hindi ka po nag iisa sa ganyang feeling mommy! jusq before pa namin malaman na buntis ako gusto ko nang bumukod, at dumating na sa point na nakapag down na kami sa nakuha naming apartment at maglilipat na lang ng gamit, inaantay lang ako makauwi from work since umaga ang uwi ko. then ang asawa ko, bigla nalang iba na ang takbo ng isip kinabukasan dahil sa pakealamera kong biyenan. sabi nya dun daw muna kami tumira sa pinapaupahan nyang kwarto kung san katabi lang din ng bahay nya, at nasa loob din ng compound ng pamilya nila. lahat ng mga ate ay kuya nya, nag advice na samin na bumukod na that time dahil di daw magiging maganda ang lagay namin dito kung babalik pa kami dahil nga mangingialam nang mangingialam ang mama nila, base na rin naman sa mga karanasan nila. ngayon, isng buwan nalang manganganak na ko, lagi pa kong naiistress sa ingay ng mama nila. pinatigil ba naman asawa ko sa pagtatrrabaho sa company at instead,pinatulong nya sa pagtitinda ng kape at sigarilyo sa gabi, e lahat naman ng kita nila dun, binibigay ng buo sakanya. puyat at pagod lahat sa asawa ko, kung ano ano pang sinasabi nya. maski pambili n gamit ni baby at mga pampacheck up namin lagi nyang hinihiram, papalitan nya nalang daw at di pa naman daw ako manganganak. tapos nung natulungan na sha kung san nya kailangan yung pera biglang sinabihan nya kami na "solohin nyo yang problema nyo sa magiging anak nyo" at di man lang daw pumasok yung asawa ko sa trabaho e alam na manganganak ako. pagkatapos nyng guluhin yung mga plano namin, sha pa nagiging dahilan ng pag aaway namin ng asawa ko! lagi kaming nagsisigawan at lagi akong umiiyak dahil don at napepressure na din ako na wala pang kahit ano para sa baby ko, ni hindi rin ako nakakapag pacheck up ng maayos dahil s lagi nyang panghihiram ng pera samin tapos biglang lagi na shang galit sa asawa ko at laging nagsasabi na wala daw natulong sakanya ang asawa ko at puro pa daw reklamo kapag inuutusan nya. samantalang nung pinagtinda nya asawa ko, hindi man lang nga sha nagpapasalamat sa tuwing umuuwi yung asawa ko at inaabot na sakanya yung kinikita aa pagtitinda! ngayon pinilit nyang papasukin sa construction yung asawa ko para daw makapag ipon kami agad kesa daw sa company puro benefits daw ng asawa ko iniisip nya at hindi daw yung pag iipon para sa panganganak ko, pano daw yung panggastos namin kung sa company sha papasok. e yung lingguhang sweldo naman ng asawa ko hinihita nya rin! nung bago ako umalis ng trabaho nung 7 months preggy na ko, kami bahala sa lahat ng kinakain nya at nagpapaawa sha sa asawa ko na wala na daw shang makain at toyo lang din inuulam nya, tinulungan namin sha pero ngayon hindi nya kami pinapansin, kapag lang may pera kami lumalapit sha at nagbabait baitan! nakakainis pa na sabi ng asawa ko mag antay lang daw ako hanggang sa manganak ako kasi di naman daw namin kaya at di din daw namin kabisado yung gagawin kung nakabukod n kami att manganganak ako. same din na mabait naman ang byenan ko nung unang naging kami at sha pa nagsabi na sakanila nalang ako tumira, sobrang support pa sha samin nung una at lahatt ng pagsisimula na gamit sa bahay binigay nya samin, tapps ganyan din biglang dumating yung realization sakin na ok lang sakanila yung asawa ko kapag may pera pero kapag hindi sila binibigyan kung ano anong sinusumbat nila. ayoko din na sila mag asikaso sakin kapag nanganak ako dahil baka isumbat din nila yung pagkabuhay ng baby ko kung sakali. pero kapag naman walang dumadamay sa mama nya kapag lahat ng kapatid nya walang pake sa mama nila, asawa ko lang kusang lumalapit sakanya para masandalan nya eh dahil nakikita ng asawa ko na nahihirapan yung nanay nila at ayaw nyang makitang ganon lang maging lagay ng mama nila. pero kung gano katanga yung asawa ko sa nanay nila, ganon naman katanga yung nanay nila sa kuya nyang mas tinuturing pang bunso ng nanay nya dahil sa requested child daw at halata namang paborito nya! pag yun yung may kailangan ng kahit ano, kahit kung umasta akala mo kung sino, sasabihan lang yung asawa ko na hayaan na lang at pagbigyan, pero kapag asawa ko na may kailangan, at kahit sha na yung inaagrabyado, saknya pa magagalit mama nya! e yung kapatid nya nga na yon hindi kayang buhayin yung nanay nila! ang hilig pang makihati lang sa mga pamangkin kapag kakain na, hindi naman gumagawa ng paraan para makahanap ng pambili ng pangkain! kami pa nga bumubuhay sakanila pero kung tratuhin nila yung asawa ko, parang walang naitutulong palagi! pero ayaw pa rin bumukod ng asawa ko kahit anong pilit ko at kahit anong parealize ko sakanya na wala naman shang mapapala sa mama nya!
Magbasa pa