Sino dito nakakaexperience na pinaplastik ng byenan... ? At hirap na hirap makisama sa mga inlaws??

Yung akala mo ang bait bait sayo pag kaharap ka pero pag nakatalikod at wala ka kung ano anong paninira at puna ang sinasabi sa ibang tao. Pati sa mga kamag anakan pa nila. Kaya pag napunta dito kung makatingin saken kala mo kung anong ginagawa ko. Pati sa anak nya mismo na asawa mo kung ano anong sinusumbong. Kesyo pinapaiyak ko daw ang bata e sadya naman talagang maligalig ang newborn. Laging nakamasid sa gagawin mo di ka makagalaw ng maayos kase laging may puna. Kaya ang siste purga ka sa loob nh kwarto. Kahit gusto mo minsan tumambay sa may salas o kaya sa labas mas pipiliin mo nalang sa loob ng kwarto para walang masabi sayo. Hirap ng ganto. Gustong gusto ko ng umuwi sa bahay namen. Nakikitira kase ako at baby ko sa bahay ng partner ko. Kung may pangbukod lang talaga kame gusto nanamen bumukod e. Nakakailang sa bahay nato. Puro pakiramdaman. Ano bang dapat gawin?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

bumukod lang talaga ang sagot. mahirap talaga yung nakikitira ka lang. hindi mo kasi teritoryo. kahit mabait pa mga inlaws mo, magkakaron pa din yan ng clashes or samaan ng loob. depende na lang sa pagiging maunawain nyo sa isa't isa kung paano ihandle yan. wag nyo na lang pansinin sinasabi nila basta alam nyo sa sarili nyo na inaalagaan nyo mabuti anak nyo

Magbasa pa
4y ago

Oo nga momsh e. Bumukod o umuwi ako samen para naman iwas stress ako kase isang buwan palang akong nakakapanganak. May post partum na nga ako dumadagdag pa tong mga gantong klaseng tao sa problema ko. Minsan talaga napapatulala nalang ako e.