Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mommy of 4 ❤️
2 centimeters na.. 38 weeks
Stock ako sa 2cms 4 days na. Sana tumaas na cm para makaraaos na agad. Since naglakad lakad naman na ako kanina at may nararamdamang konting hilab. Puro mucus lang kase 4 days na din. Sana makaraos na ako ..
LMP ba or Via Ultz.
Naguguluhan kase ako . Ang Calculate ng EDD ko via LMP is Aug. 1 2022 which is 37 weeks and 4 days na akong preggy kase October 25 yung last na regla . Tapos nagpaultrasound ako kanina Aug. 11 2022 yung EDD ko dun so nasa 36 weeks and 1 day palang siya . Tanong ko mga mii alin bang susunding Duedate yung sa LMP or Ultz.
Difficulty of breathing
31 weeks and 4 days pregnant. Any tips po para makatulog ng maayos ? Kahit nahihirapan ako sa paghinga at medyo mabilis nang mapagod . Puyat na din palagi dahil di mahanap yung komportableng ayos ng pagtulog . Dalawang malaking unan na ginagamit ko para na akong halos nakaupo matulog sa gabi 😅
Sino dito mga mommies na pregnant na nagpavaccine ng JANSSEN?(J&J)
I'm 11 weeks pregnant po kase at balak ko po mag pa i Vaccine ng J&J Sino po mga Mommies dito na nakapagpavaccine na ng J&J ? Any side effects po? #pleasehelp #advicepls #pregnancy
Pwede ba magpavaccine ang buntis?
Pwede po bang magpa vaccine ang buntis ? Required na daw kase ngayon lahat . Lalo pag sa mga malls . Napapaisip po kase ako ng malalim kung magpapa vaccine ako o hindi . Baka po kase makasama sa baby ? Sino po ba dito ang nakapag pa vaccine na kahit buntis ?
can't poop
Hello mommies . Pasintabe po sa mga kumakain.. 11 days na po kase ako after ko manganak and until now di parin ako makapoop . Any advice or tips po . Worried lang po kase ako baka malason ako 😅 tsaka malakas din po ako kumakain.
my baby
EDD October 27 DOB October 18 9:29 pm baby's out 3100 kg hello mommies .meet my baby boy John Skyler . nakaraos na din po sa wakas . October 18 ng morning nakakaramdam na ako ng hilab pero tolerable naman . inaantay talaga yata ang papa niya mga 10:30 am dumating papa niya eksaktong mag pupunta ako sa cr para umihi may mucus plug na ako kulay white na sipon sobrang lapot then . natulog pa ako kasi maglalakad lakad pa sana ako kaso umuulan naman . tapos mga bandan 7:00 pm kumain ako sobrang dami ,hihinga lang sana ako ng malalim kase nga busog na ako kaso biglang pumutok na panubigan ko . 8:00 pm pumunta na ng lying in medyo natagalan kase inantay pa namin yung ambolansya tuloy sa pagtulo yung panubigan ko. pagkatading sa lying in IE agad . ang sabi ng midwife 3-4 cm palang medyo matagal pa so pinaglakad lakad muna ako nakadiaper na 😁😅 so yun naglakad lakad dumating mommy ko sa lying in di parin lumalabas si baby 9:00 pm umalis mom ko kase inaantok na daw siya so umuwi na . saktong pagkaalis inaya ko asawa ko samahan niya ako sa cr kase parang natatae ako that time 3-5 mins nalang interval nung pain . so yun pagkadating sa cr tinanggal ko agad diaper pagkaupo ko sa bowl napaire ako kala ko napopoop lang sabi ko sa asawa ko lalabas na humiga nalang ako bigla sa tile ng cr buti tuyo takbo asawa ko sa station ng midwife tinawag niya taranta na silang lahat nakalabas na ulo niya nung pumasok midwife sa cr. iire ko na daw kase baka masakal daw si baby so umire na ako kahit medyo nilalamig kase malamig yung tiles . hehe binuhat nalang ako ng asawa ko sa bed para dun malinisan . sa cr na din kase pinalabas placenta. thanks po dito sa app na to dami ko natutunan . sorry din kase napahaba story PS. : saktong paglabas ni baby nakapoop na siya .
team October
Mommies ask ko lang kung mababa na ba tyan ko . 36 weeks and 2 days na po . Hirap na kase ako maglakad . Kaya halos nakaupo lang or nakahiga ako . Sa morning nag wawalis naman ako sa bakuran .
cold water
Tanong ko lang po kung okay parin po ba na inom po ako ng inom ng cold water . Ang init po kase . Nakakasama po ba sa baby yun ? 36 weeks and 1 day na po ako at hirap sa paglalakad. Salamat po sa sasagot 😘🥰