito sa puder ng magulang ko sbi nya lalayu daw kami pag kapanganak ko sagot ko wag na mag sama kayo ng nanay mo .. kaya ko kht wala ka .. bsta madiskarti kang tao hndi kawalan ang lalaki sa buhay naten kaya laban lang mami 😉

Magbasa pa

Dapat talaga magbubukod na kayo ,pero kong d namn po kaya pa ,tiis tiis lang muna,At maganda namn talaga doon sa magulang mo tumira kayo kase mas kilala at palagay ang loob mo,kaya lang ang asawa mo ayaw pumayag namn. First pray ka muna ,para si LORD ang gagawa ng paraan i mean bibigyang ka niya ng wisdom .Wag kang padadala sa imosyon mo ,prayer lang pra mawala ang stress mo at isama mo sa prayer ang hubby na bless sya at protection ng buong family nyo po huwag kang mag focus sa problema nyo gaano man kabigat kapit ka sa creator natin pra maging magaan ang lahat at lilipas din yan ang mga pinagdaanan nyo po.Be strong in the LORD ma overcome mo rin yan❤️

Magbasa pa

Hi Mamshie basahin niyo both ni husband yung article na "Leave and Cleave" (Maricar Reyes and Richard Poon) to enlighten both of you the importance of on your own. Always include your husband's family esp his mom to your prayers. Just be yourself always mamshie. Make yourself busy and check also other things that can give you additional income for you to be able to share for the house expenses. Save money. It's better to live on your own. If you will just go to your parents, your husband will not be comfortable and will also might feel the same you are feeling right now. Kapit lang mamshie ❤️❤️❤️

Magbasa pa

basta ako walang hiya ung nanay ng live in ko , same case sayo , kaya nung nagkatrabaho xa ,vat dahil ayaw na ko patungtungin ng nanay nia sa bahay nila , sinabihan ko tlga ung live in ko na kung ayaw nia sumama sakin , jan xa sa saya ng nanay nia at nanay nia nalang iu*n nia😁✌️, wala pa kaming anak dat time , at sumama naman xa sakin eto matiwasay at tahimik buhay namin ng anak namin☺️,,,tanginis wala nang istorbo sa twing matutulog ako at wala nang makekealam kahit tanghali nako gumising at nakakain namin magjowa lahat ng gusto naming kainin etc.

Magbasa pa

hay naku kung ako sayo layasan ko na sya lalo na ganyan sitwasyon mo sa kanila dapat tinuturing ka nila na parang tunay na anak kasi asawa ka ng anak nila...dapat nirerespeto ka nila...tama dun ka na muna sa magulang mo explain mo sa kanila maayos bakit uuwi ka sa kanila maiintindihan ka naman ng magulang mo saka yang asawa mo dapat sya nakakaunawa sayo eh pero ndi...nag asawa sya tapos ganyan sya.kausapin mo na lang din po maayos asawa mo na kung ayaw nya pumayag bumukod dun ka na lang muna sa magulang mo at buti sana kung maayos sitwasyon mo sa kanila...

Magbasa pa

Ganyan din yung nafifeel ko nung nakatira ako sa byenan ko, halos pag-ihi nahihiya at lumabas nahihiya ako. Masyadong limitado mga galaw mo lahat ng bagay nahihiya ka. Kaya kinausap ko yung hubby ko na magbukod kami, okay naman saknya at walang problema. Mas gusto niya pang nakabukod kasi kapag nag aaway kami minsan nakikialam yung parents niya nagagalit siya kaya kung ako sayo mi. Mag usap kayo masinsinan para di kayo mahirapan sa ganyang sitwasyon lalo na ikaw. Kasi naffeel ko anong naffeel mo. ☺️

Magbasa pa
3y ago

opo ganyan nafifeel ko halos dina nga ako nasabay sa kanila kumain pag wala na sila tsaka lang ako makakain at makakalabas ng kwarto kase nahihiya ako kakain ako eh di naman ako niyaya kumain nila, take note ah ako lagi nagluluto dito atsaka di din kase kame mga nag papansinan ng magulang nya para ba kameng ibang tao dito 😢